9.29.2005

SUCCESSFUL PINOY IN NZ

Heto ang ilang mga taong nakatagpo ko dito sa New Zealand na maari kong masabing mga Success Story dito:
Si Pareng Romy. Tapos siya ng Civil Engineering sa U.S.T. Nag-migrate siya dito 12 years ago pagkatpos ng stint niya sa MWSS sa Pilipinas. Sinuwerte siyang mapapasok sa Metro Water sa Auckland. Ngayon project manager na siya dito. May sariling tahanan sa mismong Auckland City sa isang magandang location. Mura lang niyang nakuha ito at kung maisipan niyang ilabas kikita na siya dito ng may labing limang milyong piso. Siya ang may sabi sa akin. Pare hindi nadadaan yan sa talino at scholastic record nasa diskarte yan at tiwala sa sarili mo. I agree pare.
Si Mae. Isa siyang chinese na sa Pilipinas nagdalaga at nagcollege. Graduate siya ng Mapua. Batchmate ng hipag ko. Naging napakasuccessful real estate agent niya dito sa aming lugal. May sarili na siyang building sa town, may gasolinahan at iba pang property. Sa ngayon lang lumipat na siya sa hongkong kasi dito talga siya original na nanggaling at nandito mama niya and business decision niya ito kasi ang realty ngayon ay doon patok. Pero hindi pa rin niya iniiwan ang New Zealand kasi every 6 months bumbabalik sila dito.
Ang sister in law ko. Dapat ifefeature sa documentary ng gma 7 para sa mga success story ng pinoy dito. hindi nga lang siya pumayag. Graduate siya ng computer engineering sa Mapua. Isa siyang tunay na migrante. Nagsimula sa Hongkong, napalipat ng Singapore. Naging product at marketing manager siya ng kompanya at kung saang bahagi ng mundo nakarating. Naging singapore citizen, nakabili ng bahay dito at sasakyan at naging stockholder sa kompanyang pinagtatrabahuhan at ng kagandahan ng stocks ng internet at computer nailabas niya ito. Naisipan niyang lumipat dito sa New Zealand at sa category siya ng investor visa. Dati pwedeng ang bahay ay kasama sa investment. Noong nagpapagawa na siya ng malaking bahay dito, biglang nagbago policy kaya hindi na siya qualified sa investor visa kahit may tinayo rin siyang kompanya sa computer at tindahan ng lifestyle gallery kaya skilled na lang ang kanyang pinasok na category. ngayon residente na siya. maganda na rin ang kanyang computer parts and services at ang kanyang lifestyle gallery ay nakakatransaction na ang mga establishment at hotel dito sa aming paligid.
Si Mareng Eves. Nakapangasawa siya ng isang Kiwi. Batanggenya siya. Accounting graduate ng U.E. Katukatulong siya ng asawa sa booming business nito na involve sa construction. May mga crane sila na bawat isang equipment ay 1,000 nz$ per day ang bayad. May bago na ring siyang kotse bigay ng kanayang asawa at siya ay halso isang taon pa lang dito. Nakauwi na rin siya sa Pilipinas para magbakasyon ng isang buwan at ang kapatid niya at pamangkin ay napapasyal na niya dito. Suwerte niya at ang napangasawa niya ay mabait na kiwi. Marami rin kasing kuwento dito ng mga pinay at asian na minamaltrato ng mga asawa.
Sana kayong mga kababayang makakarating dito ay maging mapalad at maganda ang buhay,dahil sabi nga malaking bahagi ng success ay hindi suwerte kundi pagsisikap at tiyaga. Goodluck !

8 comments:

RAV Jr said...

fafa Atoy! ang ganda...ang gandang magbasa ng mga success stories...nakaka-buhay ng loob... naisip ko, kung kaya nila, eh di kaya ko din, hehehe...(ibig sbaihin hehhee...aaral din akong maging engineer, hehehe, joke po...)

fafa Atoy...bilib talaga ako sayo...ibang level na tong mga articles mo, hehehe...di lng nakaktulong, nakaka-inspire pa...

salamat uli...

nga pla, kelan ang celebration, bumalik na si Mommmy Lei! hehehe...

kmsta inaanak ko jan? bka masyado nyong pinapalo kung nagkakamali...ahhh...ayoko ng ganyan...heheh sabay ganon no po? hehehe....

morning uli...

Tanggero said...

Fafatoy (diretso yan) hehehe, sarap talagang magbasa ng mga ganyang success stories. Bat wala ang story mo? heheh
Citizen pala dito sa Sg ang hipag mo, tagal nya cgurong nag work dito.

JO said...

its success stories like this that gives me hope... wala pa kami diyan, pero masikap si mister, kaya i'm sure papunta na kami diyan. thanks for sharing.

Anonymous said...

wowww!!!
dreamland ko talaga ang nz....
ganito pong mga kwento ang masarap pakinggan sa mga pinoy sa ibang bansa...
success...at hindi puro problema at kalungkutan na totoong tinatamasa ng marami sa ating mga kababayan...

ipagpatuloy nyo po...,
ame.sweet

Mmy-Lei said...

galeng galeng ni fafatoy...peram fafa tangs...

sana ako din mapasali jan....hahaha.

asan na kasi ung papa-date mo?

nixda said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

kuya! wow very inspiring naman sila dyan... sana lahat ng mga pinoy ganyan din mangyari sa kanila... sabagay tsaga lng talaga..

cheers to their success!!! :D

Huseng Busabos said...

Ka Atoy,

mag dagdag ako ng succesful story dyan sa NZ. Doon sa Auckland, yung partner-distributor o nag umpisa ng franchise ng "blockbuster" video ay Pinoy din. Sa Wellington, marami ang professionals na nasa IT ang maayos na ang pamumuhay - may bahay, mga paupahan na apartment, dalawang kotse at nakakpagbakasyon kahit saan nila gusto. Meron nagtayo ng travel agency, mayroon nagtayo ng recruiting agency (professionals, yung manager sa Wellington City sa Building Management ay pinoy din. Doon sa Rotorua, may Pinoy na may ari ng isang hotel - karamihan nga ng empleyado ay pinoy din. Oo marami na rin kababayan ang naging succesful diyan sa NZ. Kaya tama si Donya Delilah, pag may tiyaga may nilaga.