11.03.2005

SANA AKO

Sana ako ang naging pinakamayamang tao sa buong mundo. Bibilhin ko lahat ng magustuhan ko. Malalaking bahay, magagarang sasakyan, pinakamodernong gadget, cellphone, laptop. Bibilhin ko pati pag-ibig mo. May katumbas kayang salapi ang pagmamahal mo. Matutunan mo kaya akong ibigin ng totoo o mapilitan ka lang dahil sa panunuhol ko?
Sana ako ang pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo. Lahat ng tao nasasakop ko. Nauutusan, ginagawa lahat nang gusto ko. Uutusan kitang mahalin mo ako. Mahalin mo kaya ako ng totoo o mapilitan ka lang dahil saklaw ka ng kapangyarihan ko?
Sana ako ang pinakamgandang lalaki sa buong mundo. Lahat ng babae nagkakandarapa sa paghabol sa kaguwapuhan ko. Papasyalan kita sa inyong bahay. Paiibigin kita sa angking kong mukha. Makukuha ko kaya ang puso mo o sasagutin mo lang ako dahil sa akin ay maraming humahanga at nagkakandarapa?
Sana ako ang pinakamahusay na manunulat. Hinahangaan dahil sa angking talino. Liligawan kita sa pamamagitan ng aking liham na akda. Punong puno ng mapalamuting salita, makabagbag damdamin at talo pa ang pinakatanyag na tula at nobela. Taos puso kaya mo akong sagutin o utak mo lang ang umu-oo dahil sa kamangmanghang talino ko.
Sana naman kahit ako ay ako. Isang ordinaryo pangkaraniwang tao. Walang maipagmamalaki kundi tunay at tapat na pag-ibig sa iyo. Walang yaman kundi itong gintong puso ko, walang alam kundi ikaw ay mahalin, walang kapangyarihan bagkus ay isang alipin ng labis na pagmamahal sa iyo. Sana naman matutunan mo akong mahalin sa tunay kong kaakuhan. Kung magkakaganoon agam-agam ko ay dagling maglalaho. Matanto kong pagibig mo ay totoo. Magiging haping-hapi ako!

Hanggang

Wency Cornejo

Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin
kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan,
hanggang kailan mag tatagal,
ang aking pag mamahal,
hanggang may himig pa akong naririnig,
dito sa aking daig-dig
hanggang may musika akong tinataglay,
ika'y iniibig
giliw wag mo sanang isiping
ikaw ay aking lilisanin
di ko magagawanglumayo,
sayong piling
at nais kong malaman mo
kung gaano kita kamahal
hanggang ang diwa ko'y
tanging sayo laan
mamahalin kailanman
hanggang pag ibig ko'yhanggang
walang hanggan
tanging ikaw lamang
hanggang may himig pa akong naririnig
dito sa aking daig-dig
hanggang may musika akong tinataglay
ika'y iniibig
giliw wag mo sanang isiping
ikaw ay aking lilisanin
di ko magagawang

lumayo sayong piling
at nais kong malaman mo
kung gaano kita kamahal
hanggang may puso akong
marunong mag mahal
na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
hanggang saan hanggang kailanhang
gang kailan kita mahal
hanggang ang buhay ko'ykunin ng may kapal
giliw wag mo sanang isipin
ikaw ay aking lilisan
hindi ko magagawang
lumayo sayong piling
hanggang may pag ibig
laging isisigaw,
tanging ikaw
hanggang may pag ibig
laging isisigaw,
tanging ikaw

15 comments:

Anonymous said...

wow... ganda naman nyan mang atoy.... bagay na bagay sa akin... pwede ko bang mahiram yan minsan? :)

RAY said...

d.b.,
ok. basta ikaw.

Unknown said...

Pag mahal mo ang isang tao di na mahalaga kong sino or kong ano ang meron sya. Basta ang importante ay totoong tao ka at mahal na mahal nyo ang isa't isa.

Raquel said...

Fafatoy dala-dala ko talaga itong sagot ko sayo, especial delivery po.

ATOY, Di kami lumipat fafatoy. Marami lang kaming binago dito sa room dahil etong si Maria ko parang human machine. Kahit ano mahawakan, kakainin.

Pate bed namin ay wala na, kinain na rin nya, just kidding. Mattress nasa sahig na rin, wala na kaming bed. Mas maganda ng ganun para may panahan pa rin akong makapag blog.

Pagmatapos namin etong cage niya, ipakita so inyo ang resulta.

Pamilya nyo anjan na ba lahat sa New Zealand? Lalaki pala lahat anak nyo. Hmmm, I'll prefer girls talaga dahil malilkikot pag boys eh.

Thank you for coming back on my blog. O cge, c yah around. Wish you a good health and the rest of the family.

Raquel said...

hahahah, para sakin pag malakas ang datong, pasado ka pare, hahaha.

Ang ganda naman ng tula nyo, ah. Sabi pa nila jan, ang mga babae daw malalambot ang ilong....:)) Makuha mo rin sila sa mga pa flowers, chocolates, shopping, at kung ano2x pang pa epek mo, hehehe. Sa panahon ngaun, practical na ang mga babae, una securty talaga ang importante. Maturuan mo naman ang puso eh.

O cge hanggang sa muli.

Raquel Isprikitik

nixda said...

hmmmm...senti c fafa!

may lahing Romeo ka rin pala.
endangered species.

para kanino ho ba ang tulang iyan? hope di sa mga fafas. makikipagsabunutan ako sa kanila!!!

thursday...thirsty...barikan na.
lampa pa rin ang iba.

JO said...

hi atoy,

musta na po?

very nice poem! super WOW!

I dont want to be the best in everything and above all others... people will expect too much... I just want to be the best that I can be!

darlene said...

Money cannot buy you love.

Kung ikaw naman ay sadyang mabait, tapat at mapagmahal, ang pagiging mayaman ay bonus na lamang.

Fafa Atoy, magandang kanta yang Hanggang!

Anonymous said...

fafa atoy, para ba kay ms laptop blogger laging may bitbit na aso ang poem na ito

RAY said...

hindi ko alam kung bakit yan ang pinost ko pero pagbasa ko pagkatapos ko niyan nabasa ko msg sa akin doon sa isang blogsite na ginawa ko para sa mga batchmate na yong isa kong kaeskwelang babae na siyang simula pa noong una ay siyang itnutukso sa akin noong hayskul ay hinoldup at pinatay pati kanyang asawa sa Calamba. Minasaker at kinuha ang pera nila pati sasakyan.Sana po ipagdasal natin ang ikatatahimik ng kanilang kaluluwa at maging ang kinabukasan ng kanilang mga anak na ulilang lubos na dahil sa kabuhungan ng mga walang pusong mga salarin.

Anonymous said...

fafa, mukhang feeling romantic ka ngayon ha. ganda ng tula.

kakalungkot naman nung nangyari sa h.s. frend mo. kakainis bakit nangyayari ang mga ganung bagay sa bayan natin.

Tanggero said...

Pang royal blood yang mga ganyang katangian.

Talagang iba na ang buhay sa Pinas ngayon, laging may kaba kahit nasa loob pa ng sariling bahay.

Owen said...

this is nice ka atoy! it's a nice read! have a nice weekend ahead!

Anonymous said...

I'll be here off and on to visit a bit ..
Mang Atoy, galing talaga! I'm so far from perfect. But i care, pointing toward those Heavenly skies. :)

Deng's Outdoor World and Travel said...

isa sa paborito kong kanta iyan ka atoy...

hehhehe.. at un kay cliare dela fuente "Sayang"

hehhe dami daw regrets eh. hiiihihi

sayang..ngayon lang tyo nagkatagpo...
ngayon rin tyo'y magkakalayo...