9.17.2006
MGA BAGONG BREED NG PINOY HEROES
Kung titingnan ninyo sila, hindi ninyo iisipin na kadugo natin sila. Pero sila ay may mga dugong Pinoy. Bagamat sila ay ipinanganak sa ibang bansa at isa sa magulang nila ay dugong dayuhan, nanalaytay sa kanilang mga ugat ang dugong dumadaloy sa ating mga katawan, dugong kayumanggi.
Si Dave "The Animal" Batista, Bautista ang tunay niyang apelyido, Pilipino ang kanyang ama, at griyego kanyang ina. Dati siyang champion ng WWE, sa loob ng siyam na buwan, pinakamatagal ang kanyang pagkakahawak sa titulo sa kasaysayan ng WWE professional wrestling. 6 feet five inches siya tumitimbang ng 290 lbs at nakatatoo sa kanyang balat ang isang watawat ng Pilipinas. Isa siyang tunay na superstar sa mundo ng wrestling at Smackdown. http://www.wwe.com/superstars/smackdown/batista/
Si Brandon "The Truth" Vera, isang undefeated heavyweight fighter sa UFC o Ultimate Fighting Championship, isang uri ng sport na mas matindi pa sa boxing, mixed martial arts na kung saan pwede mong gamitin ang iyong mga kamay, paa at tuhod para talunin ang kalaban. Ang ina niya ay pinay at italyano ang kanyang ama interview sa kanya ng Studio 23 mahusay siyang gumamit ng wikang pambansa. Siya ay may taas na 6 feet 2 inches at tumitimbang ng 225 lbs may record siyang 7 panalo, walang talo at sa 7 niyang panalo 6 sa kalaban ang knockout. http://www.brandonvera.com/
Si Craig Wing, isang rugby player, ang pinakasikat na team sport dito "Down Under". Position niya ay hooker, at naging member na rin siya ng Australian National Team para sa World Rugby League. Itinuturing siyang isa sa most eligible bachelor at napakarami niyang female fans dahil sa kanyang galing at hitsura. Ang ina niya ay pilipina at australian tatay niya. Nang gumawa ang isang tv station sa Australia ng feature para sa kanya, tumungo sila sa Pilipinas upang kumuha ng mga features doon at kung saan taas noong ipinamaglaki ni Craig ang kanyang Pinoy Ancestry. http://groups.msn.com/CraigWing/home.htm
Mga Pinoy sa sports at sports entertainment na kinakailangan ang lakas, tapang at husay. They compete with the best of the world. Puhunan nila ay pawis, dugo at maging kanilang buhay ay kanilang isinusugal. Hinahangaan hindi lamang sa bayan nilang sinilangan kundi maging ng buong mundo.Mga dugong pinoy. Pinoy Heroes.
Pinoy Ako by Orange & Lemons
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Thanks for sharing this Mang Atoy, now ko lang nalaman na mga dugong pinoy pala sila.
Have a great week ahead!
si Vera pinoy! kakagulat ah, gustong gusto ko sya sa UFC...
go pinoy!
cuteness!
Post a Comment