I'LL BE HOME FOR CHRISTMAS
I’m dreaming tonight of a place I love
Even more than I usually do
And although I know it’s a long road back
I promise you
I’ll be home for Christmas,
You can plan on me
Please have snow and mistletoe
And presents on the tree
Christmas Eve will find me
Where the love-light gleams
I’ll be home for Christmas
If only in my dreams
I’ll be home for Christmas,
You can plan on me
Please have snow and mistletoe
And presents on the tree
Christmas Eve will find me
Where the love-light gleams
I’ll be home for Christmas
If only in my dreams
Kumusta na kaya ang inay?Ang aking dalawang kapatid, mga pamangking si Tisoy, si Danda, Nicole, Jewel at ang pinakabagong dagdag sa lahi na si Emmanuel (tamang-tama ngalan niya sa pasko). Siguro ang saya kung kami ay sama-sama ngayong Pasko doon sa aming bahay sa San Sebastian. Maingay. magulo, panay ang kodakan, iritan, halakahakan ng mga bata, kulitan, kung minsan iyakan. Parang nakakita ko ang pamimilog ng kanilang mga mata at hindi mabibiling tuwa nila sa bawat regalong kanilang natatanggap at binubuksan. Bulol pa rin kaya si Tisoy, mahilig pa rin kayang mag-sasayaw si Danda at Nicole, si Je kaya mahiyain pa rin Siguro ang lalaki na nila.
Kumusta na kaya ang mga tiya at tiyo ko sa aming compound. Sana lahat sila ay nasa mabuting kalagayan. Medyo mahirap ngayon ang katayuan ng buhay sa Pilipinas, pero alam ko naman na sila ya masaya sapagkat sila ay sama-sama at nagtutulungan anuman ang hinaharap na hamon ng buhay. Lahat ng kapatid ng aking ina ay nandoon sa iisa compound, maliban sa tiya naming nasa Canada. Ang ingay-ingay siguro lalo na at bakasyon na ang mga bata, mga anak ng aking mga pinsang buo. Ang tiya Piday kaya kumusta na ang paa niya, ang tiya Belen ang matulungin at napakabait naming tiya na santa Claus ng pamilya. Siguro mamiss din nila kaming nasa abroad. Ilan na ba kaming magpipinsang wala sa Pilipinas. Marami-rami na rin. Naalala ko tuloy namayapa kong lolo ayaw na ayaw niyang paalisin kanyang mga anak para mag-abroad gusto niya sama-sama kaya heto mga anak niya nasa isang malaking compound na nilotelote niya para tayuan ng kani-kanilang bahay. 10 lote para sa sampung anak. Dinaan sa bunutan para walang lamangan. Napakaparehas talaga ni Mamay. Miss ko na rin siya. Siya ang jeprols na lolo, masayahin at mabiro.
Wala man kami diyan sa atin, ang puso namin at diwa ay lalaging naririyan sa ating tahanan nakikiisa, nakikipagsaya sa pagdidiwang ninyo ng pasko. I love you inay, mga brod, mga hipag, mga cute na pamangkin Tisoy, Danda, Nicole, Jewel, Emmanuel, mga tiya, tiyo, at to all of you cousin bears MERRY X'MAS and We' ll be home for christmas , kasalo ninyo at kasama kahit sa aming pangarap lamang.