May isang bata
Sobra laki ng ego
Nagmumkha siya tuloy
Na isang gago
Akala niya
Siya ay bidang-bida
Hindi niya alam
Marami sa kanya ay natatawa
Taong matalino
O gungong na walang prinsipyo
Hayagan ng niloloko
Kapit tuko pa rin sa kanyang amo
Baka akala mo
Ang pogi pogi mo
Kapaligiran mo man ay puro pabango
Mukha ka pa ring aso.
Awooooooooooooooooooo!
Kapuri puri
Mga taong may paninindigan
Mga taong nanalig sa kabutihan
Itago man
Ang kabulukan
Lalabas din ang katotohanan
Salamat sa mga kababayan
Katotohanan hindi niyo pinabayaan.
Parangal at papuri handog ko sa inyo
Bingi ka ba?
Bulag ka ba?
Matigas ba ang iyong ulo?
Bakit ba ikaw ay hindi magbago?
Dapat bang ako ay magalit sa yo?
O ikaw ay kaawaan ko?
Bakit ba patuloy ka pa rin,
Sa asal mong kinagagalitan ng iba?
Kulang ka ba sa paalala,
Napabayaan sa pag-aaruga
o pagmamahal ay napasobra?
Pilit kitang inintindi
Pero hindi talaga kita magets
Buti pa siguro bago ako mag regrets
Its time for me na to forget
Minsan ako ay humanga sa yo
Pero sayang lang pala
Pagiidol ko sa iyo
Isa ka palang huwad na idolo
Bulaklak na plastik
Bango mo'y di totoo
Kubeta ang iyong trono.
1 comment:
Kung galit mo'y niloloob
Dapat lamang ilabas sa pagkataklob.
Buhay ay maiksi at hiram lamang
Huwag aksayahin sa walang katuturan.
Kaming kasama mo dito sa blog nag-aabang
Mga sulatin mong nagbibigay kasiyahan.
Napakalalim naman nito Ka Atoy, Kia Ora!
Post a Comment