9.27.2006

IMAGES FROM MY HOMETOWN

ANG BULKAN AT LAWA NG TAAL.
ANG KATEDRAL NG LIPA
ANG SIMBAHAN NG CARMEL, SHRINE PARA SA OUR LADY OF MEDIATRIX

ANG KABUNDUKAN NG MALARAYAT

There is no place like home. Maganda man ang Queenstown hindi ko pa rin ipagpapalit ang bayan kong sinilangan. Lipa, marilag na bayan, sa pusod ng Batangan. Bayan na biniyayaan ng Poong Maykapal ng kaaya-ayang kagandahan, Lawa ng Taal sa kanyang paanan, at ang matayog na Kabundukan ng Malarayat sa kanyang ulunan, lupang mataba, at klimang mapanghalina na anumang uri ng halaman at hayop ay maari niyang kalingain.
Hindi kataka-taka na dahil sa taglay niyang katangian, maraming tagahanga na siya ay mabihag. Napakaraming tao hindi lamang sa Batangas ang sa kanya ay nagnais manirahan, kungdi maging sa malalayo mang lugal. Isa na siya ngayong First Class City, at sentro ng kalakalan, industriya at ng edukasyon at maging ng kultura, hindi lamang ng kanognog bayan, kundi maging ng rehiyong kanyang kinabibilangan.
Maaring ang mga bata ko ay dito na sa ibang lugal manirahan, magkapamilya ngunit alam kong pag dumating na ang araw at sila ay kaya ng tumayo at manindigan sa sariling mga paa, lumipad sa lakas ng kanilang bagwis, muli akong babalik sa bayan kong sinisinta, upang sa aking pagtanda sa kanyang lilim ako hihimlay at magpapahinga. Tulad ng isang anak na bumabalik sa kanyang ina puno ng pagkasabik at pagnanasa iaalay nalalabing talino at lakas sa unang nag-aruga at nagmalasakit sa kanya. Lipa, bayan kong sinasamba kaylanman di kita makalimutan, lalagi ka sa aking isipan, kay layo man ng lakbayan, sa yong daan pa rin dadako aking hantungan.


Miss You by MYMP

5 comments:

JO said...

yup, there's no place like home!

Anonymous said...

wow! ang ganda pala ng lugar nyo fafi, pede mag bakasyon dun tas senyo kami titira hehhehe

KC MEDIA said...

Wow! I surfed in from vicks events...ang ganda ng blog layout ninyo! Will be a regular lurker on this site, I guess. Greetings from Vancouver.

Anonymous said...

Madalas din namin pag-usapan ni KD, saan man kami mapunta someday eh sa pinas pa rin namin gusto mag stay sa pagtanda namin.

Happy weekend!

Anonymous said...

Happy weekend fafitoy! update kana!