10.22.2005

DIKSYONARYONG BATANGGENYO

Dugong Ala Eh

The unofficial Batangas Dictionary

Alid -Tuyong dilis
Amos -dumi sa mukha
Anlalawa -gagamba
Antak- atake ng sakit
Apta- maliit na hipon
Arak -mayabang
A-re -ito
Asbad- palo
Asbag -kabag
Asbok -usok
Awas -apaw
Babag -away
Bahaw- kaning malamig
Baklay -sakla
Balinghoy -Kamoteng Kahoy
Balingusan- ibabaw ng ilong
Balisbisan -Gilid ng bahay
Banas -alinsangan
Bangyaw -Malaking langaw
Barik- inom ng alak
Bigtal- pilas
Bilot tuta
Binangi Inihaw
Bithay salaan ng bigas o mais
Biting maliit na piraso
Bu-alaw Nilagang butil ng mais
Bug-ong pagkaing binalot sa dahon ng saging
Bungkok patay
Buog tulog
Dag-is Ire
Dinoldol bibingkang yari sa mais
Dulos pandukal ng damo
Galgal pilyo
Galpong giniling na kape o bigas
Gamas pag-aalis ng damo
Gambol lamog
Guyam maliit na langgam
Halyas tinadtad na puno ng saging
Hambo ligo
Hawot tuyo
Ingli kilos
Kalamonding kalamansi
Kalangkang pinasingawang ginadgad na kamoteng kahoy
Kampit kutsilyo
Karibok kagulo
Kasmura sikmura
Kawot malaking sandok
Kostal sako
Labon laga
Ligawgaw kiliti
Ligwak tapon ng likido
Lilik karit
Lintog lapnos
Liwat salin
Magkusi magluto
Mam-in ikmo
Manghinaw maghugas
Matam-is asukal
Mulay barya
Mura buko
Mutaktak alam
Pagaw malat
Pagerper kalapating mababa ang lipar
Pakilasa pakiramdam
Palarusdos Bilo-bilo
Panggang sobra ang pagka-ihaw
Pangkal Tamad
Patikad mabilis na takbo
Pikloy pantal
Pinindot Bilo-bilo
Pitik gagamba
Purunggo basag na bote
Puthaw maliit na palakol
Sakol kain nang nakakamay
Sakre gahaman, sakim
Samlang bastos
Sampilong mahinang sampal
Sangkaka matamis na bao
Sanglay ginataang malagkit
Sapaton tsinelas
Sereno hamog
Simod Takaw
Sintones dalandan
Sungaba subasob
Supok sunog
Tabayag upo (gulay)
Takid tisod
Talpog sunog
Tangkal kulungan ng manok
Tangla istambay
Tibunglus ilawan
Tikin pangsungkit ng prutas
Tindagan pantusok ng bar-b-que
Tubal maruming damit
Tuklap tanggal ang balat
Tuklong kapilya
Tulyasi malaking kawa
Tungko kalan

13 comments:

  1. Anonymous8:51 PM

    hmmm, mukhang hindi ko pwedeng i-claim na trulili akong batanguena ah! as i was going through the list, i realized i never used nor heard of most of them.

    ReplyDelete
  2. ti-nest ko si esmi, alam nya halos lahat. Tawa ng tawa sya habang binabagkis ko yung mga salita, malambot kasi tagalog ko, hehehe. Paborito ko bu-alaw nung bata ako, binatog sa amin yun.

    ReplyDelete
  3. kaka, bahaw at kalamonding lang ang alam ko dati... mabuti naman at nadagdagan na ngayon ang talasalitaan ko. (tama ba?)

    may dalawa pa nga palang sumabit, sina nebuchadnezar at ashurbanipal! hehe

    ReplyDelete
  4. Anonymous8:16 AM

    Mang Atoy, ngayon ko lang a-re narinig ang iba hehehe
    Asbag pala yong kabag, eh pag nasa ulo yong kabag ano yon sa diksyonaryong batanggenyo? :)

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  6. tangkal? sa manok lng sa baboy un ah...hehehe

    -Dops

    ReplyDelete
  7. Anonymous2:07 AM

    hello fafa atoy, yung "antak" sa amin sa Pampanga medyo bastos, di ko na lang sabihin meaning.hehehe. Baka si fafa KU alam yon.

    ReplyDelete
  8. ano po sa kapangpangan yun "antak"?

    ka atoy baka may nilaga ka diyang balinghoy at barakong kape. hehhehhe

    ReplyDelete
  9. kabayang atoy! kaganda ga naring iyong talasalitaan!ay pwede ko gang ilagay ari sa aming blogsite sa sfsminor?ay iyo namang alam na kami ay puro mga taga batangas....

    ReplyDelete
  10. pangdagdag sa iyong lista. Narinig ko ari sa aking mga lolo at lola:

    mahalabid - mapatid
    mayapaw - maapakan
    latuk-mababang mesa
    tacho-kawaling yari sa tanso
    panghiso-sepilyo-toothbrush
    kaligya-di magkamayaw
    baktot-dala/buhat
    himatlugin-aantok antok
    piral-pingot ng tenga
    maantut-mabaho
    balais-atat na atat
    kalaghara-plema
    darahik-matinding ubo
    malag-tanga
    ulaga-loko
    pang-os-kain ng tubo (sugarcane)
    kagampan-kabaliktaran ng kuba
    pinais-binalot sa dahon
    banyos-punasan ng bimpong basa
    halukipkip-naka krus ang mga braso
    portamoneda-lalagyan ng mulay
    bagol-1 sentimo
    karachucha-mga mulay na balot sa papel
    kalabukab-walanghiya/pilyo
    naglalandi-naglalaro ng tubig
    balisusu-binalot sa papel
    naghawan-naubos
    takla-umiere para maglabas ng sama ng loob
    sulimpat-maliit ang isang mata
    kasmot-kalbo
    batidor-lutuan ng tabliya
    tabliya-bilog na chocolate
    lusong-bayuhan ng palay atbp
    tigib-puno'
    ulandes-blonde
    hinanggit-hinablot
    aspiki-palo
    garute-parusang mabigat
    tiwarik-nakabitin na nakatali ang paa
    nagtulay-nakatayo
    labong-atcharang murang niyog
    istandarte-gamit sa prusisyon
    sinilas-havayanas
    uban-puting buhok
    daguum-parang kulog sa lakas
    dagasa-masama ang pagkabagsak
    pinlid/binlid-hindi buong bigas
    kalahig-hila-hila
    kuritas-band-aid
    bulugan-kalabaw na lalaki
    tagayan-bowl
    harok-hilik
    pundiyo-parte ng pantalon sa baba ng zipper
    agua de pataranta-alak

    ReplyDelete
  11. balingunguy - nosebleed
    ngimay - paninigas, pamimitig
    bigwas - palo

    at lahat nang nandito sa kwentong ito:
    http://ipatluna.multiply.com/journal/item/71/Hilarious_Batangas_PG-rated_story

    ReplyDelete
  12. wow...haba ng listahan ah.

    ReplyDelete
  13. meron din akong list dito.... www.batanggenyo.net

    ReplyDelete