9.09.2006
LIHAM (E-Mail)
Ang E- mail na ito mula sa mga iskwela ko noong elementary. Kabilang sila sa St. Jude Class under the advisory of Mrs. Lescano. Sa Grade Five class ko sila ang pinakamahusay na set para sa akin kahit hindi sila cream section. Maganda ang discussion namin. Buhay na buhay.
Sa tulong ng internet muli kaming nagkaugnay-ugnay.Nakakatuwang malaman na marami sa kanila ay mga magaganda na rin ang buhay, may pamilya at yong mga pinunla kong aral sa kanilang mga batang isipan ay taglay pa rin nila sa kanilang isipan. Kabilang sa grade five class na ito ang isa sa miyembro ng Parokya ni Edgar.
Sir Ray,
kumusta na ho kayo? Si G.M. po ito, sana ay tanda niyo pa ako. Paborito kong subject noon ang Social Studies/Araling Panlipunan dahil sa husay ninyo magturo nito. Naging interesting ang pag-aaral namin ng current events, history, values at iba pang mga bagay ukol sa Pilipinas dahil nagawa ninyong masaya ang pag-aaral nito. Di ko makakalimutan yung mga salawikain, debate at general info contests natin. Sayang Sir, malayo po ang Canada (*akala niya nasa Canada ako) para sa ating Reunion dine sa Lipa.
Buti na lang at may internet, kahit paano'y may communication ang batch '86. By the way po, dito kami ngayon nakatira sa may V R S. Same street ng bahay ng Tito T M. Nagkita kami ng Tito T sa Mayo Reunion last April 30.
B.S. Economics ho yung course ko ng college pero nalinya ako sa field ng Sales. Halos more than 3 sales jobs na ho pinasukan ko - Gillete, Feedmix, San Miguel Beer. Presently, connected po ako sa isang textbook company handling Batangas Area. Ang wife ko naman po ay guidance counselor sa D L S L C. Mahirap pa rin ho ang economic struggle dito sa Pinas. Grabe pa din ang corruption at politika, maski sa private firms, palakasan system pa din. Pinaplano na din po namin ng wife ko mag-apply ng overseas job. Baka within 3 years po.
Sige Sir Ray, ingat po kayo and best regards.
g
________________________________________________
sir,
nakalimutan ko ilagay kun sino ko sa last post ko... hahasi d s pala to, kamusta na sir ray! kun naaalala nyo pa, ako un bulinggit na malabo ang mata na mahilig mag drowing! actually kayo na lang ang teacher na natatandaan ko nun elementary aside from mrs tebangin hahaha... nakagraduate ako sa UP fine arts pero mejo sa pag ko-kombo kombo ako nagkaron ng career...naalala ko na na st sebastian nga pala ako... naalala ko nun nabasa ko post ni jenny=) nanghihinayang talaga ko na di ako nakapunta... sana maulit pa ulit=)
D.S.
_________________________________________________
Sir,
wala talaga akong masabi sa inyo! ang husay husay ng memory
ninyo. Talagang kayo ang ideal teacher dahil kilala ninyo ang bawat
isa sa amin at kayo pa ang nagpapa-alala sa amin ng mga bahagi ng
buhay namin nung kaliliitan pa at walang muwang. I've always looked
up to you as an Activist, a person with principles and a Nationalist.
I truly enjoy reading all the messages here. I'm sorry to say though
that I wasn't able to attend the reunion. I had to be in Manila that
day because of my participation in the Marian Exhibit at the EDSA
Shrine. I have a small religious shop in Robinson's Galleria aside
from keeping my regular job in a testing laboratory in Makati. Kaya
nga po, pasensya na sa mga classmates at talagang ngarag ngarag ako.
Hindi ko na nagawang sumilip nung reunion.
I am proud of all my batchmates and I am humbled by all your
achievements! Napakahusay at napaka-succesful ninyong lahat. I know
that nobody will disagree if I say that you, Sir Ray, are in one way
or another an influencing factor in the moulding of our ideals,too.
Kaya maraming salamat sa inyong paghuhubog sa amin. HInding hindi ko
makalimutan nung nagbakasyon before the Snap Elections. Sabi ninyo
nun(at tandang tanda ko ang mukha ninyo nun na kitang kita ang galit
at pag-aalala)- "HINDI NATIN ALAM KUNG MAGKIKITA-KITA PA TAYO
PAGKATAPOS NITO O SA BUNDOK NA TAYO MAGPAPANGITANG LAHAT."
Bihira na ang katulad ninyo na progresibo ang pag-iisip at nag-aalab
ang puso sa pagmamahal sa Inang Bayan at sa kapwa Pilipino. Nawa,
ang Batch '86 ay maging salamin din ng pagbabago at hindi
natatawarang prinsipyo sa aming mga sari-sariling piniling bokasyon.
At kay D S, well, well! I always remember you as my
classmate na naka-glasses ng makapal, tahimik, pangi-ngiti at
magaling mag-drowing ng VOLTES V ba yun? Tagal ko nang nakikisabay
sa saliw ng PAROKYA pero sa totoo lang, dito ko lang nalaman na ikaw
pala yung isa dun! Pinakagusto ko sa songs ninyo ang HALAGA, MANG
JOSE at syempre ang pinakawalang kupas na MR. SUWABE!
Salamat nga pala Sir Ray sa pag-accept ng invitation ko sa Friendster!
Mabuhay tayong lahat at pagpalain at palawigin pa nawa ng POong
Maykapal ang ating mga buhay!
L
Halaga by Parokya ni Edgar
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
naantig naman ako sa mga liham sayo ngayon ng mga estudyante mo noong araw kaka. It's like you're all in the kitchen. You prepare their healthy and wholesome meals. And the health begins with you.
Iilan na lang sa mga maestra ko noon ang natatandaan kong naging parang katulad mo. The way i am reading your student's letters (word per word) it's like you dug out a plot and planted a garden. Then the plants bloomed. You dried some flowers between the pages. And you see, sa paglipas ng napakahabang panahon, ang iyong ipinunla ay totoong yumabong. I am so impressed. Mabuhay ka sir RAY.
fafitoy pano kaya kung walang internet? hehhe
Di makapag email si GM sayo,
GM? gloria Macapagal ba yon?
Buti na lng nakasaglit ako dito...wow, ang galing ni MAng Atoy, hehe...
So, Ray pala pangalan nyo, hala..bistado, pero ok lng po, at least ngaun, mukhat pangalan na ang aming nakikita at mas lalong ako humanga sa inyong kabaitan, at pagkamatapang at maprinsipyo...
Tunay ngang, napakasarap na feeling yang mapagpasalamatan ng dati mong estudyante... when they said that you are one of those few people who made difference in their lives... napakasarap nga...
di mo po ba namimiss magturo uli? di ba pwedeng mag-apply ka jan sa NZ?
ingat po...
Dops
Ang sarap ng feeling kapag maraming magagandang bagay na naaalala ang mga naging bahagi ng buhay mo, dahil siguro naging mabuti kayo sa kanila. Kung hindi baka makita man nila sa internet name nyo eh dedma lang sila di ba?
Post a Comment