Bakit nga kaya tayong mga pilipino kinakailangang pang lisanin ang ating sariling bayan, mag-tiis ng kalungkutan, malayo sa bayang minahal at kinagisnan, sa mga minamahal na magulang kapatid at kaibigan upang kumita ng sapat para sa ikakabubuhay ng ating sarili at mahal sa buhay. Sa mga MIGRANTENG PINOY mabuhay kayo! at sana ay tatagan ninyo ang inyong loob matutong magtiis sa hirap at kalungkutang binabata sapagkat sa balikat natin nakasalalay ang kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay. Tunay kayong mga bayani sapagkat hindi niyo inaalintana ang dusa at sakit, kinakalimutan ang sarili handang pumawis kahit dugo maibigay lamang ang kaginhawan sa anak, asawa, magulang ,kapatid, kamaganakang ginigiliw.
Ang kuwento ng buhay ko nitong mga nakakalipas na panahon ay maaring hindi isang tipikal na kuwento ng isang Migranteng Pilipino. Ngunit naniniwala akong kapupulutan ninyo ng mga aral at patnubay na maaring makatulong sa inyo na nasa ibang bansa o bumabalak pang umalis ng ating bansa. Masakit man sa karamihan sa ating gawin ito tayo ay napipipilitan dahil sa kadahilang hindi natin maiwasan. Pag kumakalam ang sikmura at tiyan gusto man ng puso ay walang magawa sapagkat walang lakas ang buong katawan. Hiling ko lamang sana kung dumating na busog na ang ating tiyan at may nakaimbak na tayo para sa kinabukasan, balikan natin at tulungan at lugal kung saan puso natin ay iniwanan.
Taong 1995 may pagkakataon na kaming tumungo dito sa New Zealand. Pinadalhan na kami ng aking bayaw ng sponsorship form mula sa "The Filipino Society Inc." Noon kasi pwede sponsor ka ng Community ng bansa mong panggagalingan. Napakadali pa noon ito siguro ang time na nagmigrate din si KU dahil ten years ago na ito. Pero pinalampas namin ang pagkakataon na ito sapagkat ayaw naming mag-asawang mangibang bansa sapagkat mas gusto namin ang mamuhay sa bayan natin. Dadalawa pa noon ang aming anak at buntis noon si mrs. sa aming bunso. Sabi pa nga ng bayaw namin maganda kung doon na mangangak si mrs. para automatic na kiwi kaagad ang bata at walang gastos sa panganganak at may tulong sa pag-aalaga ng bata. Tuloy ang buhay namin sa Pilipinas si Mrs. nagtatgrabaho sa P.N.B., isa siyang C.P.A. ako naman may mga bukid at hayop at nag-aahente ng lupa na inaasikaso. Madali noong kumita ng pera buhay na buhay pa noon ang realty pati piggery.
1997. Namatay ang aking anak sa sakit na dito lamang sa tropikal na bansa mayroon na dala ng lamok. Dengue. Traumatic. Gulo ang aming isipan. Pinagresign ko si Mrs. sa trabaho. Ingat na ingat kami sa mga anak namin na halos mabuwang kami sa paglalagay ng mga mosquito repellent, halos ayaw na naming palabasin ang mga bata sa bahay naming kon todo screen, konting pagkakasakit ng mga bata alang-alala kami. Dito muling nabuhay ang pag-aadmonish sa amin ng mga kapatid ni mrs. na mag-abroad. Ang pag-iwas sa sakit na dengue, ang kalusugan ng mga bata ang isang napakalaking dahilan kung bakit kinonsider na rin namin ang pagtungo sa abroad. Tinamaan pa nga ang Pilipinas at buong Asya ng Financial Crisis biglang nawala ang mga investor na dayuhan na namimili ng mga rawlands. Biglang taas ng palitan ng dolyar sa piso. Humihirap ang buhay. Kinakailangang isalang-alang ang kinabukasan ng mga bata.
Dahil sa may mga lupa akong inaasikaso sa Pilipinas, ang mrs. ko at ang mga bata na lang ang pinag-aaply ko ng residency sa New Zealand. Medyo matagal-tagal na rin ang proseso kumpara sampung taon na ang nakakaraan . Sa Hongkong ang application noon, pero hindi katulad ngayon na kinakailangang mong magpakita ng personal sa Thailand para sa interview okey na ang email at slow mail na communication. Pinadala din ni mrs. ang kanyang mga original na diploma, transcript sa NZQA for assesment. Ang isang dapat pakatandaan ng nag-aaply ingatan ninyo lahat na dokumento ninyo, pati lahat na form ninyo ng communication sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ito ninyo kakailanganin. Nararapat lahat na ipinadadala ninyo xinexerox ninyo. Masyadong istrikto sa dokumento ang New Zealand Immigration sa mga bansang kagaya natin sapagkat alam nila na dito uso ang mga pekeng diploma, transcript, pati marriage certificate pinadadala mo sa kanila ang original o sa case ng mga marriage at birth certificate yong galing sa n.s.o. Kulang-kulang isang taon natanggap na nila ang residency at ako ay hindi kasama sa application sapagkat ako ay mag-papaiwan o bibisitahin ko na lamang sila para maasikaso ko ang aming ari-arian dito sa Pilipinas. ito ang napakalaki kong pagkakamali sapagkat ang kanila palang mga immigration policy ay pabago-bago kaya noong maisipan kong bibisitahin sila sapagkat miss na miss ko na sila at gusto kong makasama ang aking pamilya kung ano anong requisite at documents ang hiningi sa akin kaya nga dito ako naging sagana sa karanasan sa pag-aaply (dahil yong application ng mrs. ko siya ang mga lumakad ng papel at pakikipagugnayan sa immigration.) Napakatamad ko pa namang maglalakad ng mga papel at yong magpamedical. In the course of my acquiring the visas in my passport I have to undergo 3 medicals and every visas have a corresponding fee aside from submitting again papers and documents (paper works, kaya nga ayaw kong maging clerk, basurero pwede pa). Kaya sa mga nagbabalak mag-apply ng visa ang payo ko. alamin ninyo na talaga kung ano ang purpose ninyo ng pag-aaply, kung gusto ninyong mag-residency residency visa na kaagad ang iaaply ninyo at ng wag na kayong paikot-ikot pa. kung visitor visa kayo dito nil ang chance ninyo sa employment. kung mabibigyan kayo ng work permit or visa na magagamit ninyo sa residency mas ok kaysa gumastos kayo na tourist visa kung ang habol ninyo ay makapagtrabaho dito at magwork to residency. Mas madaling mahuli dito ang nagtatrabaho ng walang kaukulang permiso (maliban na siguro kung doon kayo pupunta sa mga kabukiran, pero magpagayunpaman recently may nabasa akong nadeport kasi nagtatrabaho sa plantation na walang tamang visa) kasi maliit lang ang populasyon ng New Zealand. Payong kaibigan bago ninyo bitawan ang salaping pinaghirapan inyo munang pag-isipan, huwag manalig sa bulung-bulungan sapagkat panahon na ngayon ng makabagong kaalaman, nasa daliri na lamang ninyo ang mga inpormasyong gusto niyong malaman, sa computer na nasa inyong harapan. research niyo ng husay kanilang polisiya mahirap na ang bahala na diyan maraming nadidisgrasya. Gaya nga ng pinost kong message doon sa pinoy2nz sa yahoo(kapuri-puri at may mga samahang ganito na tumutulong sa kapwa para magbigay inpormasyon para sa kabutihan ng nakakarami) kung sino mang may visa na lehitimong pwedeng magtrabaho na dito at walang mapasukan may mga bakante dito sa mga hotel na baka pwede nilang pag-aaplyan, cook, mga room attendant, receptionist hindi kataasang posisyon tama lang na pag-umpisahan para sa mga baguhan na naghahangad ng working experience sa New Zealand. Hayan pa pala ang gusto kong ipaalaala hindi gaanong kadaling makapasok kayo sa kurso at trabaho niyong nakagawian maraming halimbawa dito tulad na lang ng bayaw ko at hipag na parehong civil engineer at mahigit na silang 10 taon dito. kung sa talino rin lang at scholastic record at experience I can vouch for them kasi hawak ko ang files nila kasi sama-sama kami sa isang kompanya sa bayan namin at ako ay nasa personnel department. Hindi nila nagagamit kanilang tinapos bagkus sila ay nasa casino, tulad din ng kapatid ni mareng leiny na dentista pero sa casino rin nagtatrabaho. Huwag ninyong pakataasan ang inyong expectation at ng hindi kayo madisappoint, habang wala pagtiyagaan muna kung ano ang available at kung hindi kontento sa napasukan ituloy ang paghahanap sa hinahangad na mapapasukan.
(Sponsorship form noong una, kahit wala kang kasamahan at inisponsor ka ng community ng Pinoy dagdag points na rin ito sa application mo noong madalang pa ang nag-aaply na pinoy immigrant sa New Zealand.)
18 comments:
sana sa wet pu ka na lang nagpakuha ng dugo...baka tanggihan ka na sa medical, hehehe.
swerte talaga ang mga naunang nag-apply dahil maluwag pa noon ang policies nila. Saan naman kaya ang susunod na bansang dadagsain ng Pinoy?
tanggerz,
nang sunduin ko sa airport hipag ko may nakausap akong taga ireland na working holiday dito at nasabi niya sa aking marami na ring pinoy doon particularly nursed. Noong nagtake nga ako ng ielts sa makati noong isang taon (may 3 kasi ako sa English lit. dahil sa bwaking inang professor kong bakla)ilan ang kasabay kong sa ireland pupunta.
Heneral, kaw pala yong nagpaiyak sa akin noon. lungkot2 ko doon sa post na yon. boiling point ang BP ko sa mga taong ganoon. buti na lang nakakapagpatawa ka na ngayon. i salute you Sir!
Hi Atoy,
Makulay pala ang istorya ng buhay mo. Nakakalungkot yung nangyari sa anak mo. Nakapag-farming ka ba dyan sa NZ? Yung kasing bro-in-law ko yun ang pangarap na gawin dyan sa NZ.
Thanks
Fafa Atoy, salamat sa pagbabahagi nyo ng buhay nyo. Totoong di madali ang buhay sa malayong lugar o sa ibang bansa, lalot wala nga nag pamilya. Lahat ng sakripisyo ay ginagawa upang magkaroon lamang ng mabuting buhay ang pamilya. Akoy nakakaintindi pagkat ako man ay napalayo din sa pamilya. kamakailan nga lamang ay nagkaroon ako ng attack ng homesickness at depression na talaga namng napakahirap, masakit at magulo sa isipan, Buti na lamnag merong mga kaibigan na nagtitiyagang tumulong, mapa-email, blog at tawag sa telepono. Sabi nga minsan ng teaher ko na nakaranas din ng pagtatrabaho sa ibang bansa, sabi nyang gumagastos sya ng malaking pera pra lng makatawag o marinig ang tinig ng knayang pamilya...just to keep her sanity...ika nga nya. Ito nga ay totoo. Sana nga, kung sakalaing ang mga kababayan natin ay magdesisyon na lumabas ng bansa, maging maingat din sa kanilang desisiyon, alamin kung ano ang mas binibigyan nila ng pagpapahalaga, at maging matalino sa paggamit ng kanilang mga ipon lalo na sa mga pag-aapply.
Ka Atoy,
Ganda!, at very informative ng ibinahagi mong karanasan...
Natuto na-touched at nalibang ako...
God Bless...
--jun--
one of our major reasons for migrating is the health of our kids... my hubby and son both has asthma, nakaka-awa sila pag inaatake... nung
mag migrate na kami, katakot takot na "prescirption medicines" ang dala namin, umabot ng mga PHP 7,000+... alam mo ni isa sa mga gamot na yon ay di man lang nagamit. nawala ang asthma ng mag ama ko dahil sa sobrang linis dito.
migrating is really for the future and health of our kids.
neneng,
alam mo neng perplexed ba o taka pa rin ako sa u. iniisip ko lurker ka ba dati o nagmetamorphosis ka rin gaya ko. dami mo kasing alam para sa bagong blogger. pati germany di nagrereflect sa neo counter. gumagamit ka ba ng superanonymous? k lang basta mahalaga tayo ay nagkakaniig at nagkakakuwentuhan gaya ng kanta ni rey valera. mahal kita, maging sino ka man....mahal kita pagkat mahal kita, iniisip nila ay hindi mahalaga, mahal kita maging sino ka man.
jinkee,
lahat naman siguro tayo may kuwento ng lungkot at saya sa ating buhay. mahalaga sa bawat pagkakadapa matutong bumangon at sa bawat saya matutong magpasalamat sa Dakilang lumikha. Di ako nagfafarming dito. pero ang mga nagtatrabaho dito sa farm ok rin ang kita. yong iba $18/ hr libre kain at tirahan. Mahigit 700 pesos per hour
KaDyo,
tama ka jan fafa. kung ang bansa nga lang natin ay di nagkawindang-windang ang dirkesyon aalis pa kaya tayong mga pinoy dito. walang sasarap manirahan at wala tayong tunay na inang bayan at tahanan ng atilng lahi kungdi ang bansang Pilipinas
Repaks,
tantalizing eyes naman ngayon gimik ng pics mo. buti na lang at di ka nakatitig kodak baka maging duling. naiimagine ko ang lungkot mo lalo't nagiisa ka diyan sa lupain ng mga sakang. kaya wag magsayang ng yen magipon at kung ayaw ng bumalik diyan may perang paguumpisahan ng negosyong naiisipan o gastusin sa ibang bansang nais puntahan. ingatan lang ang yaman kasi yan ay yong pinaghirapan at sabi mo nga ay pesteng yawa muntik ka ng maging buwang (depress at lungkot buti na lang di ka muling pumatol sa bayot, He, he, he. papahatud kawat ka ba sa inyong balay.cebuano yan. di na uso email na lang.pagtudlo aron makakawarta ka pagbalik mo uli sa atin.
flexj,
thank you bro for dropping by. amen.
jo,
siguro nga dahil dati sa binondo kayo. polluted talaga hangin sa manila. yong tiyo ko nga diyan sa canada rin nawala ang asthma. takot na takot at baka raw atakihin diyan dahil malamig pero in reverse gumaling siya.
Oks basahin.... alam mong galing sa puso ang mga nilalaman ng pagsulat. Kaya siguro nakaligtaan lagyan ng paragraphs at konting espasyo.
im sorry for your late kid! anyway, im sure mas ok na kayo jan sa NZ. And it can only get better from here.
salamat sa kwento and sa mga pointers.
s.a.,
sininigit ko lang pagsusulat niyan kasi may iba akong ginagawa gusto ko lang makatulong sa mga kababayang naghahangad o nagbabalak pumunta rito.
owen fv,
uso yata uli dengue diyan sg. ingat. ok naman dito sa nz walang lamok.
dude, nagtatago lang po kay Bumbay kaya pumasok sa KGB!
i love you fafa! Ay, baka magselos si kaDyo pukpukin ako ng bakya, size 11 panaman siya...
neneng,
size 11 baka kasama yong patay na kukong sobrang habang hindi maputol. malaki bang tao si fafa o paa lang siya ng mag-aararo.
Post a Comment