8.31.2005




TAGAY NI MARGHIL AT KADYO, MAXIMIZE PARA KAY TANGGERZ, KU, DOPS AT IBA PANG KAINUMAN(MMY LEI, D.B., DENG, GORYO4U, NAO AT JO) E.T., ELEPANTE, ELEPHANT SHREW AT IBA PA.

Noong nasa isa pa akong identity tinagayan ako ni Kabayang Marghil pero hindi ko natanggap kasi abala ako sa paglilipat ng bahay pasensiya na kabayan, muli itong inaalok sa akin ni KaDyo kaya nakahiya naman iinumin ko na ang tagay ninyo minodify o mas pinalawak ko lamang dahil nainspired ako sa ibang artikulo ni KU at Tanggerz tungkol sa Nakakahiyang karanasan at Memory Bank. Ang pics naman yan ang ating pupulutanin kokunsulta ko lang sa kaibigan kong Scientist sa hayop na si Doc Dops kung hindi pa ito kasama sa mga protected list ng endangered species.

More than 20 years ago: 2 yrs old pa lang ako natatandaan ko na ang ibang kaganapan. Ewan ko kung normal eto sa ibang bata. Gaya nga ng sabi ni Tanggerz may pagka E.T. yata ako. Pero hindi dahil sa tatlo ang aking paa, dalawa lang yon at may E.T. sa pagitan nila (elephant trunk, Tanggerz tandaan tunay na elepante ang sungot hindi kagaya ng sa iyo baka sungot ng elephant shrew, he, he, he,) kundi dahil sa kakaibang lakas ng memory bank ko. Kaya ko nalaman na memory yon ng 2 years old ako mahilig kasing magpost ng pics ang ina ko sa album at yon palang events na up to now I can still vividly recall happen when I was 2 yrs. old noong tingnan ko ang date ng pics . I can still see the blue sea of Cavite, the people gather around para ihatid ang kanilang love ones na sasakay na sa barko para maging U.S. navy, yong mga kodakan na kalong pa ako ng first cousin ng tatay ko na sasakay sa barko, yong blue hat na parang crown na suot ng isa niyang pinsan, iba pang maliliit na details parang pag-iniisip ko nandoon ako sa particular time na iyon.

3 yrs old ako with reference to the album namin noong bata ako. Hanggang ngayon pag-iniisip ko ramdam ko pa rin ng mahulog ako kanal sa may P.N.B. sa amin dahil sa katitingin ko sa sarangola. iyak ako ng iyak noon dahil sa sakit at napahiya ako sa mga guwardiya at mga taong nandoon.

4yrs old ako aba may malisya na ako, hinahalikan ko na ang mga litrato sa magazine ng magagandang babaeng artista noon. Hindi ko na lang sasabihin ang circa basta mas maedad nang konti kina Kristine Hermosa at Angel Locsin.

5yrs old ako sa school may sleeping time nag ihi ako sa short ko dahil napahiya akong magsabi sa titser ng may I go out . Noong makita ng titser kung bakit basa ang tapat ng aming table, hindi kasi desk itinuro ko yong katabi ko kahit basang-basa yong kaki ko. Sino kaya ang nagsabing ang bata hindi marunong magsinungaling.

6yrs old ako grade one(dinaya kasi ang edad , dinoktor ang birth certificate para bata akong makapasok hindi ko malaman kong crush yon o pagmamahal sa isang ina. Lungkot na lungkot ako dahil summer vacation na at hindi ko na makikita ang titser ko na si Miss Silang. Dito siguro nag-umpisa ang infantuation ko sa mga titser (dami kong crush na titser ah noong eskwela ako nanliligaw pa nga ako ng mga professor ko kasi gusto kong maging titser pet at sila ay aking i-pet)(yan din kaya ang dahilan kung bakit una kong tinambayang blog eh sa titser at professor hoy KU hindi tayo talo wala akong hilig makipag espadahan fencing baka pa medyo sosyal)

Fast track na natin ang rewind: Medyo temang "TO ALL THE GIRLS I LOVE BEFORE"

Grade 2. Crush ko si Patricia T., dito ko rin unang naranasan ang broken heart. Aba dapat kami ang magpartner sa game pagkakataon ka na para makaholding hands siya. tanggihan ba naman niya ako. It hurts, how hapdi. Naging crush ko siya dahil type na type ko siya dahil siya ang gumanap na Virgin Mary sa school play.

Grade3.Crush ko si Gertrude T. (hilig ko sa apelyidong T) Ganda ng kanyang ngiti ang linis linis niya pati yong buhok niya nakatrintas. Tuwangtuwa ako noong ipagmatch kami at tuksuhin ng kakilala kong grade 4.

Grade 4. Crush ko ang crush ng bayan si Marivic B. Talo ko sila kasakay ko ito sa service nakakatabi ko pa sa upuan. Yong mga pinadadala ng mga kaklase kong mga souvenir o gift hindi ko binibigay sa akin na lang ano ako hilo, may gift na ako hindi pa nila ako maagawan ng crush. Naalala ko siya sa kanta ng Cascade na Punch and Judy show (hindi dahil sa kapanahunan namin ito kundi dahil sa siya ang may dala ng music na ito para sa English Class namin) Ang dami kong kasakay na magaganda nanjan si Rose R, Lota L, Cecil A. bukod pa dito crush ko rin yong sakay sa ibang school bus sina Leila L. at iba pa. Ang gaganda nga naman ng mga batch ng High School noon palibhasa mga anak ng piloto, sila pa ang madalas na player ng volleyball at nakashort. Yong magkakapatid na Bonanza hanep sa ganda at sa puti crush na crush namin yon ng aming barkada. Naalala ko rin ng bugbugin namin sa garage ng school yong aming isang kaklase na may pagkabakla kasi ipinagkalat na crush namin yong practice teacher na si Miss Capili, crush naman namin talaga medyo pikon lang kami at napapahiya.

Grade 5. Biglang from one hundred biglang zero ang mga crushes. Hanggang grade 4 lang kami sa catholic school na pinasukan namin kasi coed lang ito hanggang intermediate. Lipat kami sa LA Salle sa amin na hindi rin co-ed puro lalaki. Tulad ni KU dito ko naranasan ang isang napakaembarassing moment. Abutin ba naman ako sa pantalon, Shet! how embarassing buti na lang walang mga girls kung hindi baka hindi na uli ako nakapasok sa school. Balik na naman infantuation ko sa titser kay Miss M. peyborit yata niya ako .

Grade6 at First Year Dry na dry talaga walang mga babae usong-uso ang bullying. Dami pang kickout ng La Salle Greenhills na napasok sa amin. May botika kami laging gusto akong kotongan ng mga restricted drugs ng kaeskwela kong adik. Ang payat ko noon at bata akong pinapasok tapos yong mga loko madalas mga repeater ang lalaki. Palagan mo bugbog sarado ka o dala ka sa office (nadala rin nga pala ako sa opis dahil sa pakikipagsuntukan doon sa makulit na repeater, yon namang isa kong pinsan at kaibigan na ngayon ay pangulo ng De La Salle University sabog ang ilong dahil din sa pakikipagsuntukan sa kaeskwela naming adik)

Second Year H.S. Lumipat na ako sa ibang school. Co ed daming kagagandang babae. Higher section pa kami iilan ang boys kaya mas marami mga girls. Para akong bilanggo na nakalabas dami kong crush at pinagpalipadan ng hangin. Nan diyan si Lyn D., si Merlita L., siJulieta A., si Leila G., Si Rosemarie L, Si Yvonne A., Si Rosario P., Salome M. kulang siguro ang aking daliri. Usong uso rin ang slumbook, may mga iba rin naman na alam kong may crush sa akin gaya ni Teresita H. pati yata yong kaeskwela kong bakla may crush din sa akin.

3rd Year H.S. Dati ako nagkamayroon ng isang matinding crush. Makita ko lang siya ibang iba ang tibok ng puso ko para bang gusto ko siyang sunggaban. 2nd year siya si Leiny D.V. Ang lakas ng appeal niya sa akin hindi ko lang maligawan kasi natyotyope ako at nauumid ang dila pag nakikita ko siya. Bukod dito may mga nanliligaw sa kanyang nakawheels. Hay buhay nga naman akalain mo bang siya ang maging asawa ng kumpare ko at pareho kami ngayong nasa New Zealand at kumare ko pa. Pare wag kang magagalit yan naman ay noong H.S. pa decades ago.

Fourth Year H.S. Yoly D., Chona D. Lyn D. (Ang daming D palibhasa maraming apelyido sa Batangas mga tagalog Dimaculangan, Dimaano, Dimaapi, Dimagiba, batanggenyo ka ga KaDyo), at ang pinakastarring sa crush ko Gloria G. Isang love story na nagumpisa sa basura at natapos din sa basura sapagkat hindi ko siya nasyota.(saka ko na lang ikukuwento style Dops at Dark B. love story)

May nakalimutan nga pala akong ireveal ang kaunaunahan kong basang pangarap (hindi yong nagihi sa kama gaya ni KU o Tanggerz) ay pinsan ng mrs. ko at miss r.p. grade six ako noon. Ang isa pang memorable ay yong sa titser ko Miss I. noong ako ay third year. Anak ng tokwa sarap parang totoo (lakas ng powers ng aking subconcious o kulang sa ......) Yang kulang na yan mga edad 11 o 12 nakilala ko si Mary at nadiskubre ko pwede pala siyang kalaro ng aking E.T. He, he, he maflag na talaga ang site na ito.

Isa pa palang revelation. Elementary pa lang mag pagkavoyeur na ako. Aba eh tinuturuan ko ang mga kapatid at kalaro ko kung paano namin silipan ang mga costumer na namimili sa aming botika na puro salamin. Usong-uso kasi noon ang miniskirt. Open minded kasi sa amin bata pa nga ako nakakabasa na ako ng bed time story (hindi yon fairy tale, 4 adults only) pating yang mga gold coin(condom na nakalagay sa gintong parang coin) at pangangalamba(tawag sa amin pag mamagerper o iiskor ng 5 pts.) alam ko na kahit wala pa akong muwang. (WALA Pa daw, oh)Kahit noong highschool may dala kaming salamin o shade at sinisimplihan namin ang mga titser at kaeskwelang pabuka-bukaka. Oy suot mo pala ay pula yan din ang suot mo kahapon ah. Hek, hek, hek(D.B.) hik, hik, hik(tanggerz)

saka na lang ang susunod (25 years ago hanggang sa katapusan ng tagay inuna ko muna pasakalye ang haba kasi punong puno kasi ng alaala ang aking KUKOTE gaya ni kabayang Marghil, KaDyo at iba pang kasama tatagayan din kita ng mga controversial revelation ladladan ng saya no holds bar)

8.30.2005

LAKI MAN SA IBANG BANSA AKO AY PILIPINO
Fighting for countryTHE SCORE By Jannelle SoThe Philippine Star 08/30/2005LOS ANGELES — Manny Pacquiao is not the only fighter who will be wearing the Philippine flag on his trunks for the upcoming boxing extravaganza on Sept. 10 at the Staples Center. For one, there’s the Hawaiian Punch. Although Brian "Hawaiian Punch" Viloria represented the United States in the 2000 Olympics in Sydney, Australia, he wants to make it clear he knows his roots. "Yes. I’m Filipino. I’m not half, I’m not part, I’m full Filipino. I just want to get this cleared. A lot of people have been saying, ‘Why is he called the ‘Hawaiian Punch’ when he’s Filipino?’ I was born in Hawaii, you know, not by choice. But if I could, if I had a choice, I would have rather been born in the Philippines because that’s what I am — full-blooded Filipino," he declared a few weeks ago at the press conference of "Double Trouble" in Glendale, California. Shortly after the 24-year-old boxer was born in Hawaii on Nov. 24, 1980, his father had to go back to Ilocos Sur to await his visa. Ben Viloria took little Brian with him. It was in Narvacan that Brian learned to throw punches. By the age of five, his grandfather was already teaching him how. When Ben got his visa, the Vilorias set out for Waipahu, Hawaii. There, they lived near a boxing gym, so it was convenient for Brian to continue his training more formally. But Ben said recreation wasn’t the only reason he wanted his son to learn how to fight. "Alam mo naman, nasa ghetto kami, mahirap ang buhay doon. Maraming mga bully. Sabi ko, kawawa naman itong batang ito, kailangan maturuan kung paano niya maipagtanggol yung sarili niya," he said. "And I wanted him to focus para malayo siya sa bisyo, barkada. Para ‘yung time niya, d’un lang siya sa gym." Little did he know that his son was actually born to box. Brian started joining and winning competitions, making history by becoming the first Filipino/Hawaiian to win in the Juniors National Championship. He opened the doors to the Hawaiians and Filipinos there. What Ben hoped would help his son focus on education actually did more than that. Through the sport, Brian earned a scholarship at Michigan University where he took up Journalism for two years. He said he plans to finish the course after he has reached the full potential of his boxing career. For now, he is concentrating on training well and hard for his upcoming fight — in the undercard of the Erik Morales-Pacquiao double header. "Some people have said that maybe I wasn’t representing the Philippines as much as I should have. But this fight, this is for a world title and I want to represent the Philippines as my home," Brian said. To stress his point, he will be wearing the Philippine colors on his trunks when he faces Mexican Eric Ortiz in a 12-round WBC Light Flyweight Championship. This move was inspired by Ben whose family and relatives are still based in the Philippines. "Kailangang kailangan natin ipaalam sa buong Amerika na si Brian ay Filipino. Hindi siya Hawaiiano. Kaya sabi ko kay Brian, maglagay kami ng Philippine flag sa trunk to represent the Philippines. Kahit ano pa ang gawin namin, nasa Amerika nga kami, pero talagang Pilipino kami. Hindi namin mai-de-deny ‘yan kasi nakikita sa balat namin," Ben said. "It’s been a dream for me. It’s been a dream for me to fight for a world title. Now is a chance for me to show the world what I can do…that I am a champion and also a champion in everybody’s heart and also a champion for my country. I’ll be fighting for you guys. And I hope you guys will open your arms and accept me as a Filipino," Brian said. He said he will also be dedicating this particular fight to former opponent Ruben Contreras who will be present in the crowd to watch him.

8.29.2005



All Blacks, yan ang tawag sa National Team ng New Zealand sa Rugby, ang pinakapaboritong team game dito. Lahat sila ay nakasuot ng unipormeng itim na tunay na kagilalas lalo na pag sila ay humarap na sa kanilang katunggali at inumpisahan na nila ang kanilang "HAKA." Haka is an energetic and aggressive dance with rhythmical chants of defiance, accompanied by stylised movements of hands and feet. Ito ay ginagawa ng buong pangkat na pinamumunuan ng kanilang isang kasamahan usually of Maori descent, working in unison. Parang isang tribong handang lumusob pumatay at mamatay para sa kanilang ipinaglalaban, isang war chant na madalas ay gumugulat sa kanilang mga kalaban at nagsisilbing stimulant sa mga player upang ibigay ng husto ang kanilang effort para manalo at magtagumpay ang Team nilang minamahal. Isang napakalaking honor sa isang Kiwi ang mapabilang sa legendary at hinahangaan hindi lamang sa NZ kundi sa buong rugby world na Team All Blacks. Heto ang kanilang chant sa Maori at ang translation sa English. Pansinin ninyo ang pagkakahawig ng ibang salita sa dialect ng Pilipinas. Tulad ng Kamate na kung sa Pilipino kamatayan, Ra kung sa atin ay aRAw, Puru sa atin gaya rin sa kanila na puro, Puru Huru puro buhok. Hindi ito nakakapagtataka kasi kabilang sa Malayo Polynesian ang kanilang salita gaya rin sa atin. At ang isa pa bago nakarating ang mga ninuno ng Maori sa New Zealand dumaan sila sa Pilipinas kaya masasabi natin na ang mga kaunaunahang tao sa NZ ay mga kalahi din natin.

Leader KA MATE! KA MATE! We're going to die! We're going to die! Chorus KA ORA, KA ORA! We're going to live! We're going to live!Leader KA MATE! KA MATE! We're going to die! We're going to die! Chorus KA ORA, KA ORA! We're going to live! We're going to live! TENEI TE TANGATA PU'RU-HURU This is the man, so hairy NA'A NEI TIKI MAI WHAKA-WHITI TE ... who fetched, and made shine the ... RA! HUPANE! KA-UPANE! sun! Upward step! Another ... ! A HUPANE! KA-UPANE! An upward step! Another... ! WHITI TE RA! The sun shines! HI !

Kahit aapat na milyon ang mga Kiwis sila ay World Class pagdating sa sports na kanilang kinahihiligan. Ang All Blacks madalas ay llmado sa rugby world championship, Sa netball isang larong may hawig sa basketball World champion ang Silver Fern, ang babaeng netball team ng NZ, kahit sa softball ang Black Sox ang mens team ng Nz ay world champion. Maging sa individual sports mayroon din silang mga sporting hero tulad ni Michael Campbell na tinalo sa golf si Tiger Woods para sa 2005 U.S. Open, si Hamish Carter at Bevan Doherty na 1 and 2 sa Olympic triathlon sa Greece at maging ang kanilang yachting team ay dati rin siyang may hawak ng America's Cup ang pinaka prestigious na yachting event sa buong mundo.

Ano ang gusto kong iparating sa artikulo kong ito pansinin ninyo ang pangkat ng All Blacks. Bagamat sila ay galing sa iba't ibang lahi may Samoan, may Fijian, Pacific Islander, Maoris Pakeha(tawag ng mga Maori sa puting Kiwi) sila ay nagkakaisa para sa kapakanan ng kanilang bansang kinabibilangan. Ito ang sikreto ng kanilang tagumpay pagkakaisa at paniniwala, pagtiwala sa kanilang kasamahan. Ang Rugby ay isang larong napakakritikal ng team effort ang mali ng isa ay nadadama ng lahat. Sana gaya ng All Blacks ang mga mamamayan natin kahit ano pa mang ang kanilang pinangalingan ay magkaisa at magtulungan para sa ikauunlad ng ating bansa. Hindi na natin kailangan pang mag HAKA damhin na lang natin at isapuso ang ating Pambansang Awit, sapagkat wala ng kantang mas bubuhay sa ating damdaming Pilipino kung ito ay iyong maririnig at makikita mong itinataas sa tagdan ang ating watawat. Sana mapatunayan niyo na si Atoy aka Goyong ay mali sa kanyang prediksyon sa komento niya sa kanyang katukayo at kainin niya ang kanyang salita. Sana hindi na tumawa si Atoy ng may panlilibak pag sinabing ikinararangal ko ang maging Pilipino. Sana mapahiya si Atoy sapagkat kaya pala nating mga pilipinong magkaisa at kalimutan ang sarili para sa kapakanan ng bayan.

8.28.2005



Mabuhay!!! Team Pilipinas!!!
(Comment ko ito sa article ng aking dating katukayong si Goryo4u tungkol sa pagkakapanalo ng RP Basketball team sa Brunei. Masaya ako sa panalo ng ating team sa basketball tulad din ng milyon-milyon nating kababayan na panatiko sa exciting na larong ito, ngunit nalulungkot din ako na kahit ipinakita na ng ating manlalaro ang kanilang galing, kakayahan at kabayanihan para sa karangalan ng bansa wala pa rin silang kasiguraduhan na they will wear the Philippine Colors sa darating na FIBA championship sa Doha dahil sa politika, paistaran, pasikatan, patigasan, di pagbibigayan, di pagkakasundo ng mga opisyales ng BAP, POC sa ating bansa. Abot kamay na natin ang pagkakataon upang mapatunayan na muli natin sa buong Asya ang ating husay at galing kahit man lamang sa larangan ng basketball ngunit nagsisilbing hadlang ang self interest ng mga sakim at hunghang na namumuno ng sports na ito, isang repleksyon ng nagaganap sa buong bansa na dahil sa ilang tao na inuuna ang sarili napapasakripisyo ang kabutihan ng nakakarami. Kailan kaya sila magigising? Kailan tayo magigising?)

1 Comments:
atoy said...
Yehey Mabuhay ang Pilipinas! Kaya lang bakakang inang mga opisyales na yan ng basketball sa atin puro mga *@%*!#***!! Palibhasa mga tuta at mana sa kanilang among politiko. Puro politikahan, paistaran, pataasan ng ihi, papogihan, mga anak kayo ng tupa...kulang ang ispasyo mo rito pag ilalabas ko galit ko sa mga taong nagpapatakbo ng basketball at sa gobyerno ng ating bansa. Kaya hindi tayo makakasali doon sa FIBA regional championship kahit may malaki tayong tsansa dahil sa ipinakita ng ating RP team diyan sa Brunei ay dahil sa kapeng inang politikang iyan na naman. Hindi magkaisa-isa lahat gustong maging bida sila ang hari o sikat o namumuno. Mga sugapa sa kapangyarihan at katungkulan. Nanginginig ang mga laman pag hindi sila ang nakaupo. Mabasketball, mapolitika, kahit yata saan sakit nating mga Pilipino ang ingitan at crab mentality, kung hindi ako umangat, sumikat at lider sama-sama na lang tayo sa baba. Dito man sa blogging world ganyan din ang nangyayari,papogihan, pag hindi mo ako pinasyalan hindi kita papasyalan, pangkat-pangkat, kampi-kampihan although marami rin namang level headed at tunay na kaibigan. Una kong pasok dito puno ako ng ideyalismo pero ngayon nakalapat na ang paa ko sa lupa. Papitik-pitik na lang tayo at hindi na umaasa sa impossible. Sa obserbasyon ko pag ganito ng ganito nakakalunos mang isipin wala ng pag-asa pang umangat ang ating bansa. Kahit ako guilty rin sa pamomolitika kaya nga iniwanan ko na ang pangalan ko sapagkat I cannot live with the ideals na unang nagdrive sa akin sa blogging world.Compromise, broken promises, , tampo sa mga akala ko ay mga tunay na kaibigan, disappointment kasi kung kailan ko kailangan ang kanilang suporta sa panahong ng kalungkutan saka sila nawala, kaplastikan sapagkat ayaw kong may magalit sa akin and I would like to please everybody, nakalimutan ko ang magpakatotoo. Hangad ko dati sanang magkaisa-isa ang mga blogger at magamit natin sa positibong pamamaraan ang hobby nating kinawiwilihan para sa kapakanan ng ating bayan at mga mamamayan sinubukan ko pero bigo ako. Ang Goyong kasi hinango ko sa paborito kong bayaning Pilipino na si Heneral Gregorio Del Pilar ayaw ko ng dungisan ang kanyang pangalan sapagkat hindi ako karapatdapat sa kanyang kadakilaan. Sana Goryo mali ako at mas masaya akong kung mapapatunayan na mali ang aking obserbasyon sa ting mga Pilipino at sa nagaganap at magaganap sa ating bansa at isa akong bulaang propeta. Sana kagaya ng panalo ng RP Basketball team diyan sa inyo na nakasabay ng pagdiriwang natin ng "National Heroes Day" magising ang mga kabayanihang natutulog sa ating damdamin at kaisipan at magkaisa na tayo, magtulungan at kalimutan ang sarili para sa kapakanan at kaunlaran ng ating bayan. Sa ngayon tatawanan ko na lamang na may kasamang panlilibak ang mga taong nagsasagbing ikinararangal na sila ay maging Pilipino pero taliwas ang kanilang ginagawa, pati sarili ko. Ako si Atoy ikinararangal kong maging Pilipino...hek,hek,hek,hek.
August 29, 2005 5:37 AM

8.27.2005

Tanggerz at sa iba pang nangangantyaw na pag malamig ay naurong, heto ang patunay na habang nalamig hindi "paurong kundi pasulong". Nasaan ba ang mauunlad na bansa aber di nasa malalamig na bansa. Pag hindi ka naman ginanahan sa view iyan tuwing gabi na malamig at katabi mo ang iyong honey (laging para kang nag-hohoneymoon sa Baguio walang patayan ng aircon). Laging naninigas ang aking.......................................................
paa dahil sa lamig. Alam din ba niyo na pinakamataas na kumunsumo ng karne ay ang mga Kiwis kaya sila ay mga tigasin........................................................................................ ang mga ugat dahil sa rayuma at arthritis. Para sa aking mga kaibigan heto ang pruweba nireprint ko galing sa NEW ZEALAND HERALD newspaper dito sa NZ.

(the following article was published August 20, 2oo5 on New Zealand Herald)

Spiked drink victim: I'm still in love with her

20.08.05

The man whose fiancee spiked his drink to curb his allegedly rampant libido says the pair had "different requirements". This week in the Auckland District Court the lawyer acting for former Malaysian air hostess Mee Kwan Ng, 41, claimed her New Zealand fiance, Martin Walker, was demanding sex up to five times a day. But the JPs found there was insufficient evidence against Ng on a charge of administering a poison, namely antihistamine, with intent to cause inconvenience. Ng told police she put the antihistamine and other substances in Mr Walker's food and drinks to "slow him down". Public Defender Michael Corry told JPs that Ng had been trying to reduce Mr Walker's "extraordinary" sexual demands on her. But Mr Walker said in court that the allegation of demanding sex five times a day, at all times of day and night, was an exaggeration. He regretted the effect of the court case on both of them. "It has been so hurtful for her and it has been hurtful for me to lose her. I really loved her. She must have different requirements from me." Mr Walker told the JPs he believed Ng had laced his food and drink because she was trying to "dampen his romantic and sexual ardour". He said he was concerned at the reduced quantity and quality of sex so early in their relationship, but denied suggesting Ng return to Malaysia if she wasn't prepared to comply with his sexual requests. The couple met after being introduced by a mutual friend and began courting by email, him in Auckland and her in Kuala Lumpur. They met, holidayed together and got engaged but the relationship went downhill because of friction over the frequency of sex. Mr Walker was reluctant to discuss details of their relationship, saying he hoped Ng could be left alone to get over what had been a very bad year for both of them. He told the court that when he first became suspicious that his drinks were being doctored, he started taking samples for his GP. However, he continued to partially consume the beverages: "It was better to know something was happening and have her not to know that I knew." He also continued eating his meals. "They were very nice, until the last one," he told the JPs. After two mouthfuls Mr Walker detected a strong chemical smell and a gritty texture. He confronted Ng and then called the police. "At that point when she refused to acknowledge it I was worried about living in the same house, with her knowing I had already stored samples of the drink which I had told her that night." However, he told Mr Corry he now accepted that there was little or no toxicity in the samples and he did not believe she was trying to cause him any significant harm.

Hayan malinaw na malinaw kinakailangan pang lasunin o painom ng gamot para mabawasan ang hilig ng mga Kiwis. Hindi lang 3 pts. play kundi 5 pts. sa isang araw eh yang lalaki eh mahigit ng 50 years old kaya mo ba yan sa mainit na bansa, pag hindi ka naman natuyo at naiiga dehydration kamamatay mo. Sinusukuan ng mga partner. Pero tapat magmahal ha! Mahal pa rin ang babae kahit pa ano ang naganap. I rest my case. He, he, he,he!







8.25.2005


Para sa aking mga kaibigan na nais makarating dine sa amin naka-isip akong magtayo ng negosyo. I've been known in our city as "Atoy L." L for laging handang tumulong, Laging handang maglingkod at Laging maasahan. For you my fren I dedicate my new business:
ATOY L. LEGAL, RECRUITMENT, IMMIGRATION CONSULTANT AND TRAVEL AGENCY. Sakop nito legal works, pag-rerecruit pati pag-totour lahat dala para wala na kayong intindihin. Mura lang ang recruitment fee pati consultation may mga hidden cost nga lang at kondisyones. Heto ang mga proposal ko sa aking mga kaibigan.
Para kay Mmy Lei: hanap ko siya ng mayamang matanda na may sakit sa puso. Pepeistisyunin siya through fiancee visa, pakakasal sila dito book ko agad sila for honeymoon sa Queenstown pag ayos na papers niya for residency at sa manahan at will and testament ng mayaman niyang asawa para mag adrenaline pumping at dangerous activities sila tulad ng bungee jumping, para gliding, skydiving, snowboarding, jetboating and pag bumigay ang puso Mister niya. Presto residente na siya mayaman pa siya. (Komisyon ko bukod sa fee 20% sa mamanahin niya sa Mister Niya), Aprub ba Mmy Lei.
Para kay DarkBlak: Dahil itong kaibigan nating ito ay mahilig sa chat at beterano na ng cyber world kahit bata pa ihahanap ko na lang siya ng ka chat dito na mayaman, maaring biyuda o matandang dalaga (siguro mas magaling old maid para din naman siya lugi, baka kahit paano untouch pa ito ng human hand maliban sa sariling pagpupunyagi) bolahin na lang niya tapos ako ang taga-follow up dito at pag bumigay na ako na ang bahala sa kanyang visa sa partnership category. Save mo lang mga email at iba pang correspondence kasi kelangan natin yon fren. Ok ka ba Dark Blak.
Para kay Dops na Vet Med yata o Animal Husbandry, ano ba Dops tinapos mo basta alam ko mahilig ka sa hayop (hayop sa ganda, hayop sa puti at kaseksihan)kelangan dito training at skills mo lalo na maganda resume mo dahil sa schooling mo sa Japan. Mas marami kasing hayop dito kaysa sa tao. Kung doktor siya sa hayop o asawa siya ng hayop (animal husbandry) this is the perfect location for him. Tanong ko lang kapag nagkakasakit ang hayop paano mo nalamalaman sa kanya ang masakit hindi naman siya nakakapagsalita, do you understand animal talk Doc? Oki doki doc.
Para kay KaDyo, madali na siyang ikuha ng tourist visa alam ko maraming riyals siya. Pwede rin siyang investor visa. Kelangan namin ng mga 2 million NZ$ para maapruban investor visa (roughly 70-75 million sa Philippine Pesos) Kung kapos kami ng konti utang kami kay Mmy Lei kasi mayaman na siya sa dahil sa nadedong fiancee. That are frens are for di ba KaDyo. Dalawa na kayo ngayong Ka dito NZ. Makakatomahan muna si KU. Teka nga pala KaDyo totoo bang kapag namamatay ang hari diyan nakakatanggap kayo ng bonus at raise ng suweldo?

Para kay Tanggerz ang mahilig sa tagay na kababayan ko ang mrs. dahil sa kanyang expertise iaalok ko sa kanya ang trabahong bagay na bagay sa kanyang panlasa "wine connosieur" (tama ba ispeling ko monseur). Dito kasi sa aming lugal napakaraming vineyard na gumagawa ng wines at kailangan ang talent niya. Wala kang gagawin kundi tikman ang mga alak (tikman, hindi laklakin paalala lang) kung papasa sa yong panlasa. Teka nga pala baka naman mairekomenda kita alam mo lang lasa Kuwatro, bilog at SMB. Kung type mo job offer sign in To Die. (wag alala may libre medical at life insurance naman basta hepa lang ang magiging sakit mo o ikakatigok.)
Para naman kay Deng kinausap ko na ang iyong buddy na si Sir Edmund Hillary (buhay pa siya at natatandaan ka niya kasama ka raw niyang umakyat sa Makulot) matutulungan ka niyang makapunta rito para maging guide at mountaineer. Kailangan lamang ipakita mo ang pictures ninyo na magkasama kayo sa Mount Everest(medyo ulyanin na lamang yong matanda, buhay ka na ba noon Deng, kamukha mo ba yong sherpa niyang kasama si Tenzing Norzgay nalito yata kala siguro ikaw yon kaya pekein na natin at pagkakataon na.)
Para naman kay Nao na alam kong kontento na sa kanyang kinalalagyan (nasa itaas na siya bakit pa lilipat pababa goegraphically speaking) madali na siyang makakukuha ng toursit visa. Ang laki laki yata ng kita ng Nurse sa N. America daang libo o halos kalahating milyon sa pilipinas kung talagang kayod kalabaw. Hindi na rin siya mahihirapang kumuha ng visa sapagkat batbat na ng visa sa iba't ibang bansa passport niya, Mamimili na lang siya ng pupuntahang bahay ng kaibigan niya dito pero sigurado ako sa "bespren" niya muna siya tutuloy. Hindi ko na rin siya pwedeng ihanap ng MMMM kasi baka magalit sa akin si Superman.
Kung may iba pa kayong katanungan tungkol sa NZ migration at pagpasyal dito heto ang website (tunay na 'to hindi na biruan, dis is true no longer a joke.) www.immigration.govt.nz . Maganda yong website user friendly and maraming kayong malalaman. Kinopy paste ko rin yong sa skill shortage lists para malaman ninyo ang mga kailangan skill dito sa New Zealand. Goodluck sa mga fren ko at kapwa pinoy na nagbabalak mag-migrate dito.

Skills shortage lists amended
Monday, July 04, 2005
The Long Term Skill Shortage List and the Immediate Skill Shortage List have been amended. These changes take effect from 4 July 2005.
Long Term Skill Shortage List (formerly the Priority Occupations List)

Added
Specialist Physician – Palliative Care

Qualification and/or registration requirements amended
Electronics occupations
Horticultural occupations
Secondary teachers
Veterinarian

Change of description
Medical social workers and community social workers will appear as social workers.

For more information see the printable Long Term Skill Shortage List (NZIS 1093, pdf).

Immediate Skill Shortage List (formerly the Occupational Shortage List)

Added to all regions
Architect
Asphalt, concrete, chip sealing and road pavement worker
Automotive Technicians
Bricklayer
Dental Therapist
Dispensing Optician
Farm Manager (Pork Industry)
Optometrist
Roading Machine Operator
Senior Stockperson
Stock/Herd Manager (Pork Industry)
Amendments and additions to regions
Biochemistry Technician/Life Science Technician (removed from the Auckland region)
Bulb Horticulturalist removed from the Otago region
Dentists
Hydrographic Engineer (extended to all regions)
Jockey (added to the Auckland region)
Furniture Machinist (formerly Wood Machinist)
Medical Photographer (Health Services) be added to the Auckland region
Power Systems Engineer added to two more regions

Qualifications amended
Crop Foreman
Orchard Foreman
Pig Farm Manager

Removed
Early Childhood Education Teachers (now on the LTSSL)
Pharmacist (now on the LTSSL)
Primary School Teacher
Amendment to qualifications, experience, skill levels required, and/or registration requirements
Farm Manager (Dairy, Sheep/Arable, Beef)
Hydrographic Engineer
Furniture Machinist (formerly Wood Machinist)
Sewing Machine Technician
Shearers
Ski and Snowboard Technicians
Traffic Planner
Senior Travel Consultants

Change of title
Wood Machinist now appears as Furniture Machinist

For more information see the online Immediate Skill Shortage List.
Page Last Updated: 03 Jul 2005

8.23.2005





Mmy-Lei * at sa mga "dating bago" kong frens na si KADYO at DARKBLAK dito ko kayo isasama sa kabundukan at magagandang lawa ng aming lugal. Kung saan puwede tayong mangisda at umakyat ng kabundukan o dili kaya ay maglakad sa kanyang luntiang kaparangan at walking trails. Kung minsan naiisip ko ano ba ang ginagawa ko dito sa harapin ng computer samantalang ang tunay na mundo ay abot lang sa aking tanaw. Habang tinitipa ko ang keyboard ng computer tanaw na tanaw ko dito ang napakaganda at napakalinis na lawa ng Wakatipu samantalang sa kabilang bahagi naman ay ang napakatayog na kabundukan ng Remarkables. Luntiang kalupaan, asul na karagatan, puting ulap sa kalangitan tunay na paraiso dito sa mundong ibabaw. Napakatahimik at maging ang hangin ay sariwa mga ibong naglilipadan at mga gumagala sa green na damo upang manginain katabi ng mga tupang pinapastol. Manghang-mangha nga ako sapagkat maging sa nakadahilig na talampas hindi sila nahuhulog sa bangin pababa ng lawa.
Sa lawa naman makikita mo paminsan-minsan mga boat na naglalayag ay iba ay upang mangisda at ang iba naman ay upang tanawin lang ang magagandang sceneries sa kapaligiran ng lawa, luntiang bundok with snowcapped peaks, view na untouched by human hands. Kahit winter ngayon dito hindi kagaya sa ibang lugal hindi masyadong nagniniyebe sa NewZealand kaya siguro hindi namamatay ang mga damo at maraming puno ang may dahon. Kung maganda current ng hangin marami ka ring makikitang makukulay na sailing vessel na umaalibot sa lake. Samantalang sa aming katimugan makikita mo nag makukulay na parachute at gliding equipment ng mga taong tumatalon mula sa mga eroplano upang magskydiving. Kung ang hilig mo ay nature at kapalibutang walang pollution, walang tao dito tayo sa aming lugal maghapon man at magdamag tayong maglaro at magiingay walang sisitang tao, lalakas pa ang ating mga buto huwag lang tatalon sa lawa at baka ikaw ay maging iladong bata sapagkat sobrang lamig nito. O mga frens ano pang hinihintay niyo sleepover na kayo dito sa amin o mas maganda camping na lang tayo sa grounds para talagang we are really close to and in the bosom of Mother Nature. Huwag kayong mag-alalala wala ditong ahas na gumagapang sapagkat walang ahas makamandag man o hindi sa New Zealand. Dumadaan lang dito kung minsan ang isang araw na wala kang makikitang ibang tao kung di kasambahay mo, yan siguro ang dahilan kung bakit naeenganyo akong magblogging dahil naghahanap ako ng "TAO." at mga "KABABAYAN" tunay na "KAIBIGAN" na pinanabikang makaugnayan at makasama at makalaro. Tara na camping na tayo.



*Mmy Lei ang mga tanawing yan ay tabing bahay namin maliban sa huli na kuha sa Fiordland. Yan ang sinasabi ko sa yo sa email na lake na metro lang ang layo sa amin at pwedeng mag-fishing at may walking trail. May boat launching place din dito sa aming lugal bahagi ng dvelopment ng Estate na aming kinalalagyan.