10.17.2005

ATOY'S THOUGHT ON FRIENDSHIP II

KAIBIGAN

Kaibigan kita
Mali man o tama
Ikaw ay dapat kong kasama
Kampihan mo ako lagi
Kahit ako ang may sala

Kaaway ko'y
Kaaway mo rin
Kung ako ay tatalon sa bangin
Obligadong ikaw ay tumalon rin
(kung sino man ang may gusto ng ganitong kaibigan sa inyo na lamang, no return no exchange, supo supo barega himud takla himud baga)

TSU TSU

Dito ka
Doon ka
Kung anong sabihin ng yong amo
Sundin mo
Dahil ikaw ay isang tsu tsu

Ganyan nga
Ganoon nga
Sit, walk, roll
Ang gleng, gleng
Ng mga tuta ko

Kahit anong sabihin ko
Sinunod ninyo
Suwerte ko naman
Kayo ay puro uto uto
Walang sariling desisyon
Sunud-sunuran sa aking aksyon

Siguro kayo ay mga bulag
O mamalag-malag
Pikit matang kayo sa akin
Ay sumusunod
Kahit mga bakas ko ay inyong hinihimod
Love ko kayo ang aking mga tsu tsu
Kahol, kahol sa mga taong di natin mauto.
Doggie, blackie asan na ba kayo tsuuuuu.
Lapit na kayo ito ng ang buto at tira ko.
(Tsuwarapwarap, tsuwarapwarap)

BULAAN
Ako ay may lihim
Sa yo ay aking ipaaalam
Huwag mo sanang ipagsasabi
Panghahawakan ko ang yong salita
Sapagkat ito ay ating secret

Ngunit bakit
Ako ay iyong ipinagkaluno
Lihim natin
Iyong pinagsabi
Nanaig ba sa iyo
Damdamin at pusong mamon
O sadyang dila mo lang ay di maturuan

Di ka pala dapat pagtiwalaan
Sapagkat ikaw ay isang bulaan




Ang kantang ito ay para sa aking mga kaibigan

Kaibigan

Apo Hiking Society

Kaibigan, tila yata matamlay
Ang iyong pakiramdam
At ang ulo mo sa kaiisip
Ay tila naguguluhan
Kung ang problema mo o suliranin
Ay lagi mong didibdibin

At tatanda kang bigla
Pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha
At ikaw ang siyang kawawa
Iniwanan ka ng minahal mo sa buhay mo
At nabigla, sinamba mo siya
Binigyan mo ng lahat at biglang nawala
Ang buhay mo alalahanin
At 'wag naman maging maramdamin

At tatanda kang bigla Pag tumulo ang luha

Hahaba ang mukha
At ikaw ang siyang kawawa
Kasama mo ako
At kasama rin kita
Sa hirap at ginhawa
Ako'y kagabay mo
At may dalang pag-asa
Limutin siya,
limutin siya
Marami, marami pang iba
Kaibigan,
kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw siya
Napasama sa iba't napaibang landas
Marami pang malalapitan
Mababait at di pihikan
At tatanda kang bigla
Pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha
At ikaw ang siyang kawawa



2 comments:

Mmy-Lei said...

fafa Atoy pahiram "Gleng gleng"...:D

ikaw po ba ang may-akda ng tulang ito...pde ko po ba mahiram at ilagay sa aking bahay...

JO said...

hi atoy,

i like your poem. puwede bang mailagay ko sa isa ko pang blog? One Friend is a collection of beautiful poems and heart warming stories (pasensya na kung may plugging na kasama, si dops kasi naghahanap ng kaklase doon eh).

Thanks!