8.20.2006

INCOGNITO



Dahil po sa insistent public demand ng aking kauna-unahang gf sa blogging world, anak, nakakabatang kapatid, pamangkin, dyowa, mortal enemy na muntik na akong ipakulam eh! (parang incestous yata relationship natin, magagalit na naman mga moralista at mga self righteous) napilitan po akong mag-post ng aking pics, bagamat labag man po sa aking kalooban dahil nais ko pong maging incognito dahil sa patong-patong na kaso ng estafa na tinakasan ko sa Pilipinas kaya nga po ako nagpakalayo at namundok dito sa Otago, para mag-tago. (mahilig po kasi ako sa 5-6 at mangutang sa bumbay, sana manawari di sila nag-bloblog para di nila ako matrace).
Sa 'yo kaibigan na may psychic power at madalas kong maka-ugnayan through our mental telepathy (lugi sa atin mga telephone companies dahil sa ating pambahirang kakayahan) alam mo na siguro ang iniisip ko (kelan mo kaya padadala ang datung na inuutang ko?). Saka ko na lang ipopost ang meme sapagkat nagpapameme pa ako ng aking anak, dahil sa hindi ako nakameme ng husay ka gabi sapagkat ipinaghele ko sa duyan ng kalangitan kanyang nanay, upang mapasarap ang kanyang meme at kami ay makarame!

8 comments:

Ka Uro said...

hanep sa shades! sa wakas na-aninag na ng mga taga-hanga mo ang iyong makalaglag panty na kagwapuhan.

JO said...

ala Randy Santiago ka pala... hiding behind the shades. ",)

Owen FV said...

at least, alam ko na ang mukha ng sasalubong sa amin sa queenstown! ka-atoy, i need to call you one of these days, what time is convenient for you? do let me know.

racky said...

hahahah! di kaya naging "bankraĆ¼ber" ka naman yata dito sa NZ fafatoy? mas bigtime na raket yan, sa'n porsiyento namin? parang kcing kahawig ang kuha mo dito sa listahan ng mga wanted na nakita ko sa newspaper nyo ;)

OMG, akala ko nalaglag na panty ni fafa KU! :D

Naomi said...

woooooow ang POGI!!!!!!
grabe hahahaha!!!!!!!!!
pa autograph naman dyan ay grabe!
sabi ko na nga ba't ikaw yung andung pic sa parada eh! Ang last pichure mo sa ibaba kaka, very expressive ang mga eyes huh, dapat lang na tanggalin ang shades mong yan, wooohooo!!! ang pogi!

SALAMAT salamat sa paggawa ng challenge Ka Atoy! grabe, napaluhod akong bigla.. sinasamba kita!

P.S.
nalaglag ang panty ko. Hahaha!

Naomi said...

ay binalikan kong basahin ang mga koment sa taas. May usapang laglag-panty na pala don. Ibahin ko na lang.

Ok na ba sayo kaka ang laglag bra?
Hahaha.

atoy said...

mas feel ko yata ang "laglag panty" pero okey na rin ang "laglag bra", malapit sa dati kong raket, "laglag barya" sabay dukot pitaka sa mga bus.

Naomi said...

haay naku kaka.. alam mo bang weakness ko ang makakapal kilay.

yung baby mo, yan na ba yung panganay? ang ganda ganda siguro ng misis mo ano, ang cute ng blending nung baby nyo eh. Next time naman sana eh picture kasama na si misis. Happy Wednesday Ka Atoy. Ampogi mo shets. Sulit ang paghihintay ng lahat.