2.12.2006

FIRST LOVE


Everybody has a first love,
they have left in yesterday.
Feelings they have left behind,
it's just a place in time but not so far away.
Everybody has a first love,
when the dream they shared was new.
I remember that special someone,
so I wrote this song just for you.
First love in my life.
Where are you tonight?
I wonder about you.
First love in my life.
Did things turned out alright?
I worry about you.
'Cause I've got everything,
everything in life that I wanted.
It would kill me now and make me sad to know you are lonely.
First love never dies.
I wish you love,
I wish you happiness.
And may the years be kind to you.
You'll always be a part of me,
share this thought with me.
I'll carry you always
First love, first love never dies.
RememberFirst love,
first love never dies.
I tell youFirst love,
first love never dies.
RememberFirst love,
first love never dies.
Whoa. . .

Kantang mula sa Seals and Crofts, isang kanta tungkol sa unang pag-ibig. Isang kantang tuwing naririnig ko naalala "kita".
Kumusta ka na ba? Sana naman masaya ka sa piling ng mahal mo sa buhay. Alam ko masagana naman ang iyong pamumuhay. Ang lalaki na pala ng mga anak mo. Ilan ba sila?
Alam mo ba noong nakita kita sa simbahan noong isang uwi ko, nandoon pa rin ang kakaibang pitlag ng puso ko. Bakit ba sa tinagal-tagal ng panahon hindi pa rin kita nalilimutan. Hanggang ngayon naroroon pa rin ang pananabik at pag-aasam na makita ka at masulyapan ka lamang kahit sa isang saglit. Nag-uumapaw na kaligayahan ang aking nadadama sa tuwing mamasdan kita. Nais kitang lapitan at kausapin ngunit atubili ako sapagkat baka hindi ko maikubli ang matindi kong pagkagiliw sa 'yo.
Noong magtama ang ating mga mata at ako ay iyong nginitian at binati walang katumbas na kagalakan ang aking nadama, hindi mababayaran at masusulitan ng anumang halaga. Hanggang ngayon nababanaag ko pa ang iyong ngiti, ang maamo mong mukha, ang iyong galaw, habang ikaw ay lumalakad palayo sa akin tinatanaw kita at inihahatid hanggang sa abot ng aking pananaw.
Ano nga kaya kung naging tayong dalawa? Ganito pa rin kaya ang sidhi ng pagmamahal at pagpapahalaga ko sa iyo? Pakupasin kaya ng panahon at mantsahan ng 'di pagkakaunawaan ang busilak na pagmamahal kong nadadama para sa iyo? Igupo kaya ng alitan at tampuhan ang ating pagsama-sama? Mabantuan kaya ng galit ang dalisay kong damdamin para sa iyo?
Maraming katanungan ang naglalaro sa aking isipan. Mga katanungan mananatiling na lang na walang kasagutan sapagkat gaya nga ng Hatol ng Kapalaran, hindi tayo para sa isa't-isa. Magkaiba ang ating landas. Mayroon ka ng pamilya at ako man ay mayroon na ring pananagutan. Kung sakali mang muli magkatagpo ang ating landas ito lang ang nais kong iyong matanto IKAW ang una kong pag-ibig at kailanman hindi kita malilimutan. Mananatiling ka dito sa aking puso sapagkat ikaw ang aking First Love.


6 comments:

Mmy-Lei said...

Grabe fafatoy, as in first love never dies para syo?

hay sweet, pero di kaya magalit at magselos si misis nyan!

Happy Hearts Day. Nag-cecelebrate din ba ang mga kiwi dyan tuwi araw ng mga puso?

Anonymous said...

i guess the adage "first love never dies" doesn't apply to me when it comes to matters of the heart. maybe for something else, pwede pa.

nixda said...

hay...pirst lab never dies talaga fafatoy! :)

di ka nag-iisa. hehe

sa akin, prens pa rin kami ...ginawa pa nga niya akong ninang ng first-born nila :)
ang importante, masaya na kami pareho.

Unknown said...

sweet naman ng post nyo :)

first love never dies? hmmm not sure ako kasi pumanaw na ang first love ko.

God bless!!

Anonymous said...

wow Atoy I'm speechless! Very nicely written.

I have fond memories of my first love too. Kaya lang ang tagal na naming hindi nagkita. Baka hindi ko na siya makilala :-))

Happy heart's day!

P.S. I'll add you to my blogroll.

Ka Uro said...

fafa, kung ako sa yo, huwag mo na itong pabasa kay kumander lalo na ngayong araw na ito. otherwise, ilabas mo na yung kulambo at duvet. puro pala perslab ang topic natin ngayon. happy valentines fafa.