12.18.2005


I'LL BE HOME FOR CHRISTMAS

I’m dreaming tonight of a place I love
Even more than I usually do
And although I know it’s a long road back
I promise you

I’ll be home for Christmas,
You can plan on me
Please have snow and mistletoe
And presents on the tree

Christmas Eve will find me
Where the love-light gleams
I’ll be home for Christmas
If only in my dreams

I’ll be home for Christmas,
You can plan on me
Please have snow and mistletoe
And presents on the tree

Christmas Eve will find me
Where the love-light gleams
I’ll be home for Christmas
If only in my dreams

Kumusta na kaya ang inay?Ang aking dalawang kapatid, mga pamangking si Tisoy, si Danda, Nicole, Jewel at ang pinakabagong dagdag sa lahi na si Emmanuel (tamang-tama ngalan niya sa pasko). Siguro ang saya kung kami ay sama-sama ngayong Pasko doon sa aming bahay sa San Sebastian. Maingay. magulo, panay ang kodakan, iritan, halakahakan ng mga bata, kulitan, kung minsan iyakan. Parang nakakita ko ang pamimilog ng kanilang mga mata at hindi mabibiling tuwa nila sa bawat regalong kanilang natatanggap at binubuksan. Bulol pa rin kaya si Tisoy, mahilig pa rin kayang mag-sasayaw si Danda at Nicole, si Je kaya mahiyain pa rin Siguro ang lalaki na nila.
Kumusta na kaya ang mga tiya at tiyo ko sa aming compound. Sana lahat sila ay nasa mabuting kalagayan. Medyo mahirap ngayon ang katayuan ng buhay sa Pilipinas, pero alam ko naman na sila ya masaya sapagkat sila ay sama-sama at nagtutulungan anuman ang hinaharap na hamon ng buhay. Lahat ng kapatid ng aking ina ay nandoon sa iisa compound, maliban sa tiya naming nasa Canada. Ang ingay-ingay siguro lalo na at bakasyon na ang mga bata, mga anak ng aking mga pinsang buo. Ang tiya Piday kaya kumusta na ang paa niya, ang tiya Belen ang matulungin at napakabait naming tiya na santa Claus ng pamilya. Siguro mamiss din nila kaming nasa abroad. Ilan na ba kaming magpipinsang wala sa Pilipinas. Marami-rami na rin. Naalala ko tuloy namayapa kong lolo ayaw na ayaw niyang paalisin kanyang mga anak para mag-abroad gusto niya sama-sama kaya heto mga anak niya nasa isang malaking compound na nilotelote niya para tayuan ng kani-kanilang bahay. 10 lote para sa sampung anak. Dinaan sa bunutan para walang lamangan. Napakaparehas talaga ni Mamay. Miss ko na rin siya. Siya ang jeprols na lolo, masayahin at mabiro.
Wala man kami diyan sa atin, ang puso namin at diwa ay lalaging naririyan sa ating tahanan nakikiisa, nakikipagsaya sa pagdidiwang ninyo ng pasko. I love you inay, mga brod, mga hipag, mga cute na pamangkin Tisoy, Danda, Nicole, Jewel, Emmanuel, mga tiya, tiyo, at to all of you cousin bears MERRY X'MAS and We' ll be home for christmas , kasalo ninyo at kasama kahit sa aming pangarap lamang.

12 comments:

Anonymous said...

ganda ng lyrics mangtoy :) in ur dreams uuwi ka pala sa pinas :)
grabeh pala kasaya ang pasko nyo sa pinas imagine isang compund lang ang pamilya nyo :)cgurado akong namimiz ka rin nila at ang iyong pamilya.
Teka yong lupa nyo sa northpole nilotelote din ba ng daddy claus mo? :)
Oops..ako ang pirst dine, dami ko nang medal! Merry Christmas po!

RAY said...

10 kasing magkakapatid mga inay ko. sa mrs ko rin malaki rin ang pamilya. kaya pag nasa pilipinas napakaraming regalong natatanggap ng mga bata. wiling-wili nga sila pag nasa pilipinas pag pasko. noong 2004 na pasko nandoon kami itong 2006 uuwi uli kami sa pasko.

Unknown said...

Mang Atoy ang dami nyo pala ano, super saya siguro ninyong lahat tuwing pasko lalo at nasa iisang compund lang kayo. Buti ka pa nakapag spent ng Christmas sa Pinas, miss ko na talaga ang mag celebrate ng pasko sa atin. Merry Christmas po sa inyo ulit!

Mmy-Lei said...

sana may swimming pool para ayos ang pagbabakasyon ko jan!!!

nixda said...

lalo lang akong na-senti dito!

waaaaahhhh! gusto ko nang umuwi...

Ka Uro said...

kakamiss ang pasko sa atin lalo na kung close kayo ng mga tiyo, tiya at mga pinsan. ako rin miss ko yon. maingay, magulo, pero masaya. merry christmas fafa atoy.

Owen said...

Ka Atoy, im sure they're happy right now and im sure they will have a happy christmas as well!

ganun talaga, we cant be with them always, but im sure our thoughts are with them!

enjoy those thoughts while they linger.

Merry Christmas!

RAY said...

Ghie,
ang tagal mo na palang di nakakauwi 5 years na. hayaan mo pag tumama ako sa lotto padadalhan kita ng round trip tiket sa pilipinas.

Mmy Lei,
di na kelangan swimming pool lalakad ka lang ng ilang metro lake na. napakalamig lang kahit summer ng tubig, pero napakalinis kasi glacier fed. kelan mo ba balak pumasyal dito.

RAY said...

Kadyo,
Magandang magpasunod ang Lolo namin kaya siguro walang inggitan at awayan ang magkakapatid kahit nasa isang compound.Nasa nagmamatanda siguro iyon.
marami ring nga akong alam na magkakapatid na di magkakasundo dito sa amin sila-sila nag-aaway at nagkakainggitan. Buti na lang itong ipinunla ng aming lolo ay nabuhay din sa aming mga inapo.

G4U,
sana naman ang pangarap mo ay hindi na pangarap makauwi ka na as soon as possible kasi kawawa naman baby mo. ako at least nandito family ko na kasalo ko sa pasko kawawa kasi si rica kung nag-eexpect na makakasama ka tapos mabibigo kanyang inaasam.

RAY said...

racky aka neneng,
tahan na wag ka ng umiyak, heto kending kiwi fruit. huwag ka na magsenti isipin mo na lang na kapg nasa atin ka napakarami mong inaanak na hihingi sa iyo ng aginaldo, kahit saan ka sumuot at magtago.

KU,
iba talaga ang pasko sa atin sa piling ng mga mahal sa buhay at malalapit na kamag-anak. masaya kahit nagdadahop.

RAY said...

kiwinoy,
naalala ko nga noong napasok pa ako sa manila, dahil ako ang pinakamatandang pamangkin bago ako umalis namano ako sa lahat na mga kasamahan kaya pagluwas ko ang dami kong baon kasi halos lahat sila nag-aabot sa akin.

owen fv,
thanks owen. enjoy your winter wonderland vacation.

nao,
mabuti ka pa. doon magpapasko kapiling ng mga kasamahan sa inyong lalawigan. nice time to trace back your roots.

Maria Angelica said...

Hi Tito Atoy, sorry po last na ako dito. Marami lang gawain eh.

Ang galing nyo namn sumulat. Sana nabasa to ng mga pamilya mo dun sa pinas. Talagang ma-iiyak sila nito. Na mimis ko tuloy ang mga kapatid ko at papa ko. At pati na rin ang aso kung si scoobie, at si meow-meow. Seryuso po to Tito ha, walang halong biro.