8.10.2006

HINDI SUMISIBOL ANG KABUTI NG WALANG KATABI.....

Sabi ng mamay ko hindi sumisibol ang kabuti ng walang katabi. Napatunayan ko ito dalawang sunod-sunod na araw. Dalawang milyonaryo sa loob ng dalawang sunod-sunod na araw sa Game KNB? Ang unang nanalo ay talagang magpalad sapagkat siya ay isang pharmacist at sinuwerteng ang napatanong sa kanya ay halamang gamot sa pilipinas. Yon namang pangalawang nanalo ang napatanong sa kanya ay mga mga brand ng relo. Anim na letra na nabigyan nila ng katumbas ng tamang kasagutan. Anim na kasagutan na katumbas ng isang milyon. Kaya ba ninyong maging milyonaryo katulad nila? Bigyan ng tamang kasagutan ang mga sumusunod na letra sa kategoryang napatoka sa kanila, sa loob ng 60 segundo.

PINOY MEDICINAL PLANTS
L
A
S
K
M
O

INTERNATIONAL WRISTWATCH BRANDS
A
R
T
S
C
P

4 comments:

Naomi said...

okay my time starts now....

PINOY MEDICINAL PLANTS
L - Lagundi (chicken pox)
A - Atsuete (burn)
S - Salibutbut (kabag)
K - Kalatsutsi (asthma)
M - Malunggay leaf(para sa di matae)
O - Oregano (ubo)

*WRISTWATCH BRANDS
A - Anne Klein
R - Rolex
T - Tag Huer/Timex
S - Seiko
C - Citizen/Cartier
P - Pulsar

racky said...

L ~ labanos
A ~ at talong
S ~ sigarilyas
K ~ kamatis
M ~ mustasa
O ~ opo't kalabasa ... hehehe, napakanta lang ako, miss ko na kaya mga gulay

A ~ alaws pera, utang kay bumbay muna itong suot ko
R ~ relo ni Leroy
T ~ taiwan-made
S ~ Schumacher's watch, eto type ko ;)
C ~ cikwat sa bangketa
P ~ pamana ng lolo ko, labo na di ko mabasa ang tatak

hmp! ayaw ko ngang maging milyonaryo, dadami pa kamag-anak ko :D

Owen FV said...

di ako nagre-relo e. kaya pass ako.

sa medicinal plants, id rather go to the clinic and get a prescription. di talaga ako pang GKNB. hehehe! malapit na tayo magkita fafa atoy.

Ethel said...

Hahhaha..kakatawa si manay neng, Schuamcher watch! meron ba manay diba watch nya ay Polar!
Fafitoy salamat naman sa walang sawang ka koolitan ng mga comments mo dun sa haus ko hahaha..

Ethel