1.10.2006
PAGKATAPOS NG UNOS, SISIKAT ANG ARAW, DALA AY BAGONG PAG-ASA
Sa aking mga kababayang nawawalan na ng pag-asa, huwag ninyong kalimutan ng pagkatapos ng unos at sigalot muling sisikat ang araw hatid ay bagong pag-asa.
Noong una nawawalan na ako ng pag-asa at paniniwala sa ating mga Pilipino, ngunit kapag nararamdaman ko ang pagmamahal at tunay na pagkalinga ng mga nakaugnayang mga bloggers muling bumabalik ang aking tiwala at pananalig na kaya natin ang mga balakid na humahadlang sa ating pag-unlad kung tayo ay sama-sama at tulong-tulong. Salamat sa inyo na bagamat di tayo nagkikita at nagkakausap na personal pinadama ninyo sa akin kung gaano kasarap at katapat makisama ang Pinoy. Damang-dama ko ang kadakilaan ng inyong puso. Marami pa tayong pagkukulang at maaring baguhin ngunit alam ko na nandoon ang malaking pag-asa, kaya pa ng bansa nating umunlad kung kakalimutan natin ang ating sarili at ipamamahagi natin ang ating kaalaman at biyayang tinataglay.
SA INYO ANG AKING MGA KAIBIGAN, KABABAYAN AT KAPATID NA MGA BLOGGERS ISANG TAOS PUSONG PASASALAMAT AT SANA ANG TAONG ITO AY HATID AY KASAGANAHAN AT KALIGAYAHAN PARA SA ATING BANSA, SA ATING PAMILYA, AT SANA KUNG ANO MAN ANG INYONG MINIMITHI AT INAASAM AY MATUPAD SA TULONG NG PANANALIG UNA SA POONG MAYKAPAL, SA ATING SARILI AT SA ATING KAPWA. MABUHAY!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Awwww...Mangtoy, super ganda ng pics :) professional photographer po ba kayo hehe...
haha..basta grabeh ang tawa ko dun sa post mo dun sa hybolz ko :) may lahing Rizal ka pala, MUBUHAY si ATOY...
Ako ang pirst!
may pag-asa tayong mga pinoy lalo na't may mga taong katulad mo ka atoy. email mo sa akin ang lipad mo pa-auckland para magkita tayo kahit makapag-kape lang sa terminal.
ang dami na nating pinagdaanan, ngunit eto...patuloy pa rin ang pakikibaka. Yan ang Pinoy!!!
pede sumabit? gusto ko lang kumustahin si tita glo :D
Atoy, makabagbag damdamin naman itong post mo. Salamat sa iyong mga katagang nagbigay sa ating lahat ng pag-asa (tama ba tagalog ko? -bisaya ako eh) Mabuhay ang Pilipino!
Atoy, kahit may bagyo diyan sa inyo, ang sarap pa rin tingnan. Kuha ka ng pictures ng different seasons ha? Sarap siguro pagwinter, makapag-ski kayo.
BTW, Ano pala ibig sabihin nong Kiwi (?)language na sinulat mo doon sa blog ko? I think it means Happy Birthday? Thanks Atoy! Have a great day!
nanibago ako sa post mong tagalog huh!
Happy new Year!
Post a Comment