12.01.2005
LAST DAY OF SCHOOL
Ngayong umaga inihatid ko ang mga bata sa gate para sumakay sa School bus. Pagbalik ko kinunan ko ng pics ang daan papunta sa bahay. Last day na ng school ni Kuya samantalang si Bunso ay hanggang sa kabilang linggo pa. Mas unang nagbabakasyon ang "highschool" kesa "elementary". First week pa ng February ang pasukan nila at iba ng school year ito, ang haba ng kanilang chirstmas and summer vacation. Ang bilis ng panahon level eight na si Kuya at level five na si Bunso sa next school year. Heto lang ang ganda dito ng pagpasok. Halos wala ng binabayaran sa eskwelahan, pati school bus libre at may family assistance pa pag hindi kalakihan ang iyong suweldo. Kung ang mga bata naman ay nagkolehiyo na maari rin silang mag-avail ng student loan para sa kanilang pag-aaral. Tinutulungan din ang magulang sa pamamgitan ng financila assistance kung may mga anak na sila sa kolehiyo kung kabilang sila sa mga low income earner.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hi Kabayang Atoy! ay kaganda ga diyan sa New Zealand. Parang kasarap manirahan diyan eh...BTW, I posted a class picture namin sa sfsminor and andoon ang tita millen mo. check it out.
Post a Comment