8.29.2005



All Blacks, yan ang tawag sa National Team ng New Zealand sa Rugby, ang pinakapaboritong team game dito. Lahat sila ay nakasuot ng unipormeng itim na tunay na kagilalas lalo na pag sila ay humarap na sa kanilang katunggali at inumpisahan na nila ang kanilang "HAKA." Haka is an energetic and aggressive dance with rhythmical chants of defiance, accompanied by stylised movements of hands and feet. Ito ay ginagawa ng buong pangkat na pinamumunuan ng kanilang isang kasamahan usually of Maori descent, working in unison. Parang isang tribong handang lumusob pumatay at mamatay para sa kanilang ipinaglalaban, isang war chant na madalas ay gumugulat sa kanilang mga kalaban at nagsisilbing stimulant sa mga player upang ibigay ng husto ang kanilang effort para manalo at magtagumpay ang Team nilang minamahal. Isang napakalaking honor sa isang Kiwi ang mapabilang sa legendary at hinahangaan hindi lamang sa NZ kundi sa buong rugby world na Team All Blacks. Heto ang kanilang chant sa Maori at ang translation sa English. Pansinin ninyo ang pagkakahawig ng ibang salita sa dialect ng Pilipinas. Tulad ng Kamate na kung sa Pilipino kamatayan, Ra kung sa atin ay aRAw, Puru sa atin gaya rin sa kanila na puro, Puru Huru puro buhok. Hindi ito nakakapagtataka kasi kabilang sa Malayo Polynesian ang kanilang salita gaya rin sa atin. At ang isa pa bago nakarating ang mga ninuno ng Maori sa New Zealand dumaan sila sa Pilipinas kaya masasabi natin na ang mga kaunaunahang tao sa NZ ay mga kalahi din natin.

Leader KA MATE! KA MATE! We're going to die! We're going to die! Chorus KA ORA, KA ORA! We're going to live! We're going to live!Leader KA MATE! KA MATE! We're going to die! We're going to die! Chorus KA ORA, KA ORA! We're going to live! We're going to live! TENEI TE TANGATA PU'RU-HURU This is the man, so hairy NA'A NEI TIKI MAI WHAKA-WHITI TE ... who fetched, and made shine the ... RA! HUPANE! KA-UPANE! sun! Upward step! Another ... ! A HUPANE! KA-UPANE! An upward step! Another... ! WHITI TE RA! The sun shines! HI !

Kahit aapat na milyon ang mga Kiwis sila ay World Class pagdating sa sports na kanilang kinahihiligan. Ang All Blacks madalas ay llmado sa rugby world championship, Sa netball isang larong may hawig sa basketball World champion ang Silver Fern, ang babaeng netball team ng NZ, kahit sa softball ang Black Sox ang mens team ng Nz ay world champion. Maging sa individual sports mayroon din silang mga sporting hero tulad ni Michael Campbell na tinalo sa golf si Tiger Woods para sa 2005 U.S. Open, si Hamish Carter at Bevan Doherty na 1 and 2 sa Olympic triathlon sa Greece at maging ang kanilang yachting team ay dati rin siyang may hawak ng America's Cup ang pinaka prestigious na yachting event sa buong mundo.

Ano ang gusto kong iparating sa artikulo kong ito pansinin ninyo ang pangkat ng All Blacks. Bagamat sila ay galing sa iba't ibang lahi may Samoan, may Fijian, Pacific Islander, Maoris Pakeha(tawag ng mga Maori sa puting Kiwi) sila ay nagkakaisa para sa kapakanan ng kanilang bansang kinabibilangan. Ito ang sikreto ng kanilang tagumpay pagkakaisa at paniniwala, pagtiwala sa kanilang kasamahan. Ang Rugby ay isang larong napakakritikal ng team effort ang mali ng isa ay nadadama ng lahat. Sana gaya ng All Blacks ang mga mamamayan natin kahit ano pa mang ang kanilang pinangalingan ay magkaisa at magtulungan para sa ikauunlad ng ating bansa. Hindi na natin kailangan pang mag HAKA damhin na lang natin at isapuso ang ating Pambansang Awit, sapagkat wala ng kantang mas bubuhay sa ating damdaming Pilipino kung ito ay iyong maririnig at makikita mong itinataas sa tagdan ang ating watawat. Sana mapatunayan niyo na si Atoy aka Goyong ay mali sa kanyang prediksyon sa komento niya sa kanyang katukayo at kainin niya ang kanyang salita. Sana hindi na tumawa si Atoy ng may panlilibak pag sinabing ikinararangal ko ang maging Pilipino. Sana mapahiya si Atoy sapagkat kaya pala nating mga pilipinong magkaisa at kalimutan ang sarili para sa kapakanan ng bayan.

1 comment:

Tanggero said...

Lagi silang nandito sa Sg for the Mild 7 championship. Nakita ko sila sa praktis, anlalakeeeeee