8.28.2005



Mabuhay!!! Team Pilipinas!!!
(Comment ko ito sa article ng aking dating katukayong si Goryo4u tungkol sa pagkakapanalo ng RP Basketball team sa Brunei. Masaya ako sa panalo ng ating team sa basketball tulad din ng milyon-milyon nating kababayan na panatiko sa exciting na larong ito, ngunit nalulungkot din ako na kahit ipinakita na ng ating manlalaro ang kanilang galing, kakayahan at kabayanihan para sa karangalan ng bansa wala pa rin silang kasiguraduhan na they will wear the Philippine Colors sa darating na FIBA championship sa Doha dahil sa politika, paistaran, pasikatan, patigasan, di pagbibigayan, di pagkakasundo ng mga opisyales ng BAP, POC sa ating bansa. Abot kamay na natin ang pagkakataon upang mapatunayan na muli natin sa buong Asya ang ating husay at galing kahit man lamang sa larangan ng basketball ngunit nagsisilbing hadlang ang self interest ng mga sakim at hunghang na namumuno ng sports na ito, isang repleksyon ng nagaganap sa buong bansa na dahil sa ilang tao na inuuna ang sarili napapasakripisyo ang kabutihan ng nakakarami. Kailan kaya sila magigising? Kailan tayo magigising?)

1 Comments:
atoy said...
Yehey Mabuhay ang Pilipinas! Kaya lang bakakang inang mga opisyales na yan ng basketball sa atin puro mga *@%*!#***!! Palibhasa mga tuta at mana sa kanilang among politiko. Puro politikahan, paistaran, pataasan ng ihi, papogihan, mga anak kayo ng tupa...kulang ang ispasyo mo rito pag ilalabas ko galit ko sa mga taong nagpapatakbo ng basketball at sa gobyerno ng ating bansa. Kaya hindi tayo makakasali doon sa FIBA regional championship kahit may malaki tayong tsansa dahil sa ipinakita ng ating RP team diyan sa Brunei ay dahil sa kapeng inang politikang iyan na naman. Hindi magkaisa-isa lahat gustong maging bida sila ang hari o sikat o namumuno. Mga sugapa sa kapangyarihan at katungkulan. Nanginginig ang mga laman pag hindi sila ang nakaupo. Mabasketball, mapolitika, kahit yata saan sakit nating mga Pilipino ang ingitan at crab mentality, kung hindi ako umangat, sumikat at lider sama-sama na lang tayo sa baba. Dito man sa blogging world ganyan din ang nangyayari,papogihan, pag hindi mo ako pinasyalan hindi kita papasyalan, pangkat-pangkat, kampi-kampihan although marami rin namang level headed at tunay na kaibigan. Una kong pasok dito puno ako ng ideyalismo pero ngayon nakalapat na ang paa ko sa lupa. Papitik-pitik na lang tayo at hindi na umaasa sa impossible. Sa obserbasyon ko pag ganito ng ganito nakakalunos mang isipin wala ng pag-asa pang umangat ang ating bansa. Kahit ako guilty rin sa pamomolitika kaya nga iniwanan ko na ang pangalan ko sapagkat I cannot live with the ideals na unang nagdrive sa akin sa blogging world.Compromise, broken promises, , tampo sa mga akala ko ay mga tunay na kaibigan, disappointment kasi kung kailan ko kailangan ang kanilang suporta sa panahong ng kalungkutan saka sila nawala, kaplastikan sapagkat ayaw kong may magalit sa akin and I would like to please everybody, nakalimutan ko ang magpakatotoo. Hangad ko dati sanang magkaisa-isa ang mga blogger at magamit natin sa positibong pamamaraan ang hobby nating kinawiwilihan para sa kapakanan ng ating bayan at mga mamamayan sinubukan ko pero bigo ako. Ang Goyong kasi hinango ko sa paborito kong bayaning Pilipino na si Heneral Gregorio Del Pilar ayaw ko ng dungisan ang kanyang pangalan sapagkat hindi ako karapatdapat sa kanyang kadakilaan. Sana Goryo mali ako at mas masaya akong kung mapapatunayan na mali ang aking obserbasyon sa ting mga Pilipino at sa nagaganap at magaganap sa ating bansa at isa akong bulaang propeta. Sana kagaya ng panalo ng RP Basketball team diyan sa inyo na nakasabay ng pagdiriwang natin ng "National Heroes Day" magising ang mga kabayanihang natutulog sa ating damdamin at kaisipan at magkaisa na tayo, magtulungan at kalimutan ang sarili para sa kapakanan at kaunlaran ng ating bayan. Sa ngayon tatawanan ko na lamang na may kasamang panlilibak ang mga taong nagsasagbing ikinararangal na sila ay maging Pilipino pero taliwas ang kanilang ginagawa, pati sarili ko. Ako si Atoy ikinararangal kong maging Pilipino...hek,hek,hek,hek.
August 29, 2005 5:37 AM

3 comments:

RAV Jr said...

hehehe... gandang gabi po...

ako'y na-entertain ng husto sa mga sibai mo Mang atoy, kaya lang...eh ganon din po, kahit atoy na pangalan mo, Si Mang Goyong pa din ang lumalabas... hehehe...

nalito uloy ako kung sino na to... kug si Atoyong o si Yongatoy...hahaha...

Tigasin! Tigasin! Tigasin! rah rah rah...9chant ng maka-goyong...) hahahha...

oppps... bka somobra po ako, pasensya na po, nadala , hek hek hek....

RAY said...

Dops.
Ako ay si Ato Ang. Nagtatago lang sa identity kasi may kaso ako kasama ni Erap.
Alam ko na di ninyo magugustuhan nilagay ko dito sa article ko kaya lang yan ang totoo. Mas magaling na ang sinasabi ko ang sinasaloob ko kasi kimkimin ko sa loob ko.

RAY said...

Goryo4u,
Sana nga maayos na ang hidwaang iyan sa POC at BAP. Bakit ba hindi mawala-wala yang sobrang pamumulitika sa ating bansa. Bakit ba hindi magkaisa para sa kabutihan ng bansa. Huwag ng pairalin yang pride at ego mag-uusap-usap sila. Lahat namang bagay kung kalilimutan ang sarili mga hinaing at hidwaan mabibigyan ng solusyon kung mag-didialogue at mag-uunawaan. Huwag ng mag patigasan (hayan na naman yang salitang yan, bakit ba usong uso yan) magkaisa para sa bayan upang maibalik natin ang karangalan ng Pilipino hindi lamang sa larangan ng Basketball kundi sa paningin ng mundo.