4.18.2006

Isang Malamig na Umaga




Pictures cannot give justice to the spectacular phenomenon na nakita ng dalawa kong mata isang malamig na umaga dito sa paligid namin. Noon lang ako nakasaksi ng ganoong tanawin. Kaya kahit sa larawan nais kong ibahagi sa inyo ang kakaibang tanawin na nasaksihan ko. Ang pagitan ng mga bundok ay naging makulay, buhay na buhay dahil sa adornong ipinutong sa kanya ng Inang Kalikasan. Hindi ko kayang ilarawan sa mga salita ang aking nasaksihan, tunay ngang walang manunulat o pintor na makakahigit sa mga sining na nilikha ng Dakilang Lumikha.

6 comments:

Mmy-Lei said...

really spectacular!

salamat fafatoy sa pagbahagi mo sa amin. lumipat ka na talaga ng bahay ha!

God Bless to ur family!

nixda said...

ang suwerte nyo naman fafatoy, kailan kaya ako makakakita ng ganyan :)

Ka Uro said...

ganda talaga diyan ka atoy. nasa picture ba ang bago mong haybols. sana huwag yung bahay na brown. malas daw yan kasi tinutumbok ng kalye. delikado kapag may mabilis na sasakyan at nawalan ng preno.

ka atoy, email mo naman sa akin bago mong address. may send ako sa yong mga dibidi.

Anonymous said...

Wow, Ka Atoy Wala akong masabi. Ang ganda naman diyan sa inyo. Kelan pa kaya ako makapunta dyan?

Offtopic: Ka Atoy, alam nyo po ba ang English version ng Dahil sa Iyo? Alam kong mahilig kayo sa love songs, pero I know na hindi kayo kasing- tanda ng papa ko ha ha ha. Kailangan ko kasi sa French class ko. I searched for it sa internet pero hindi ko mahanap. Baka kabisado ninyo. :-))

Ingatz po kayo. Have a nice day!

Unknown said...

wow ganda talaga dyan sa inyo mang Atoy, sana maka punta ako dyan one day :)

Ingat po kayo

Ka Uro said...

hi joy,
try mong i-search yung "because of you" na kinanta ng The Lettermen. pero si ka atoy palagay ko kabisado niya yan. inabutan niya yan eh.