12.13.2005

LUNTIAN AT BUGHAW

Kapag ako ay may suliranin, di mapakali dagli itong naiibsan kapag aking natatanaw luntian at bughaw kong kapaligiran.
Marahil kaya ayaw ko ng gulo at iringan nasanay na ako sa katahimikan nitong aking kinalalagyan.
Tuwing ito ay aking mamasdan nadadama ko ang kadakilaan at kabutihan ng Dakilang Lumikha.
Parang ako ay nasa langit na, tahimik at malayang binaybay kariktang tanging Siya lang ang makakagawa.
Lahat ng galit at inis ko sa mundo at kapwa tao, parang bulang naglalaho.
Kapag ako ay nasa luntian at bughaw na paraiso.

Kaya sa inyo mga kaibigan ko
Masisi ba ninyo ako
Kung ayaw ko ng gulo
Katahimikan at kapayapaan
Aking hangad
Siyang maibahagi sa ating lahat
Tahimik at mapayapang isipang
Nagmumula sa puso at diwa
Kapag pinahahalagahan mo
Kabutihan at kadakilaan
ng Dakilang Lumikha.
Hindi sa salita
at puro ngawa
dapat ipakita sa gawa
kung nais talagang maging mapayapa
itong ating mundong ginagalawan.
Kapayapaan para sa lahat!

10 comments:

RAV Jr said...

gandang tula po...

buti pa jan maaliwalas, at ang sarap ng klima..dito grabe sa ginaw...

DOPS

RAY said...

dops,
hindi naman yata tula yan. basta katha lamang, kung anumang tawag, basta sinulat ko lang. ang tahimik kasi dine talaga madalas music ko pa mga simon garfunkel, america at john denver feeling ko nga cowboy na ako kulang na lang kabayo. (sabagay lagi naman akong may katabing kabayo ng plantsa, kasi plantsero ako dine sa bahay.)

RAY said...

nao,
ganda rin ng kantang yon. kabilang yan sa all time favorites ko. ang sarap sigurong matulog sa kantang yan habang inuuugoy ka sa duyan o karga ka ng tatay mo habang pinatutulog ka. feeling mo secure na secure ka.

RAY said...

kiwinoy,
painit na ng painit. summer na. christmas na sa southern hemisphere tunay na nga mga yelo dito kahit sa tuktok ng bundok. merry x'mas kabayan.

RAY said...

nao,
magkahalo palang lungkot at saya ang uwi mo ngayon sa motherland. mixed feeling and emotion sana justice will finally triumph sa case ng tatay mo.

Raquel said...

Mang Atoy, ang ganda talaga ng lugar nyo. Dito samin ngaun ang lamig talaga.

Puede pahingi ng info jan sa New Zealand? Dito po, 4 seasons kami, jan sa inyo ano po at ilan at kilan?

Eto po samin:
Winter December 21-March 21
Spring March 22-June 21
Summer June 22-Sept. 21
Fall September22-Dec. 21

Ethel said...

mangtoy talagang di ko na mapigilan ang lumipad jan, inaantay ko nalang ang ticket ko galing sa iyo, dahil pag ikaw naman po'y lumipad sa paris ipapadala ko ang ticket oramismo!
Napaka coool ni mangtoy! pero alam mo banag kinabag ako sa comments mo dun sa bahay ko, Mr. Atoy Baron haha...luv to the max kita mang toytoy :)

RAY said...

nao,
sln at rip na pala. (sinalvage lamang at nawala at revenge is performed) sana naman siya talaga ang may sala at marami na talaga siyang pinansala at wala na siyang paraan para magbago ng kahit paano ay mayroong hustiya rin sa kanyang pagkakasalvage.
mildred,
hindi ba maganda ang pagmamanage nila sa environment ng toronto. yan ba ang pinakamalaking siyudad ng canada?

RAY said...

raquel,
balgitad tayo ng panahon kaya heto sa new zealand at southern hemisphere
summer- December 21-March 21
fall- March 22-June 21
winter- June 22-Sept. 21
spring-September22-Dec. 21

G4U,
malaking bagay nga siguro kung maganda ang mga tanawin sa iyong lugal. kapag may isipin ka at nababagot tanawin mo lang ang kalikasan at ito ay mabilis na lumilipas.

Ethel,
Lipad na ilang euro lang ba ang pamasahe? mababa naman ang nz dollar kaysa sa Euro.tuloy ka dito sa lugal namin.

Unknown said...

Ganda naman ng view dyan sa inyo. Wag nyo rin pong kalimutan ang padalhan ako ng ticket, mag tatampo po ako pag si nang Ethel lang, heheheh.

Merry Christmas!