2.01.2007

FLIPFLOPNAS, BAYAN NANG HUNYANGONG MASISIBA

PRUTAS NA PAMBANSA (STAR FRUIT, para sa mga politikong balimbing at mga "star" o artistang kahit hindi kwalipikado ay lakas loob na ginagamit kanilang popularidad para makuha inaasam nilang posisyon ng kapangyarihan)

NATIONAL ANTHEM (CHARMA KAMELEON ni Boy George, paboritong tugtog ng mga politikong walang prinsipyong, animo'y mga hunyango na pabago-bago ng partido at paninindigan para lamang maisulong ang kanilang pansariling kapakanan o shall i say kasakiman.Tulad in ni Boy George na ang kasarian ay di tiyak, paninindigan nila ay di tiyak, mga damuhong lintyak.)

PAMBANSANG HAYOP (CHAMELEON,may hayop pa bang mas babagay sa mga walang prinsipyong mga tao na pabago-bago ng kulay at paninindigan para masila ang kanilang mga biktima, pero kung ang buwaya ay may kakayahan na magpalit ng kulay gaya ng chameleon mas bagay na bagay ito na pambansang hayop ng Flipflopnas)
href="http://photos1.blogger.com/x/blogger/6402/1445/1600/731090/chameleon.jpg">

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
http://www.gmanews.tv/video/3837/

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TVhttp://www.gmanews.tv/video/3825/Lakas-Kampi-scramble-to-field-local-candidates
http://www.gmanews.tv/video/3824/Tessie-Oreta-tells-UNO-Count-me-out-of-slate

ADMINISTRASYON, OPOSISYON HANGAD LANG PUMOSISYON.
KAPAG NASA POSISYON, ANG LAKI NANG KOMISYON.

PANGULO SI NANAY, CONGRESSMAN SI TATAY
KUNG SAAN-SAAN AMING BAHAY, ARTISTA ANG AKING MAYBAHAY.
SENADORA SI UTOL, SENADOR SI UTOL,
KAYA SA KAGUSTUHAN KO, DI DAPAT TUMUTOL
KUNG GUSTO BUHAY NINYO AY HINDI MAPUTOL.

NOON SABI NG LOLA, APO MAG-ARAL KA NG HUSAY,
KUNG GUSTO MO SA BUHAY AY MAGTAGUMPAY.
NGAYON SABI NG LOLA, APO MAG-ASAWA KA NG ARTISTA,
PUMASOK KAYO SA POLITIKA, KUNG NAIS YAMAN AY MAGTAMASA.

KUNG GUSTO MONG PUMASOK SA POLITIKA DAPAT NA CAREER NA PASUKAN MO AY MAY KINALAMAN SA BOLA :
ABOGADO-MAGALING MAGSINUNGALING AT MAM"BOLA"
BASKETBALL PLAYER-MAHUSAY MAGLARO KAYA TAGAHANGA AY SWAK TULAD NG "BOLA"
ARTISTA-MAGALING UMARTE AT MAGDRAMA KAYA MASA AY NABO"BOLA"
HUWETENG LORD-SILA ANG NAGPAPALARO AT NAGPAPA"BOLA."

9 comments:

Naomi said...

siopao ng kowloon "bola bola" peborit ko kaka. Super like ko rin yung pic ng CHAMELEON sa taas, hunyango ba ang tawag dyan sa tagalog? Gah! Andami kaya dito nyan sa blogosphere.. ajehjeh!

Ang tigas ng apog talaga ng mga shiyet na taartits na mga yan. Kulang sa untog. Kung pwede lang maglansag ng kudeta para malipol silang mga TH, numero uno talaga akong babarikada, shiyet ulit.

racky said...

test ... haba ng comment ko di pumasok, si blogger talaga

racky said...

naglabasan na naman ang mga maamong tupa ... eleksyon na nga!

kailan ka ba tatakbo fafs (di sa vatican ha)

nasa dugo na yata talaga ng mga flipflipnos ang "bulok na sistema" ~ itaga mo pa sa bakya ko, di na aasenso ~ di lang sa PULITIKA! ^(°I°)^ <<<<< mabuti pang mga ganito ang kahalubilo ;)

*may nakalimutan ka fafatoy, mas maraming AHAS ... buti sana kung harap-harapan kung tumuklaw

Ann said...

Napanood ko sa tfc sabi ng nanay ni manny pacman, maglalayas daw sya pag pumasok sa politics anak nya.

Naomi said...

happy Sunday dyan senyo kaka. Take care!

Owen FV said...

i cant actually figure out whether you were laughing or raging with hate when you posted this.

but yeah, i share your sentiments.

VICKY said...

very hilarious! allergic ako sa politics esp the pinoy kind it's like a circus. kawawa naman si juan de la cruz. how are you in kiwiland. masyado mainit dito. regards.

Naomi said...

musta dine kaka, happy Sabado sayo dyan :)

Ann said...

Happy weekend fafa atoy!