8.25.2005
Para sa aking mga kaibigan na nais makarating dine sa amin naka-isip akong magtayo ng negosyo. I've been known in our city as "Atoy L." L for laging handang tumulong, Laging handang maglingkod at Laging maasahan. For you my fren I dedicate my new business:
ATOY L. LEGAL, RECRUITMENT, IMMIGRATION CONSULTANT AND TRAVEL AGENCY. Sakop nito legal works, pag-rerecruit pati pag-totour lahat dala para wala na kayong intindihin. Mura lang ang recruitment fee pati consultation may mga hidden cost nga lang at kondisyones. Heto ang mga proposal ko sa aking mga kaibigan.
Para kay Mmy Lei: hanap ko siya ng mayamang matanda na may sakit sa puso. Pepeistisyunin siya through fiancee visa, pakakasal sila dito book ko agad sila for honeymoon sa Queenstown pag ayos na papers niya for residency at sa manahan at will and testament ng mayaman niyang asawa para mag adrenaline pumping at dangerous activities sila tulad ng bungee jumping, para gliding, skydiving, snowboarding, jetboating and pag bumigay ang puso Mister niya. Presto residente na siya mayaman pa siya. (Komisyon ko bukod sa fee 20% sa mamanahin niya sa Mister Niya), Aprub ba Mmy Lei.
Para kay DarkBlak: Dahil itong kaibigan nating ito ay mahilig sa chat at beterano na ng cyber world kahit bata pa ihahanap ko na lang siya ng ka chat dito na mayaman, maaring biyuda o matandang dalaga (siguro mas magaling old maid para din naman siya lugi, baka kahit paano untouch pa ito ng human hand maliban sa sariling pagpupunyagi) bolahin na lang niya tapos ako ang taga-follow up dito at pag bumigay na ako na ang bahala sa kanyang visa sa partnership category. Save mo lang mga email at iba pang correspondence kasi kelangan natin yon fren. Ok ka ba Dark Blak.
Para kay Dops na Vet Med yata o Animal Husbandry, ano ba Dops tinapos mo basta alam ko mahilig ka sa hayop (hayop sa ganda, hayop sa puti at kaseksihan)kelangan dito training at skills mo lalo na maganda resume mo dahil sa schooling mo sa Japan. Mas marami kasing hayop dito kaysa sa tao. Kung doktor siya sa hayop o asawa siya ng hayop (animal husbandry) this is the perfect location for him. Tanong ko lang kapag nagkakasakit ang hayop paano mo nalamalaman sa kanya ang masakit hindi naman siya nakakapagsalita, do you understand animal talk Doc? Oki doki doc.
Para kay KaDyo, madali na siyang ikuha ng tourist visa alam ko maraming riyals siya. Pwede rin siyang investor visa. Kelangan namin ng mga 2 million NZ$ para maapruban investor visa (roughly 70-75 million sa Philippine Pesos) Kung kapos kami ng konti utang kami kay Mmy Lei kasi mayaman na siya sa dahil sa nadedong fiancee. That are frens are for di ba KaDyo. Dalawa na kayo ngayong Ka dito NZ. Makakatomahan muna si KU. Teka nga pala KaDyo totoo bang kapag namamatay ang hari diyan nakakatanggap kayo ng bonus at raise ng suweldo?
Para kay Tanggerz ang mahilig sa tagay na kababayan ko ang mrs. dahil sa kanyang expertise iaalok ko sa kanya ang trabahong bagay na bagay sa kanyang panlasa "wine connosieur" (tama ba ispeling ko monseur). Dito kasi sa aming lugal napakaraming vineyard na gumagawa ng wines at kailangan ang talent niya. Wala kang gagawin kundi tikman ang mga alak (tikman, hindi laklakin paalala lang) kung papasa sa yong panlasa. Teka nga pala baka naman mairekomenda kita alam mo lang lasa Kuwatro, bilog at SMB. Kung type mo job offer sign in To Die. (wag alala may libre medical at life insurance naman basta hepa lang ang magiging sakit mo o ikakatigok.)
Para naman kay Deng kinausap ko na ang iyong buddy na si Sir Edmund Hillary (buhay pa siya at natatandaan ka niya kasama ka raw niyang umakyat sa Makulot) matutulungan ka niyang makapunta rito para maging guide at mountaineer. Kailangan lamang ipakita mo ang pictures ninyo na magkasama kayo sa Mount Everest(medyo ulyanin na lamang yong matanda, buhay ka na ba noon Deng, kamukha mo ba yong sherpa niyang kasama si Tenzing Norzgay nalito yata kala siguro ikaw yon kaya pekein na natin at pagkakataon na.)
Para naman kay Nao na alam kong kontento na sa kanyang kinalalagyan (nasa itaas na siya bakit pa lilipat pababa goegraphically speaking) madali na siyang makakukuha ng toursit visa. Ang laki laki yata ng kita ng Nurse sa N. America daang libo o halos kalahating milyon sa pilipinas kung talagang kayod kalabaw. Hindi na rin siya mahihirapang kumuha ng visa sapagkat batbat na ng visa sa iba't ibang bansa passport niya, Mamimili na lang siya ng pupuntahang bahay ng kaibigan niya dito pero sigurado ako sa "bespren" niya muna siya tutuloy. Hindi ko na rin siya pwedeng ihanap ng MMMM kasi baka magalit sa akin si Superman.
Kung may iba pa kayong katanungan tungkol sa NZ migration at pagpasyal dito heto ang website (tunay na 'to hindi na biruan, dis is true no longer a joke.) www.immigration.govt.nz . Maganda yong website user friendly and maraming kayong malalaman. Kinopy paste ko rin yong sa skill shortage lists para malaman ninyo ang mga kailangan skill dito sa New Zealand. Goodluck sa mga fren ko at kapwa pinoy na nagbabalak mag-migrate dito.
Skills shortage lists amended
Monday, July 04, 2005
The Long Term Skill Shortage List and the Immediate Skill Shortage List have been amended. These changes take effect from 4 July 2005.
Long Term Skill Shortage List (formerly the Priority Occupations List)
Added
Specialist Physician – Palliative Care
Qualification and/or registration requirements amended
Electronics occupations
Horticultural occupations
Secondary teachers
Veterinarian
Change of description
Medical social workers and community social workers will appear as social workers.
For more information see the printable Long Term Skill Shortage List (NZIS 1093, pdf).
Immediate Skill Shortage List (formerly the Occupational Shortage List)
Added to all regions
Architect
Asphalt, concrete, chip sealing and road pavement worker
Automotive Technicians
Bricklayer
Dental Therapist
Dispensing Optician
Farm Manager (Pork Industry)
Optometrist
Roading Machine Operator
Senior Stockperson
Stock/Herd Manager (Pork Industry)
Amendments and additions to regions
Biochemistry Technician/Life Science Technician (removed from the Auckland region)
Bulb Horticulturalist removed from the Otago region
Dentists
Hydrographic Engineer (extended to all regions)
Jockey (added to the Auckland region)
Furniture Machinist (formerly Wood Machinist)
Medical Photographer (Health Services) be added to the Auckland region
Power Systems Engineer added to two more regions
Qualifications amended
Crop Foreman
Orchard Foreman
Pig Farm Manager
Removed
Early Childhood Education Teachers (now on the LTSSL)
Pharmacist (now on the LTSSL)
Primary School Teacher
Amendment to qualifications, experience, skill levels required, and/or registration requirements
Farm Manager (Dairy, Sheep/Arable, Beef)
Hydrographic Engineer
Furniture Machinist (formerly Wood Machinist)
Sewing Machine Technician
Shearers
Ski and Snowboard Technicians
Traffic Planner
Senior Travel Consultants
Change of title
Wood Machinist now appears as Furniture Machinist
For more information see the online Immediate Skill Shortage List.
Page Last Updated: 03 Jul 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
Wow....ok ito ka Atoy!!!
pramis mo yan, hanap mo ako ng MMMM, anong 20%, tig 50% na tayo. hating kapatid na...tapos saka na tayo sabak sa mga sports...
hahaha... madali lng pong malaman kung me sakit ang hayop...kase kapagnakakapagsalita sya, ibig sabihin abnormal na hayop..may sakit... ;)
hihiii.. si pareng edmund talaga ang bilis makalimut, nagign guest nya ko nun 50 years celebration nya wiht mt everest eh! ahahha... uu nakasama ko sya bago ang anniv nya, karangalan ko syang nakasama sa mt maculot. nakow yun pix namin na virus ata hehhe. hanpin kong maigi sa baul
Mmy Lei, Ginto ang iyong puso. Pero papirmahan kita sa kontrata promis ha 50% walang lokohan sumpa man peksman and cross ur heart.
DB,
Medyo napapadalas lang ako sa ka chat ung mga YL na nakawebcam at nagpopose hayaan mo papasyalan ko na ung sa NZ ano bang trip mo biyuda o old maid?
oo nga ano bakit di ko kaagad naisip yon
nao,
all is well
deng,
Matatarik dine ang bundok. Ingat ka at baka ikaw ay mayakir, harhar na ang iyung tuhor, walang kang kabubuhay pag ikay ay nahulog ay dalawang beses na taas ng Mt Apo kaya mo ga yan?
Ok na ok ang job offer mo, Ka Atoy!
Teka, may "ka" rin ba nick mo? Parang mga NPA ha, papalit din ako ng alyas, Ka Poge, heheheh.
Bakit di mo kaya seryosohin yang business na yan, tiyak, dami mong kliyente. Pwede rin pala akong bouncer sa strip club, heehehe
tanggerz,
may bouncer, recruiter at taga tikim at testing wala pa. baka naman pwede ka ring kuyograper yong taga-turo ng sayaw.
KaDyo,
"Don" Atoy magagandang pakinggan parang Mafiosi. Bagay na bagay sa negosyo nating hweteng, strip club at illegal recruitment.
Post a Comment