2.12.2007

PAILALIM KUNG DUMALI

Ano ga ang blogspot na ito at sapilitang pinalitan kahit ayaw kong mag-move out sa bago nilang edisyon. Hinuli nila ako sa log-in ko at hindi na ako makawala sa kanilang bitag.
Blogging inang yan eh, ayos din naman ang kanilang padahak parang mga politiko na magaling dumali ng pailalim. Padadamahin ka ng padadahamin hindi mo alam na may hidden agenda pala, kelan kaya malilipol ang mga anak ng putakting mga politikong iyan na matagal ng humuthot ng kaban ng yaman ng ating bayan. Kung ako lang ay makakatagpo ng mahiwagang lampara yan ang kauna-unahang hihilingin ko, mag-disapir lahat na mga gahaman at buhong na mga taong nagsasamantala sa katayuan at kapangyarihang kanilang kinaluluklukan.
Bago tayo tuluyang mapalaot sa dagat ng pagkamuhi at kawalan ng pag-asa sa kahabag-habag at lugmok na kalagayan ng politika sa ating bansa, mabalik nga tayo sa blogspot, mga kablogkada saan ga magandang mag-migrate o maglipat ng blog kung sakaling ayaw mo na dito sa blogspot. May alam ga kayong libre na malilipatan o makigaya na rin ako sa ilan sa inyo na magbayad para may sariling dot com. Ano kaya ang magandang titulo? garci.com (after com. garcillano), com.com ( commision at commision pa rin in honor of our politicians at mga corrupt na government officials), ti.com (para sa mga tikom ang bibig sa mga anomalya ang kabuktutang nakikita sa kanilang kapaligiran), hin.com (wag madumi ang isip, hin. para sa mga taong hindi makahindi at makatanggi sa tukso at kinang ng salapi, nagpapagamit kahit isangla ang puso at kaluluwa magkamal lang ng limpak limpak na kuwarta. Ok na ok rin ito para sa mga yes mam at yes sir na opisyales, hindi makahindi sa utos ng mga nakakataas kahit alam nilang mali ang inuutos basta mapabuti lang ang kanilang kalagayan at katayuan kahit na karamihan ay mapasama.) O sige mga kabloblogyan, bago ako magpaalam may maiimungkahi ga kayong ngalan ng dot com. (hin dot com, mukhang maganda nga yata yon ah may dating, kaya lang baka mapagkamalang sex site, mag-flag tuloy ako!)

6 comments:

racky said...

hahahah! at nabiktima ka rin!
sige fafs bili ka nga ng sariling mansyon, wag kang mag-alala kahit ano pang cum cum yan alang magpa-flag dahil alam mo ba na maslumala ang mga bloggers ngayon na may sariling domain?
at tulad ng mga poliloko, ganyan din tirada nila ;)

iyong mga kulitan natin??? those were the days my friend ...

bagay siguro walakanyang.com, wala ka nyan pare! heheheh

Nao said...

kaka, i would personally suggest you go to this site for hosting. Iyan ang host ko. Sa kababayan natin yan. At ang monthly payment is in "peso" kaya mas mura kumpara sa lahat. Regarding naman sa domain name mo. These are my suggestions:

1) vergara.com
2) rayvergara.com
3) atoystory.com

ayan, tatlo na kagad yan ahaha!

pag naman free hosting and gusto mo kaka eh, i'm offering free host in kaluskos. i'm willing to set up everything for you including your template and all (hindi tulad nung pixelated template ko, gawin nating professional yung sayo) Ito naman kaka eh kung like mo lang naman ha. Naisip ko lang rin ahihi. In the end, it's all your choice.. your decision. Walang pwersahang magaganap mula sa hukbo ng mga Ram Boys o madugong armadong labanan ng rehimeng Makoy. O mapanibughong panunulsol mula sa mga balimbing na kapartido ni Gloria.

ISULONG ANG HIMAGSIKAN!

(*teka, naeebak ako kaka ahaha.. brb!)

racky said...

nak ng kagaw, naligaw tuloy ako ...atoystory.com lang nai-type ko!
nakoh, baka mabasa na naman ng mga "matitino" iyong comment mo sa bahay ko, kinakaliskisan na nga ako ng mga pekeng apostolada dahil sa mga ganyang biro, 'lam mo naman nagkalat ang mga inosente sa muna *tawang-demonyo nga muna*

lakas natin sa walakanyang, binigyan ako ni mistaken president (ituloy ang sulong)ng sariling dot dot plus free hosting alaws lang akong alam sa pag-aayos, chinese ang dating sa akin kaya nahihirapan pa ako sa interior design ;)

hirap lang nito baka kami naman matsismis, lagot mabawasan ang balato kapag nanalo! heheheh

racky said...

*inosente sa MUNDO dapat yon ...

racky said...

BABATI NA AKO

Owen FV said...

ok, do the transfer first. then i'll follow suit later.

sa suggetsions ni nao, i like atoystory.com. may dating!!!