11.30.2005

PAGBATI PARA SA BAYANING MULA SA MASA





MALIGAYANG KAARAWAN, KA ANDRES!





Para sa nais malaman ang kuwento ng kanyang buhay www.bakbakan.org/heroes.html



Nakakalungkot lang gunitain na ang kumitil din sa iyong buhay ay kapwa mo Pilipino. Biktima ka ng politika, rehiyonalismo at inggit na hanggang ngayon ay patuloy pa ring sumisira at umiiral sa ating bansa at sa kalipunan ng mga Pilipino sa loob man at labas ng bansa. Kahit dito man sa blogging world intriga at politika at inggit ay sumisira at kumikitil ng pag-asang umusbong ang tunay na diwa ng pagkakaisa at pagsama-sama ng mga pinoy para sa kabutihan ng lahat. Kailan kaya magkakaisang tunay ang mga Pilipino? Magdiwang ka ba o Magdalo? MAGKAISA!

11.28.2005

NANG ETHEL HAPPY BIRTHDAY





HAPPY BIRTHDAY NANG ETHEL! Wala akong maiaalay sa yo kungdi ibahagi sa iyo ang kagandahan ng aking paligid na kinalalagyan. Kuha ko ito ngayong umaga. Hindi ko na kailangang lumayo para magbakasyon kasi masdan mo na lang ang surrounding environment ng aming lugal kahit hindi ka na lumabas ng bahay talo mo pa ang nag-abroad para mag-sightseeing. Lahat ng pics na yan ay kuha sa loob ng bahay kasi medyo tinatamad pa akong lumabas papitik-pitik lang muna tayo. Happy Birthday uli Nang Ethel and sana makarating ka dito sa New Zealand. (Ang lake diyan ay Wakatipu at nasa likod ng bahay samantalang ang bundok sa may hulihan na pics ay Remarkables mountain. Napapalibutan kami ng bundok at lawa dito sa Central Otago Southern Lakes)

MATUD NILA

Pilita Corales


Matud nila ako dili angay

Nga magmanggad sa imong gugma

Matud nila ikaw dili malipay

Kay wa ako'y bahandi

Nga kanimo igasa


Gugmang putli mao day pasalig

Maoy bahanding labaw sa bulawan

Matud nila kaanugon lamang

Sa imong gugma ug paraig


Dili molubad kining pagbati

Bisan sa unsa nga katarungan

Kay unsa pay bili ning kinabuhi

Kon sa gugma mo hinikawan


Ingna ko nga dili ka motud

Sa mga pagtamay kong naangkon

Ingna ko na dili mo kawangon

Damgo ug pasalig sa gugma mo


Damgo ug pasalig sa gugma mo

Pasensiya sa kanta heto lang alam kong visayan song.

11.22.2005

TAG FROM GHIE

1. What time did you get up this morning? 7:45 a.m.
2. Are you a morning person or night owl? morning person
3. What was the last film you saw at the cinema? ages ago Peter Pan with the kids.
4. What is your favorite TV show? Rugby Games of All Blacks
5. What did you have for breakfast? rice and nilagang chicken and pancakes

6. What is your middle name?P

7. What is your favorite cuisine? Pilipino katulad ng kare-kare, sinigang na tambakol , kangkong na sinawsaw sa bagoong
8. What foods do you dislike? to much spice

9. Favorite day of the week? saturday
10. What is your favorite CD at the moment? norah jones

11.What is your favorite sandwich? chicken sandwich
12. What characteristics do you despise? suwapang, magnanakaw, walang utang na loob
13. What do you do most often when you are bored? internet
14. If you could go anywhere in the world on vacation, where would you go?summer in hawaii, weekend with the kids at disneyland u.s.a., a week in paris with my amore
15. Favorite brand of clothing? lacoste, dickies jeans , mark and spencers
16. Where were you born? lipa city
17. What is your best childhood memory? weekends and summer vacation palying all day in the backyard
18. Do you have pets? our place here in new zealand we don't need pets cause everywhere you can see lots of nature's pet birds of different varieties lumilipad at gumagala sa aming bakuran at mga puno, kung minsan nga kumakatok pa sa aming pinto, rabbits na kita mong naghohop sa damuhan, mga sheeps sa kanang side ng adjacent properties, and minsan may nakakita kaming mga reindeer na gumagala dito mga nakakatakas sa farm na katabi.
19. Any new and exciting news you'd like to share with everyone? thank God hindi na dial up ang connection namin broadband na.
20. What did you want to be when you were little? maging palikero
21. Different jobs you have had in your life? bank employee, teacher, personnel and administration officer, farmer
22. Which came first, the chicken or the egg? alphabetically speaking chicken, basing on the bible chicken, atoyically speaking itlog kasi kung wala kang itlog tawag sa yo mga kalaro chicken.


11.18.2005

SALAWIKAIN

Pagkatapos ng Bugtong Mag-Salawikain naman tayo. May maidadagdag ba kayo sa mga salawikaing ito. Pwede sa sarili ninyong diyalekto kaya lang pakisalin sa Pilipino para maintindihan ng iba

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata, dalahanggang pagtanda.
Pag di ukol, ay di bubukol.
Kung sino ang masalitaay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap angtaong masipag.
Ako ang nagbayo ako ang nagsaing iba ang kumain.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.


Kung walang, tiyaga, walang nilaga.
Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kung may itinanim, may aanihin.
Huli man daw at magaling, naiihahabul din
Kung di ukol, di bubukol.
Kung may isinuksok, may madudukot
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo
Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
Ang bayaning nasusugatanNag-iibayo ang tapang.

Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Ang magalang na sagot, nakakapawi ng pagod.
Ang mabigat ay gumagaaan, kung pinagtutulungan.

Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
Ang umaayaw ay di nagwawagi,ang nagwawagi ay di umaayaw.
Malaking puno, ngunit walang lilim.

"Salawikaing" at quotation nabasa ko sa jeepney.

Nasa tao ang gawa....kaya madaming bata.
basta drayber sweet lover
basta lubak iwas basta butas pasak
Its foolish to argue with the pulis.
<___Passing side Suicide______>
No parking, sa hindi mo darling
God knows HUDAS not pay!

11.15.2005

PARA SA REQUEST NI BIRTHDAY GIRL (BUGTONG HULAAN NINYO KUNG SINO SIYA AT SILA)

BUGTONG PART II
1.Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
2. Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa.
3.Isang reynang maraming matanasa gitna ang mga espada.
4.Heto na si Ingkong nakaupo sa lusong
5.Ate mo, ate ko,Ate ng lahat ng tao.
6.Hinila ko ang baging nag-iingay ang matsing
7.May puno walang bungamay dahon walang sanga.
8.Lumuluha walang mata lumalakad walang paa..
9.Kung kailan mo pinatay, saka humaba ang buhay
10.
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
11.Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
12.
Isang balong malalim, punung-puno ng patalim.
13Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
14.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo

15May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan.
16.Kung kailan tinakpan, saka pa nakaaninaw.
17.
Sa silong naglalagi, basa pa ring lagi.
18Dalawang balong malalim, hindi maabot ng tingin.
19Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
20Heto na si Lelong, bubulong-bulong.
21. Inay mo, Inay ko, Kuwintas ng Bulaklak, Isinasabit ng may Galak
22. Kapatid niya ay kapilas ni Totoy, Tawag sa Batang Pinoy, Kapilas niya ay si Totong, Sapin sa Paa niya Kahoy ang Takong.
23. Sapagkat ako ay Batanggenyo, Ako ay may Punto, Siya ay Taga Hilaga, Lugal ng taga Bisaya
Sa inyo siya ay eh di ko sasabihin, Pero pag AKO NI pilit "EH! SASABIHIN" ko rin.
Eh! yong pong huling tatlo ay mayroong akong clue. Sila ay dalaga at mga ginang, pinalaki magalang, ng kanilang mga magulang, mga babaeng ubod ng rikit, sa kanila ay gusto kong maging sanggang dikit, sapagkat mahalagang araw sa kanila ay sasapit, sana imbitasyon sa akin ay di ipagkait, sapagkat sa kainan gusto kong makasabit. "HAPPY BIRTHDAY MGA ANGELS." "HAPPY BIRTHDAY, NANAY NA KASIMBANGO NG MGA KUWINTAS NG BULAKLAK!" (Sampaguita ha, hindi bulaklak ng katuray!)

11.13.2005

GUD TAYM TAYO, WALANG PIKUNAN!

Natutuwa ako kasi mga henyo ang aking mga kalaro pag dating sa mga bugtong ngayon naman maglalaro kami ng ungoy-ungoyan, (nang ethel sa yo ako kumuha ng idea nito, yong iyong monkey-monkey). Ganito ang inyong gagawin. Kung nasaan man kayong bahagi ng mundo hanapin ninyo ang pinakamalaking silver coin ng inyong lugal. Dapat makinang ito at hindi luma. Kung mayroon na kayong hawak umpisahan na natin ang larong monkey-monkey. Hawakang ninyong mahusay ang coin at titigang mabuti. Ngayon tingnan ninyo anong imahe ang nakalagay diyan. Tao ba, hayop, o halaman. Kung ano man siguradong may disenyo yan ng mga imahe. Pero alam ba ninyo na may sikreto yang mga coin na yan. Opo sa inyo ko lang sasabihin na may hidden image yan na napagkaisahan ng lahat na bansa upang hindi ma counterfeit. Ngayong tingnan ninyong muli ang coin na hawak ninyo. Titigang mabuti, hanapin ninyo ang unggoy na may hawak na coin. Nakita ba ninyo? Titigan ninyong mabuti huwag kayong kukurap. Hindi pa rin ninyo nakikita? Sa susunod ko na lang na posting sasabihin sa inyo ang kasagutan (he. he. he. wag kayo galit nag-ungoy-ungoyan lang tayo.)

Ngayon naman dumako tayo sa tagisan ng talino.
1. Ebak ng ano ang bilog-bilog na maiitim? nasagot ninyo, ang galing
2. Ebak ng ano ang parang ensaymada at madalas makita sa damuhan? nasagot ninyo, mahusay.
3. Ebak ng ano ang nasa diaper? you've answerred it right talagang mahusay kayo.
4. Ano ang pinakamahabang ngalan ng lugal sa buong mundo na matatagpuam sa New Zealand? Hindi ninyo alam. Ayaw ko nang magtanong sa inyo, wala kayong kakuwenta-kuwenta wala naman palang laman ang inyong utak kundi ebak! (ho, ho, ho joke only wag mapipikon pasensiya na sa taong walang magawa. sowee dark blak kung inagaw ko slogan mo, peace!)

And pang finale:

Ret us rearn Japanese

Is this your car?
A: Otomoto
Q: Is this my car?
A: Otokoto
Q: Is this your noodles?
A: Mikimoto
Q: This is my desk
A: Itodesko
Q: Speechless?
A: Wasabe
Q: I have a lot of things to do
A: Hironaka
Q: Old lady?
A: Kurukurubot
Q: A blind man who has been cured.
A: Nakakita
Q: A man listening to a Walkman/Diskman.
A: Nakasone.
Q: Katulong (DH)
A: Otosang
Q: Mahirap
A: Nakamura
Q: Mayaman
A: Nakaguchi
Q: Komiks
A: Wakasang
Q: Tricycle
A: Tatrogurung
Q: Pangit
A: Kamukamo
Q: Maganda
A: Kamukako
Q:Cigarette Factory
A: Yosigawa
Q: Tamad
A: Yokogawa
Q: Makati ang ulo
A: Mekoto

Sayonara!

11.10.2005

BUGTONG

Bugtongan Tayo !!!

1. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
2. Nagtago si Pedro, labas ang ulo.

3. Isang Prinsesa, nakaupo sa tasa.
4. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.
5. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
6. Dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit.
7. Sampung magkakapatid, nag-uunahang pumanhik.
8. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
9. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
10. Buto't balat, lumilipad.
11. Bumbong ko sa sulok, pera ang nilulunok.

12. Nakakaluto'y walang init, umuusok kahit na malamig.
13. Dalawang bundok, may holen sa tuktok

14. Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis.
15. May binti, walang hita, may tuktok, walang mukha.
16. Munting tampipi, punong-puno ng salapi.
17. Dumaan si Tarzan, nabiyak ang daan.
18. Mula ulo hanggang puwitan, puro paa ang katawan.
19. Binili ko ng patay, itinapon ko ng buhay.
20. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sa makakasagot nitong lahat, eh ako eh hanga!

11.07.2005

BATA BATUTA

Nakarating ka na ba sa buwan? Naranasan mo na bang habulin ng mga aswang, tikbalang at iba pang maligno? Nakasali ka na ba sa World Olympics, sumakay sa flying carpet, makipagbarilan sa mga hapon at german, makipag-espadahan sa mga black ninjas at sa mga amazona? Lahat na ito ay nagawa ko na, noong ako ay bata pa. Napakasimple ng mundo lahat ay posible at lahat ng panstasya ay kayang-kaya. Sa isang kisap mata ako na si superman at lumilipad at sa isang saglit ako naman ay isang halimaw na naninila ng mga kaawa-awang biktima.
Nasubukan mo na bang mag-shotput na ang gamit ay niyog? Aba ako ang may hawak ng record sa looban namin. Nakatalon ka na ba sa hurdles na bangko ang tinatalunan at sa isang mali mo tapos kang tuhod o lulod ka. Nakapag-golf ka na ba na ang bola ay bayabas na pinapalo ng kahoy na tuod papunta sa hukay sa maalikabok na lupa. Ilang beses na akong nakahole-in-one dito. At ilang tropeo na ring yari sa lata ng sardinas at condensed milk ang aking napanalunan. Nakapag-basketball ka na ba ng style larong buko, walang dribble dahil butas ang bola, at walang foul bukod pa sa ang board at ring ay nakakapit sa puno ng niyog?
Naalala ko swimming pool ko noon ay sahig ng banyo. tatakluban ang butas ng labasan ng tubig at pupunuin ng tubig. Minsan naman ay drum ang nilubluban. Pero ang tandang-tanda ko dahil marami akong alalay na mga kalaro minsan natitritripan kong magpasulong sa kanila sa kariton at habang hawak hawak noong isa ang pandilig o lagadera at ako nagshoshower habang iniikot nila ako sa kariton sa looban namin. Talagang yatang nakakabuwang pag-summer at walang magawa. Pati nga pag-gawa ng swimming pool naisipan naming gawin. Fund raising kami. Nanlilimot at naghahanap ng mga bakal, tanso, aluminum at maging mga bote pare paibenta sa magbobote bakal para makaipon ng pera. Pati nga yong mga ibang bata nagnungupit sa magulang maicontribute lang sa aming proyekto. Maging yong mga punong kahoy ng aming mga kapitbahay hindi nakaligtas. Niraraid ng aking mga kalaro ang mga puno lalo na ang puno ng cherry ni Ka Ablo at binebenta namin sa tindahan ni Ka Hiling para gawing burong cherry. Malalim na rin ang aming nahuhukay ng matigil aming Operation:Swimming Pool kasi napagalitan kami ng lola ko dahil sa ginagawa naming paghuhukay, kaya tiis na lang uli akosa drum at mobile shower ko.

Si Puti, si Hapon, si Kambanyaw, si Toli, si Gamboy, si Tandang, si Pating sila ang ilang sa mga kalaro ko. Mga alyas ng kapilyuhan at kainosentehan. Tuksuhan at kung minsan bugnutan ngunit pagkakatapos ng tampuhan muli na namang kaming magkakalaro at magkakasama. Buong araw mang kaming maglaro doon sa munti naming paraiso at fantasy land hindi kami nag-sasawa at titigil lang kami kapag tinatawag na ng mga magulang sapagkat madilim na o dili kaya palabas na ang aming paboritong panoorin sa telebisyon. Mundo naming minsan kami ang nabuhay na walang malay, walang iniisip na suliranin, lahat na pangarap ay para bagang abot kamay lamang, mundo ng mga bata- batuta, daidig ng saya at pantasya.

"sirit, sirit mantika
mahuli siyang taya ."

"may patong sa ulo
ikakasal sa sabado
inalis, inalis
ikakasal sa lunes."

" one thousand machine gun
hawak ko ay kapampangan
lulusubin ang timog vietnam
kung kami ay matatalo
darating si fernando
bratatatat, ubos ang german. "

Sa inyo aking mga kababata, utang ko ang hindi mababayarang saya at magagandang alaala, na babalikan ko at tatanawin kapag ako ay matanda na, nag-iisa at nangnuglila at alam kong muling babalik ang aking mga ngiti at sigla sapagkat minsan ako ay naging isang bata-batuta.

" bata-batuta
kain muta "

11.04.2005

PAALAM, MAHAL KONG CLASSMATE!

Sa aking mga kasamahang blogger ipagpatawad po ninyo kung sa aking pagsulat na ito makapagbitaw ako ng mga salitang hindi tama sa panlasa ninyo. Nais ko lamang maging makatotohananan sa aking nadadama kalungkutan at pagkagalit sa naganap na kawalanghiyaan sa aking mahal na classmate at sa mga walang awang at buhong na mga salarin na gumawa nito sa kanya at kanyang asawa.


Saan ba nag-umpisa ang pag-uugnay sa atin. Second year tayo noon, kalilipat ko lang mula sa ibang paaralan. Pilipino class, panitikan at tayo ang nakatuwaang ipagpareha ng teacher natin sa isang kuwento mula sa Hiyas Ng Lahi. Kuwento ng UnaNg Pag-Ibig. Ako yong lalaking mahiyain at sa tuwing makikita ang kanyanag iniibig ay "nauumid ang dila" at "walang tigil ang kabog at dagundong ng puso". Ikaw naman yong babaeng aking nililiyag. Simula noon tayo na ang naging loveteam ng ating section. Laging tinutukso, laing kinakantyawan. Ewan ko kung napipikon ka noon pero magkahalong saya at hiya ang nadadama ko sa tuwing tayo ay tutuksuhin. Sabi pa nga nila kaya ganoon daw ang ngalan ng botika namin yon daw ay hango sa ngalan nating dalawa. Ang unang ngalan ay sa akin at ang MER ay hango sa ngalan mo. Kakatuwa alalahanin ang mga panahong yon. Magpagayunpaman hindi tayo nagkmayroon ng tunay na pagkakataon na ipakita kung ano ang tunay nating nadadama sa isa't isa.
Noong Third Year nagkahiwalay tayo ng section ngunit patuloy pa rin ang biruan sa atin, bagamat marami akong ibang mga nagugustuhan noon at ikaw naman ay maraming mga tagahanga hindi lamang sa batch natin maging sa ibang batch. Ewan ko kung nagkamayroon ka ng kasintahan sa kanila ngunit sa tingin ko ay wala sapagkat imahe ka ng isang dalagang pilipina mayumi at konserbatibo.
Muli tayong naging magclassmate noong fourth year at muli na namang nabuhay ang init ng tuksuhan. Ngunit ako naman noon ay may ibang nililiyag at sa iyo rin ay maraming manliligaw na umaaligid. Siguro dahil sa mga tuksuhang ito kaya madalas iniiwasan natin ang isa't isa pero alam ko na malapit ang puso ko sa iyo at ganoon ka rin sa akin sapagkat tuwing nagtatama ang ating mga mata nadadama ko na may galak kang nadadama at ganyun din ako. Hindi ko makalimutan ng ako ay lapitan mo at sabihang paghusayan ko dahil ako ay kasali sa contest. alam mo ba first time mo lang na kusang lumapit sa akin at hindi mo ininitindi tuksuhan ng ating mga kaeskwela naging inspirasyon ko yon bagamat ang puso ko ay bihag ng iba.
Pagkatapos ng highschool tayo ay nagkahiwalay-hiwalay. Pero tandang-tanda pa rin ng ating mga kaeskwela na basta binabanggit ang ngalan ko ikakabit na nila ang ngalan mo. Patuloy ang loveteam bagamat di na tayo nagkikita at hindi man tayo naging tunay na magkasintahan. I have fond memories of you and among our classmates ikaw ang isa sa pinakamalapit sa puso ko.
Dumaan ang mga araw may kanya-kanya na tayong pamilya. Alam ko na taga Laguna ang napangasawa mo at ang akala ko may tindahan kayo ng damit sa ating bayan. Pinaiimbitahan kita sa reunion natin noong isang taon pero hindi ka nakarating. Kelan ba kita huling nakita siguro mga more than a decade ago. Gusto ko sanang muli tayong magkaugnay-ugnay, magkakaeskwela at batchmate pero hindi pinalad na tayo ay magkatagpo.
Hanggang magulantang na lang ako sa balita ni Mareng Oyette. Ikaw raw at ang iyong asawa ay walang awang hinold-up at pinatay sa Laguna. Hindi ako makapaniwala. Lumong-lumo ako magkahalong lungkot at poot ang aking nadadama dahil sa kahayupang ginawa sa inyo ng mga hayop na walang budhing salarin. 'Tang ina nila, bakit ikaw na isang napakabait, at modelong ina at asawa, pinatay nila ng walang kalalaban, hangad lang naman nila ay pera. Pati iyong asawa at isang security guard kasamang pinaslang. Paano na ngayon ang inyong mga anak, na kinuha na nila ang haligi ng tahanan isanama pa rin nila ang ilaw ng tahanan. Nagngangalit ang aking bagang sa katarantanduhang ginawa sa yo, mahal kong classmate. Kung kinuha lang nila ang yaman may patawad pa silang matatamo ngunit ang kunin ang buhay ng 3 katao yan ay isang karumaldumal na gawaing walang kapatawaran. Masahol pa pinakamasahol na hayop ang mga gumawa ng kapalastanganang ito. Buhay pa sila kaluluwa nila ay pinagpipiyestahan na sa impiyerno. Knowing how inefficient our police on this cases, napakaraming kasong hindi nasosolve, sana naman hindi maging kasama ang kaso sa mga unsolved cases. Sana hustisya ay makamit para sa iyong pamilya at sa iba pang kasama mong pinaslang.

Ayaw kong magpadala sa lungkot at poot kaya lang hindi ko kayang mapigilan ang silakbo ng aking damdamin. Hanggang ngayon nababanaag ko pa ang iyong maamong mukha, ang ngiting mong mapanghalina, ang tinig mong makakapagpalambot ng taong may matigas na puso, ang kabaitan mo at kahinhinan isa kang larawan ng tunay na dalagang pilipina. Dito ko na lang ikaw pilit gugunitain, sa aking alaala, mananatili kang si Merlita, mahal kong classmate, pinipitagan at higit pa sa kapatid kung itinuring. Sana maging tahimik ka kung saan ka man naroroon, alam kong magkasama kayo ng iyong asawa, hindi naghiwalay at hindi maghihiwalay magpakalaypaman. At sa inyong mga anak lakip ko ang taos pusong pakikiramay at panalangin na sana sila ay gabayan at huwag pabayaan ng Poong Maykapal na marating nila ang magandang buhay at kapalaran na nais ninyong sa kanila ay ibigay.
Paalam, classmate at may isa pa palang sikretong akong sa yo ay hindi nabanggit. Noong kris kringle natin noong hayskul tayo, hindi talaga ikaw ang aking nabunot nakipagpalit lang ako kasi gusto kong mapalapit sa iyo dahil hindi ko man nasabi sa iyo naging crush din kita. Naalala ko pa ang tuksuhan noong ireveal na ang isa't-isa at ang regalo ko ay may kalakip na panyo. Sabi nila gusto raw kitang paiyakin. Ngunit ngayon napatunayan ko na mali sila, sapagkat ako pala at maging sila ang iyong paiiyakin dahil sa daglian mong paglaho.Paalam classmate, kapatid, kaibigan hinding-hindi ka namin makakalimutan. Paalam, Merlita!

11.03.2005

SANA AKO

Sana ako ang naging pinakamayamang tao sa buong mundo. Bibilhin ko lahat ng magustuhan ko. Malalaking bahay, magagarang sasakyan, pinakamodernong gadget, cellphone, laptop. Bibilhin ko pati pag-ibig mo. May katumbas kayang salapi ang pagmamahal mo. Matutunan mo kaya akong ibigin ng totoo o mapilitan ka lang dahil sa panunuhol ko?
Sana ako ang pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo. Lahat ng tao nasasakop ko. Nauutusan, ginagawa lahat nang gusto ko. Uutusan kitang mahalin mo ako. Mahalin mo kaya ako ng totoo o mapilitan ka lang dahil saklaw ka ng kapangyarihan ko?
Sana ako ang pinakamgandang lalaki sa buong mundo. Lahat ng babae nagkakandarapa sa paghabol sa kaguwapuhan ko. Papasyalan kita sa inyong bahay. Paiibigin kita sa angking kong mukha. Makukuha ko kaya ang puso mo o sasagutin mo lang ako dahil sa akin ay maraming humahanga at nagkakandarapa?
Sana ako ang pinakamahusay na manunulat. Hinahangaan dahil sa angking talino. Liligawan kita sa pamamagitan ng aking liham na akda. Punong puno ng mapalamuting salita, makabagbag damdamin at talo pa ang pinakatanyag na tula at nobela. Taos puso kaya mo akong sagutin o utak mo lang ang umu-oo dahil sa kamangmanghang talino ko.
Sana naman kahit ako ay ako. Isang ordinaryo pangkaraniwang tao. Walang maipagmamalaki kundi tunay at tapat na pag-ibig sa iyo. Walang yaman kundi itong gintong puso ko, walang alam kundi ikaw ay mahalin, walang kapangyarihan bagkus ay isang alipin ng labis na pagmamahal sa iyo. Sana naman matutunan mo akong mahalin sa tunay kong kaakuhan. Kung magkakaganoon agam-agam ko ay dagling maglalaho. Matanto kong pagibig mo ay totoo. Magiging haping-hapi ako!

Hanggang

Wency Cornejo

Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin
kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan,
hanggang kailan mag tatagal,
ang aking pag mamahal,
hanggang may himig pa akong naririnig,
dito sa aking daig-dig
hanggang may musika akong tinataglay,
ika'y iniibig
giliw wag mo sanang isiping
ikaw ay aking lilisanin
di ko magagawanglumayo,
sayong piling
at nais kong malaman mo
kung gaano kita kamahal
hanggang ang diwa ko'y
tanging sayo laan
mamahalin kailanman
hanggang pag ibig ko'yhanggang
walang hanggan
tanging ikaw lamang
hanggang may himig pa akong naririnig
dito sa aking daig-dig
hanggang may musika akong tinataglay
ika'y iniibig
giliw wag mo sanang isiping
ikaw ay aking lilisanin
di ko magagawang

lumayo sayong piling
at nais kong malaman mo
kung gaano kita kamahal
hanggang may puso akong
marunong mag mahal
na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
hanggang saan hanggang kailanhang
gang kailan kita mahal
hanggang ang buhay ko'ykunin ng may kapal
giliw wag mo sanang isipin
ikaw ay aking lilisan
hindi ko magagawang
lumayo sayong piling
hanggang may pag ibig
laging isisigaw,
tanging ikaw
hanggang may pag ibig
laging isisigaw,
tanging ikaw

11.01.2005

LET THERE BE PEACE ON EARTH HINDI KITA MALILIMUTAN

Let There be Peace on Earth

Words and music by

Sy Miller and Jill Jackson1955

Let there be peace on earth, and let it begin with me,
Let there be peace on earth, the peace that was meant to be.
With God as our Father, brothers all are we,
Let me walk with my brother, in perfect harmony.

Let peace begin with me, let this be the moment now,
With every step I take, let this be my solemn vow,
To take each moment and live each moment in peace eternally.
Let there be peace on earth, and let it begin with me!

(repeat all 2 times)



Hindi Kita Malilimutan

O. Pagsanghan, M. Francisco

Hindi kita malilimutan, hindi kita pababayaan.
Nakaukit magpakailanman, sa 'king palad, ang 'yong pangalan.

Malilimutan ba ng ina, ang anak na galing sa kanya?
Sanggol sa kanyang sinapupunan, paano niyang matatalikdan?

Ngunit kahit na malimutan ng ina ang anak n'yang tangan
Hindi kita malilimutan, kailan ma'y di pababayaan.
Hindi kita malilimutan, kailan ma'y di pababayaan