Nakarating ka na ba sa buwan? Naranasan mo na bang habulin ng mga aswang, tikbalang at iba pang maligno? Nakasali ka na ba sa World Olympics, sumakay sa flying carpet, makipagbarilan sa mga hapon at german, makipag-espadahan sa mga black ninjas at sa mga amazona? Lahat na ito ay nagawa ko na, noong ako ay bata pa. Napakasimple ng mundo lahat ay posible at lahat ng panstasya ay kayang-kaya. Sa isang kisap mata ako na si superman at lumilipad at sa isang saglit ako naman ay isang halimaw na naninila ng mga kaawa-awang biktima.
Nasubukan mo na bang mag-shotput na ang gamit ay niyog? Aba ako ang may hawak ng record sa looban namin. Nakatalon ka na ba sa hurdles na bangko ang tinatalunan at sa isang mali mo tapos kang tuhod o lulod ka. Nakapag-golf ka na ba na ang bola ay bayabas na pinapalo ng kahoy na tuod papunta sa hukay sa maalikabok na lupa. Ilang beses na akong nakahole-in-one dito. At ilang tropeo na ring yari sa lata ng sardinas at condensed milk ang aking napanalunan. Nakapag-basketball ka na ba ng style larong buko, walang dribble dahil butas ang bola, at walang foul bukod pa sa ang board at ring ay nakakapit sa puno ng niyog?
Naalala ko swimming pool ko noon ay sahig ng banyo. tatakluban ang butas ng labasan ng tubig at pupunuin ng tubig. Minsan naman ay drum ang nilubluban. Pero ang tandang-tanda ko dahil marami akong alalay na mga kalaro minsan natitritripan kong magpasulong sa kanila sa kariton at habang hawak hawak noong isa ang pandilig o lagadera at ako nagshoshower habang iniikot nila ako sa kariton sa looban namin. Talagang yatang nakakabuwang pag-summer at walang magawa. Pati nga pag-gawa ng swimming pool naisipan naming gawin. Fund raising kami. Nanlilimot at naghahanap ng mga bakal, tanso, aluminum at maging mga bote pare paibenta sa magbobote bakal para makaipon ng pera. Pati nga yong mga ibang bata nagnungupit sa magulang maicontribute lang sa aming proyekto. Maging yong mga punong kahoy ng aming mga kapitbahay hindi nakaligtas. Niraraid ng aking mga kalaro ang mga puno lalo na ang puno ng cherry ni Ka Ablo at binebenta namin sa tindahan ni Ka Hiling para gawing burong cherry. Malalim na rin ang aming nahuhukay ng matigil aming Operation:Swimming Pool kasi napagalitan kami ng lola ko dahil sa ginagawa naming paghuhukay, kaya tiis na lang uli akosa drum at mobile shower ko.
Si Puti, si Hapon, si Kambanyaw, si Toli, si Gamboy, si Tandang, si Pating sila ang ilang sa mga kalaro ko. Mga alyas ng kapilyuhan at kainosentehan. Tuksuhan at kung minsan bugnutan ngunit pagkakatapos ng tampuhan muli na namang kaming magkakalaro at magkakasama. Buong araw mang kaming maglaro doon sa munti naming paraiso at fantasy land hindi kami nag-sasawa at titigil lang kami kapag tinatawag na ng mga magulang sapagkat madilim na o dili kaya palabas na ang aming paboritong panoorin sa telebisyon. Mundo naming minsan kami ang nabuhay na walang malay, walang iniisip na suliranin, lahat na pangarap ay para bagang abot kamay lamang, mundo ng mga bata- batuta, daidig ng saya at pantasya.
"sirit, sirit mantika
mahuli siyang taya ."
"may patong sa ulo
ikakasal sa sabado
inalis, inalis
ikakasal sa lunes."
" one thousand machine gun
hawak ko ay kapampangan
lulusubin ang timog vietnam
kung kami ay matatalo
darating si fernando
bratatatat, ubos ang german. "
Sa inyo aking mga kababata, utang ko ang hindi mababayarang saya at magagandang alaala, na babalikan ko at tatanawin kapag ako ay matanda na, nag-iisa at nangnuglila at alam kong muling babalik ang aking mga ngiti at sigla sapagkat minsan ako ay naging isang bata-batuta.
" bata-batuta
kain muta "
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
ako naranasan ko ang manlimas ng kanal at manghuli ng bulig. tapos naliligo kami sa creek. habulin ang mga dagang palay at prituhin na parang fried chicken. mamingwit ng palaka. i-raid yung tubuhan ni ka pilo sa likod ng bahay namin. gumawa ng bahay-bahayan gawa sa mga construction materials na tinapon sa gilid ng bahay namin. gumawa ng baril-barilan na de-goma at may balang aratilis. gumawa ng scooter mula sa mga lumang kahoy at bearing. manirador ng mga tuko. mamulot ng bote at ipapalit ng ice-drop dun sa diaryo-bote. hay, dami pa. nakainis ka atoy, gusto ko tuloy muling maging bata-batuta.
Wow, napaka hyper nyo naman fafatoy. Kaya mo bang lumipad pababa? :-))
Galing nyo ring sumulat ah, parang makata. Na experience mo rin ba ang hubot hubad na habulan? Lahat kase jan nalaro mo na.
Kung maalala mo, sana'y maibalik lang ang kahapon...
ayayay, akala ko ako ang pirs dito sana nag hi nalang muna ako. etong si Ka Uro talaga. Mas alisto pa sa aswang, tikbalang at maligno.
Cguro sumakay yan sa flying carpet mo fafatoy.
bata batuta!!!
Ganon yata talaga...when one gets older....he reminisces younger days....
No regrets...i hope...hehehehe
smiles..
--jun--
bigla akong napa-flash back sa kabataan ko ha. halos pareho tayo ng naranasan sa pagkabata, pero di kami gumawa ng swimming pool, may patubigan (irrigation) kasi sa bukid ng mga lola ko kaya dun kami lagi naliligo pag panahon ng taniman. Dun ako natutong manisid ng kalaro, hehehe.
...sanperang muta!
sali ako!!!
mas masarap ang maglaro noon, malinis pa ang mga batis, maraming mga punongkahoy, etc.
nakakalungkot na hindi na ito nararanasan ng mga bata ngayon.
hehehe kakatuwa naman balikan un.. sa amin no need gumawa ng swimming pool kac kapag tag-ulan bumabaha kaya dun naliligo ang mga bata hahaha un nga lng d ako pinapayagan ng mama ko :( pero masaya naman kapag nanghuhuli ng dalag ang mga tatay ko... kapag summer dun kami sa damuhan malapit sa bahay namin kahit pagulong-gulong ka dun d ka mababangasan... paborito ko noon panoorin c He-Man hehehe.... kahit taga-panood lng ako sa nagtutumbang preso at luksong baka, masaya na rin ako... wala kacng problema kundi kapag nagugutom...
i think lahat tayo gusto natin maging bata batuta ulit... :D
Mang Atoy galing mo! Pero teka may napansin akoh! ano yon,
bratatatat, ubos ang german. Nakuh sana di masali si manay Neng :)
"kain muta" nasubukan mo rin bang kain kulangot? hehe..
Hahaha, kay mareng Ethel.
Ako nasubukan kung kumain ng kulangot. Sabi sa nakakatanda kung kapatid bigyan daw niya ako ng .25cents.
Ayun tuwing mag-aaway kami, mabibili daw ako sa isang kulangot la-ang.
Mang Atoy, huh! sa comments ko dine diba ala akong sinabi na kumakain ako ng kulangot? hahaha...nagtanong lang ako sa iyo! Pero ayun si mareng Raquel, yikes! kumakain pala sya hahaha bigyan mo nga sya ng peso para buong dial ubos laman ng ilong hahaha cguro nung bata pa si kumareng Raquel di nya nasubukan ang ilong barado hahaha pasensya na mang Atoy si kumare ko kasi.
sa aking mga bagong kalaro,
KU tindi mo mahilig ka pala sa "exotic food" nabuhay ka na ba noong panahon ng giyera. Inabot ko rin yang trolley na bearing.
RAQUEL may sa tagabulag si KU kaya hindi mo napapansin pati mrs niyan nabulag niya, he,he, he. noong bata rin kami naliligo kami ng hubo. buti na lang hindi pa uso noon masyado cell phone na may camera. Bigyan ka raw ni Nang Ethel ng piso sa halip na .25 centavos para kumain ng sundot kalikot ng ilong.
TANGGERO mataas kasi lipa walang malaking ilog tapos na sa bayan pa kami. wala pa rin noong swimming pool nasa laguna tapos mga beach ang layo kaya tiyaga kami sa drum. kaya ka pala nagkasinus kasisid ng iyong kalaro. teka ano ba ang sinisisid mo talaba o baka naman kamoteng kahoy.
NENENG tama ka sanperang muta sa tunay pero yan ang kanta namin kain muta pang-asar sa ibang bata. naalala ko tuloy kanta ng asin sa comment mo KAPALIGIRAN. tayo na rin ang gumugunaw sa ating mundo. polusyon at walang habas na paninira ng ating kapaligiran.
RACHEL mababa kasi ang Bauan kaya may baha kung minsan. noon man naliligo rin kami sa ulan at nagtatampisaw sa baha.
ETHEL kanta lang namin yan noong bata. wala na si fernando di nakalusot sa kapampangan. piso nang ethel gawin mo kayang isang daan baka maraming pumatol sa hamon mo na kainana ng dinial up sa ilong.
BUKAS MAGLALARO TAYO NG TAGUAN PONG. TAPOS MAGPAPALIPAD NG KULASISI NG HARI.
Salamat sa sagot nyo fafatoy. Ganda kase posting nyo naalala ko tuloy nung ako ay musmos pa lang.
o cge, hanggang sa muli. Hugs and kisses to your tsikiting.
Mang Atoy, bagay sa post mo yung kanta ng Asin na "Itanong mo sa mga Bata"...
atchaka yung "batang-bata" ng apo hiking bagay din.
naiisip ko naman kanta ng VST co. Mabuti Pa Noong Bata. "mabuti pa noong bata, masaya. kapag may problema..."
Post a Comment