9.26.2005

CASE STUDY


Noong ako ay nagpapamedical sa makati (pa tatlong beses) para sa pag-punta ko muli dito may 2 pamilya akong nakasabay. Magkakamag-anakan sila, mga teacher at mga taga dulong Northern Luzon. Nagpapamedical sila kasama ang kanilang mga maliit na tsikiting para sa requirement na medical ng immigration sa New Zealand. Kitang-kita ko ang hirap at ang malaking abala nila para sa requirement na ito. Nagkukuwentuhan kami at nalaman ko pati mga application forms nila at iba pang libre lamang at pwede mong idown-load sa computer binayaran pa nila sa immigration consultant nila. Malaki na rin ang kanilang nagastos bukod sa hinihingi sa kanilang consultation fee, nagreview pa sila para sa ielts, bumayad sa pagkuha nito, bawat luwas pa nila sa Maynila sumisita sila ng sasakyan. Malaki na ang nagastos nila at lahat na mauutangan inutangan na nila. Pinaalalahanan namin sila ni misis dahil naawa kami, pinaliwanang namin yong mga bagay na makakatulong sa kanila at sinabihang naming alalay sila sa paglalabas ng pera, pakiramdaman nila at baka naman sila ay mauwi sa wala't-wala. Iniwan namin sa kanila ang aming numero sa New Zealand. Tumawag sila noong marso wala pa raw nangyayari sa kanilang aplikasyon, kanina nakausap ko sila nagastos na nila ay 300,000 piso bawat pamilya ay sila ay hindi pa nakaalis ng Pilipinas. Ano na lamang ang mangyayari sa kanilang medical na hanggang tatlong buwan lamang pwedeng gamitin. May sinasabi silang iniaapeal daw pero dapat nasa New Zealand sila. Mukhang malabo yata ang paliwanang na ito sa kanila ng consultant nila. Ito ang dahilan kaya nagpapaalala ako sa mga tao na bago sila maglabas ng pera pag-aralan muna. Baka sa paghahangad ng kaginhawaan lalong mabulid sa kapahamakan. Sa tingin ko naman mukhang mas marurunong ang ibang nag-aaply kaysa dito sa sinabi kong tunay na pangyayaring aking nasaksihan, kaya ang akin lamang ay isang paalala sapagkat ayaw ko sana uling maulit ang ganito.
Ang kapatid ng hipag ko ay nais pupuntahin dito niya. Itananong ko ito kay KU at ang payo niya student visa. Naalala ko ang kaso ng isang nakausap. Filipino Chinese na taga Baguio. Nandito siya sa lugal namin at student visa ang ginawa niyang pamamaraan. Napakalaking gastos nito kung ang hangad mo ay pumunta rito tapos magtrabaho. Ang ginastos ni M. ay mahigit na $20,000 NZ na kung converted kulang kulang 800,000 piso. Malaking gastos at marami ka pang prosesong pagdadaanan kung ang hangad mo ay residency. Ngayon nagtatrabaho na siya sa hotel dito sapagkat naiconvert na niya sa work permit and visa ang student visa niya, at 2 taon pa bubunuin niya para maging residente.
Ganito ang ginawa para yong hipag ko ay madali ng pagpunta rito. May regulasyon kasi dito na pag-inadvertise mo ang trabaho sa loob ng isang buwan sa diyaryo o sa advertising media at wala kang nakuha justify ka ng kumuha sa ibang bansa. Inaadvertise sa diyaryo ang pangangailangan sa skill na kagaya ng sa hipag ko (kailangan talaga siya ng sis in law ko dahil tapos ng computer engineering) walang nag-aaply kaya ngayon pwede ng kumuha sa labas ng New Zealand. Pwede ng padalhan ng offer of employment ang hipag ko at mapapabilis na ang processing ng kanyang work visa at permit.
Ito namang si E. ay iba ang kaso. Siya ay kapatid ng asawa ng bayaw ko. Nakarating na siya dito galing U.S. Doon siya kumuha ng visa para makapunta ng N.Z. Nakapagtraining na siya sa trabaho ng maungkat na ang visa pala niya na ginamit ay hindi pwedeng iconvert sa work visa. Kaya pinauwi muna siya sa Pilipinas. Pagkalipas ng ilang buwan eligible na uli siyang mag-apply ng visa. Pinadalhan siya ng employer na kanyang pinagsanayan ng offer of employment at ngayon siya ay nag-aayos na ng papel at maaring makabalik na dito bago matapos ang October. Pag pumunta siya rito may sigurado na rin siyang trabaho.
Itong dalawang huling binanggit ko ay may malaking adbantahe sapagkat may mga kasamahan silang nag-aasikaso nito dito. Yon talaga ang malaking advantage ng may pamilya o tunay na kasangga sa bansang iyong balak na patutunguhan. Kaya sa mga nagbabalak tumungo sa ibang bansa pag-aralan ninyong maigi ang inyong hakbang , pag-isipan bago bitiwan ang pera, humanap ng kakilala na maaring sumambot sa inyo at umalalay na pwedeng pagtiwalaan, at maging handa sa buhay sa ibang bansa, sakripisyo at tiyag, pawis at dugo siyang puhunan kung nais dito ay mabuhay at makapagsimula ng bagong bukas.

Hindi naman malaki ang nagagastos kung mag-mimigrate ka dito sa New Zealand sa lehitimong paraan. Compare sa Canada mas malaking baba dito ng gastos at requirements. Hindi mo na rin kailangnang gumamit ng agent puwedeng ikaw na mismo ang magasikaso ng mga papeles mo. Pati nga submission ng expression of interest ay online. Lahat ay within your fingertips kung nais mong malaman ang mga detalye. fees, forms, mga infos na kailangan mo. www.immigration.govt.nz . Ito ang maganda sa may samahan at kaibigan na napapagtanungan nagkakapalitan ng mga inpormasyon. kaalaman ang panlaban upang hindi maligaw ng daan at ng maiwasan malaking gastusan.

4 comments:

Owen said...

ganun ba kalaki ang mga ginagastos jan para lan makapasok? but anyway, sana wala nang manloloko sa mga kababayan natin na gustong mangibang bayan.

RAV Jr said...

Fafa Atoy, ganyan pla kahirap at kagasyos ang pumunta jan or kahit saan mang bansa...dagdagan pa ng mga mapagsamantala...

ewan ko ba, lalo yta humihirap ang buhay...

Tanggero said...

totoo yan, ang hilig kumapit sa patalim ng Pinoy, dahil cguro sa hirap ng buhay sa atin.
Madami rin namang naging successful pagkatapos dumaan sa butas ng karayom.

Deng's Outdoor World and Travel said...

Ka atoy tama ka dyan na nasa internet na din halos lahat ng materials sa pag aaply for immigration. at sa pagkuha nman ng consulting firm dapat ay maingat at surin mabuti kung tama ba ang desisyon nila.