8.23.2005





Mmy-Lei * at sa mga "dating bago" kong frens na si KADYO at DARKBLAK dito ko kayo isasama sa kabundukan at magagandang lawa ng aming lugal. Kung saan puwede tayong mangisda at umakyat ng kabundukan o dili kaya ay maglakad sa kanyang luntiang kaparangan at walking trails. Kung minsan naiisip ko ano ba ang ginagawa ko dito sa harapin ng computer samantalang ang tunay na mundo ay abot lang sa aking tanaw. Habang tinitipa ko ang keyboard ng computer tanaw na tanaw ko dito ang napakaganda at napakalinis na lawa ng Wakatipu samantalang sa kabilang bahagi naman ay ang napakatayog na kabundukan ng Remarkables. Luntiang kalupaan, asul na karagatan, puting ulap sa kalangitan tunay na paraiso dito sa mundong ibabaw. Napakatahimik at maging ang hangin ay sariwa mga ibong naglilipadan at mga gumagala sa green na damo upang manginain katabi ng mga tupang pinapastol. Manghang-mangha nga ako sapagkat maging sa nakadahilig na talampas hindi sila nahuhulog sa bangin pababa ng lawa.
Sa lawa naman makikita mo paminsan-minsan mga boat na naglalayag ay iba ay upang mangisda at ang iba naman ay upang tanawin lang ang magagandang sceneries sa kapaligiran ng lawa, luntiang bundok with snowcapped peaks, view na untouched by human hands. Kahit winter ngayon dito hindi kagaya sa ibang lugal hindi masyadong nagniniyebe sa NewZealand kaya siguro hindi namamatay ang mga damo at maraming puno ang may dahon. Kung maganda current ng hangin marami ka ring makikitang makukulay na sailing vessel na umaalibot sa lake. Samantalang sa aming katimugan makikita mo nag makukulay na parachute at gliding equipment ng mga taong tumatalon mula sa mga eroplano upang magskydiving. Kung ang hilig mo ay nature at kapalibutang walang pollution, walang tao dito tayo sa aming lugal maghapon man at magdamag tayong maglaro at magiingay walang sisitang tao, lalakas pa ang ating mga buto huwag lang tatalon sa lawa at baka ikaw ay maging iladong bata sapagkat sobrang lamig nito. O mga frens ano pang hinihintay niyo sleepover na kayo dito sa amin o mas maganda camping na lang tayo sa grounds para talagang we are really close to and in the bosom of Mother Nature. Huwag kayong mag-alalala wala ditong ahas na gumagapang sapagkat walang ahas makamandag man o hindi sa New Zealand. Dumadaan lang dito kung minsan ang isang araw na wala kang makikitang ibang tao kung di kasambahay mo, yan siguro ang dahilan kung bakit naeenganyo akong magblogging dahil naghahanap ako ng "TAO." at mga "KABABAYAN" tunay na "KAIBIGAN" na pinanabikang makaugnayan at makasama at makalaro. Tara na camping na tayo.



*Mmy Lei ang mga tanawing yan ay tabing bahay namin maliban sa huli na kuha sa Fiordland. Yan ang sinasabi ko sa yo sa email na lake na metro lang ang layo sa amin at pwedeng mag-fishing at may walking trail. May boat launching place din dito sa aming lugal bahagi ng dvelopment ng Estate na aming kinalalagyan.

5 comments:

RAV Jr said...

wow! napaka-ganda...ehhh....eto ang ang mga tanawing gustong-gusto ko..sna makabisita ako jan o kya jan na rin makatira..

pano po ba ang madaling paraan pra maka-migrate jan Ka Atoy?

nga po pla, san na mga previous posts mo? denelete mo na kaagad?

Mmy-Lei said...

maraming salamat ka atoy kahit di ko makita ang pictures...waaaaaaaaaa...

naka-ban kasi ang hello dito sa amin pde po ba magrequest? email nyo nalang po o di kaya sa photobucket nalang. hehehe... wag po kayo mag-alala at jan sa bansa nyo naman ang target ko...este magpalamig lang...hehehe

Deng's Outdoor World and Travel said...

ang sarap mag trail running dyan ka atoy. pati na din mtn bike!! hahaha habang ikaw at ang iba ay namimingwit, iikutin ko muna ang lawa at sigurado nakaihaw na ikaw ng isda sa pag ikot. hehehhe

Tanggero said...

uwaw!!! bagong blog na, gandang pa ng mga post. Ganda talaga sa NZ!
Pareng DarkBlak, cno gusto mong tirahin sa NZ? hehehehe

RAY said...

Sa inyong lahat,
Maganda talaga dito ang tanawin nature na nature wag lang kayong maghahanap masyado ng kausap. Kung marunong kayo umunga at mag baaaaa maraming sasagot sa iyong pananawagan.22oo BAaaaaaaaaaaaaaaa uuuuuuuuungaaaa!