8.31.2005




TAGAY NI MARGHIL AT KADYO, MAXIMIZE PARA KAY TANGGERZ, KU, DOPS AT IBA PANG KAINUMAN(MMY LEI, D.B., DENG, GORYO4U, NAO AT JO) E.T., ELEPANTE, ELEPHANT SHREW AT IBA PA.

Noong nasa isa pa akong identity tinagayan ako ni Kabayang Marghil pero hindi ko natanggap kasi abala ako sa paglilipat ng bahay pasensiya na kabayan, muli itong inaalok sa akin ni KaDyo kaya nakahiya naman iinumin ko na ang tagay ninyo minodify o mas pinalawak ko lamang dahil nainspired ako sa ibang artikulo ni KU at Tanggerz tungkol sa Nakakahiyang karanasan at Memory Bank. Ang pics naman yan ang ating pupulutanin kokunsulta ko lang sa kaibigan kong Scientist sa hayop na si Doc Dops kung hindi pa ito kasama sa mga protected list ng endangered species.

More than 20 years ago: 2 yrs old pa lang ako natatandaan ko na ang ibang kaganapan. Ewan ko kung normal eto sa ibang bata. Gaya nga ng sabi ni Tanggerz may pagka E.T. yata ako. Pero hindi dahil sa tatlo ang aking paa, dalawa lang yon at may E.T. sa pagitan nila (elephant trunk, Tanggerz tandaan tunay na elepante ang sungot hindi kagaya ng sa iyo baka sungot ng elephant shrew, he, he, he,) kundi dahil sa kakaibang lakas ng memory bank ko. Kaya ko nalaman na memory yon ng 2 years old ako mahilig kasing magpost ng pics ang ina ko sa album at yon palang events na up to now I can still vividly recall happen when I was 2 yrs. old noong tingnan ko ang date ng pics . I can still see the blue sea of Cavite, the people gather around para ihatid ang kanilang love ones na sasakay na sa barko para maging U.S. navy, yong mga kodakan na kalong pa ako ng first cousin ng tatay ko na sasakay sa barko, yong blue hat na parang crown na suot ng isa niyang pinsan, iba pang maliliit na details parang pag-iniisip ko nandoon ako sa particular time na iyon.

3 yrs old ako with reference to the album namin noong bata ako. Hanggang ngayon pag-iniisip ko ramdam ko pa rin ng mahulog ako kanal sa may P.N.B. sa amin dahil sa katitingin ko sa sarangola. iyak ako ng iyak noon dahil sa sakit at napahiya ako sa mga guwardiya at mga taong nandoon.

4yrs old ako aba may malisya na ako, hinahalikan ko na ang mga litrato sa magazine ng magagandang babaeng artista noon. Hindi ko na lang sasabihin ang circa basta mas maedad nang konti kina Kristine Hermosa at Angel Locsin.

5yrs old ako sa school may sleeping time nag ihi ako sa short ko dahil napahiya akong magsabi sa titser ng may I go out . Noong makita ng titser kung bakit basa ang tapat ng aming table, hindi kasi desk itinuro ko yong katabi ko kahit basang-basa yong kaki ko. Sino kaya ang nagsabing ang bata hindi marunong magsinungaling.

6yrs old ako grade one(dinaya kasi ang edad , dinoktor ang birth certificate para bata akong makapasok hindi ko malaman kong crush yon o pagmamahal sa isang ina. Lungkot na lungkot ako dahil summer vacation na at hindi ko na makikita ang titser ko na si Miss Silang. Dito siguro nag-umpisa ang infantuation ko sa mga titser (dami kong crush na titser ah noong eskwela ako nanliligaw pa nga ako ng mga professor ko kasi gusto kong maging titser pet at sila ay aking i-pet)(yan din kaya ang dahilan kung bakit una kong tinambayang blog eh sa titser at professor hoy KU hindi tayo talo wala akong hilig makipag espadahan fencing baka pa medyo sosyal)

Fast track na natin ang rewind: Medyo temang "TO ALL THE GIRLS I LOVE BEFORE"

Grade 2. Crush ko si Patricia T., dito ko rin unang naranasan ang broken heart. Aba dapat kami ang magpartner sa game pagkakataon ka na para makaholding hands siya. tanggihan ba naman niya ako. It hurts, how hapdi. Naging crush ko siya dahil type na type ko siya dahil siya ang gumanap na Virgin Mary sa school play.

Grade3.Crush ko si Gertrude T. (hilig ko sa apelyidong T) Ganda ng kanyang ngiti ang linis linis niya pati yong buhok niya nakatrintas. Tuwangtuwa ako noong ipagmatch kami at tuksuhin ng kakilala kong grade 4.

Grade 4. Crush ko ang crush ng bayan si Marivic B. Talo ko sila kasakay ko ito sa service nakakatabi ko pa sa upuan. Yong mga pinadadala ng mga kaklase kong mga souvenir o gift hindi ko binibigay sa akin na lang ano ako hilo, may gift na ako hindi pa nila ako maagawan ng crush. Naalala ko siya sa kanta ng Cascade na Punch and Judy show (hindi dahil sa kapanahunan namin ito kundi dahil sa siya ang may dala ng music na ito para sa English Class namin) Ang dami kong kasakay na magaganda nanjan si Rose R, Lota L, Cecil A. bukod pa dito crush ko rin yong sakay sa ibang school bus sina Leila L. at iba pa. Ang gaganda nga naman ng mga batch ng High School noon palibhasa mga anak ng piloto, sila pa ang madalas na player ng volleyball at nakashort. Yong magkakapatid na Bonanza hanep sa ganda at sa puti crush na crush namin yon ng aming barkada. Naalala ko rin ng bugbugin namin sa garage ng school yong aming isang kaklase na may pagkabakla kasi ipinagkalat na crush namin yong practice teacher na si Miss Capili, crush naman namin talaga medyo pikon lang kami at napapahiya.

Grade 5. Biglang from one hundred biglang zero ang mga crushes. Hanggang grade 4 lang kami sa catholic school na pinasukan namin kasi coed lang ito hanggang intermediate. Lipat kami sa LA Salle sa amin na hindi rin co-ed puro lalaki. Tulad ni KU dito ko naranasan ang isang napakaembarassing moment. Abutin ba naman ako sa pantalon, Shet! how embarassing buti na lang walang mga girls kung hindi baka hindi na uli ako nakapasok sa school. Balik na naman infantuation ko sa titser kay Miss M. peyborit yata niya ako .

Grade6 at First Year Dry na dry talaga walang mga babae usong-uso ang bullying. Dami pang kickout ng La Salle Greenhills na napasok sa amin. May botika kami laging gusto akong kotongan ng mga restricted drugs ng kaeskwela kong adik. Ang payat ko noon at bata akong pinapasok tapos yong mga loko madalas mga repeater ang lalaki. Palagan mo bugbog sarado ka o dala ka sa office (nadala rin nga pala ako sa opis dahil sa pakikipagsuntukan doon sa makulit na repeater, yon namang isa kong pinsan at kaibigan na ngayon ay pangulo ng De La Salle University sabog ang ilong dahil din sa pakikipagsuntukan sa kaeskwela naming adik)

Second Year H.S. Lumipat na ako sa ibang school. Co ed daming kagagandang babae. Higher section pa kami iilan ang boys kaya mas marami mga girls. Para akong bilanggo na nakalabas dami kong crush at pinagpalipadan ng hangin. Nan diyan si Lyn D., si Merlita L., siJulieta A., si Leila G., Si Rosemarie L, Si Yvonne A., Si Rosario P., Salome M. kulang siguro ang aking daliri. Usong uso rin ang slumbook, may mga iba rin naman na alam kong may crush sa akin gaya ni Teresita H. pati yata yong kaeskwela kong bakla may crush din sa akin.

3rd Year H.S. Dati ako nagkamayroon ng isang matinding crush. Makita ko lang siya ibang iba ang tibok ng puso ko para bang gusto ko siyang sunggaban. 2nd year siya si Leiny D.V. Ang lakas ng appeal niya sa akin hindi ko lang maligawan kasi natyotyope ako at nauumid ang dila pag nakikita ko siya. Bukod dito may mga nanliligaw sa kanyang nakawheels. Hay buhay nga naman akalain mo bang siya ang maging asawa ng kumpare ko at pareho kami ngayong nasa New Zealand at kumare ko pa. Pare wag kang magagalit yan naman ay noong H.S. pa decades ago.

Fourth Year H.S. Yoly D., Chona D. Lyn D. (Ang daming D palibhasa maraming apelyido sa Batangas mga tagalog Dimaculangan, Dimaano, Dimaapi, Dimagiba, batanggenyo ka ga KaDyo), at ang pinakastarring sa crush ko Gloria G. Isang love story na nagumpisa sa basura at natapos din sa basura sapagkat hindi ko siya nasyota.(saka ko na lang ikukuwento style Dops at Dark B. love story)

May nakalimutan nga pala akong ireveal ang kaunaunahan kong basang pangarap (hindi yong nagihi sa kama gaya ni KU o Tanggerz) ay pinsan ng mrs. ko at miss r.p. grade six ako noon. Ang isa pang memorable ay yong sa titser ko Miss I. noong ako ay third year. Anak ng tokwa sarap parang totoo (lakas ng powers ng aking subconcious o kulang sa ......) Yang kulang na yan mga edad 11 o 12 nakilala ko si Mary at nadiskubre ko pwede pala siyang kalaro ng aking E.T. He, he, he maflag na talaga ang site na ito.

Isa pa palang revelation. Elementary pa lang mag pagkavoyeur na ako. Aba eh tinuturuan ko ang mga kapatid at kalaro ko kung paano namin silipan ang mga costumer na namimili sa aming botika na puro salamin. Usong-uso kasi noon ang miniskirt. Open minded kasi sa amin bata pa nga ako nakakabasa na ako ng bed time story (hindi yon fairy tale, 4 adults only) pating yang mga gold coin(condom na nakalagay sa gintong parang coin) at pangangalamba(tawag sa amin pag mamagerper o iiskor ng 5 pts.) alam ko na kahit wala pa akong muwang. (WALA Pa daw, oh)Kahit noong highschool may dala kaming salamin o shade at sinisimplihan namin ang mga titser at kaeskwelang pabuka-bukaka. Oy suot mo pala ay pula yan din ang suot mo kahapon ah. Hek, hek, hek(D.B.) hik, hik, hik(tanggerz)

saka na lang ang susunod (25 years ago hanggang sa katapusan ng tagay inuna ko muna pasakalye ang haba kasi punong puno kasi ng alaala ang aking KUKOTE gaya ni kabayang Marghil, KaDyo at iba pang kasama tatagayan din kita ng mga controversial revelation ladladan ng saya no holds bar)

11 comments:

Tanggero said...

Langya Ka Atoy, aliw ako sa post mo. Hula ko puro kuliti ka nung bata ka, hahaha.
Sa Mabini Academy ka ba nalipat ng skul?

atoy said...

Oo lipat ako sa Mabini, doon din ba pumasok misis mo? Siguro may lahi kang manghuhula paano mo nalaman na kulitiwin ako ng bata?

JO said...

Grabe naman ang memory mo!

kaluskos group said...

aba aba puro crushes, jehjeh..

hey.. aabangan ko yung sinabi mong "no holds bar" ha! hala sige lagot ka sakin pag bi-nar mo pa rin!

merry christmas po Kaka! =)

KaDyo said...

hanep sa memory don atoy co, siguro kung hindi ka pa busy sa paglipat mo ng bahay nakasama sa kwento mo nong baby ka pa at naging kras mo yung nurse sa hopsital na pinag-anakan sa iyo hehehe

Mmy-Lei said...

hayup sa hayup mga crushes!!! tindi mo kuya! tindi ng crush mo sa babae at sa memory bank mo!

di ba sumakit ulo mo kakaisip sa pagbabalik sa nakaraan?

nakakatakot kang kainuman, bumabalik ka sa nakaraan...hahaha

atoy said...

Jo,
Hindi sa pagyayabang noong highschool ako pinagpapawisan ang mga kaeskwela ko sa quarterly at final exam sa Philippines at World History ako halos kalahati lang ng allocated time tapos na at pagala-gala at halos perfect lagi. Kaya lang baligtad naman pag math na pinagpawisan ako ng malapot.

atoy said...

Nao,
Ano bang sinasabi mong binabar kung ang tinutukoy mo yong hindi pa nila alam na ako si goyong hindi mo siguro binabasa ang posting ko dahil nakalagay yan sa article ko pati dahilan ko.

atoy said...

KaDyo, sobra naman yon baka pa yong komadrona kasi siya ang una kong nasilayan kaya babae at unang nakahipo at nakakita sa akin ng lahat lahat in my birthsuit, he he he.

atoy said...

mmy-lei,
hindi naman ako nagreregress pag nakakainom tingin ko lang kahit poste pag nilagyan ng saya babae, hik hik hik.

Ka Uro said...

atoy,
bilib ako sa memory mo. lahat ng crush mo tanda mo pa pangalan at apeliydo. pareho pala kayo ni tanggers na naihi sa pants. alam o rin pala yung gold coin. kami may botika din noon kaya paminsan-minsan ni-tra-try kong gumamit non kahit mag-isa lang ako. hehehe