BUGTONG PART II
1.Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
2. Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa.
3.Isang reynang maraming matanasa gitna ang mga espada.
4.Heto na si Ingkong nakaupo sa lusong
5.Ate mo, ate ko,Ate ng lahat ng tao.
6.Hinila ko ang baging nag-iingay ang matsing
7.May puno walang bungamay dahon walang sanga.
8.Lumuluha walang mata lumalakad walang paa..
9.Kung kailan mo pinatay, saka humaba ang buhay
10. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
11.Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
12. Isang balong malalim, punung-puno ng patalim.
13Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
14.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo
15May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan.
16.Kung kailan tinakpan, saka pa nakaaninaw.
17. Sa silong naglalagi, basa pa ring lagi.
18Dalawang balong malalim, hindi maabot ng tingin.
19Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
20Heto na si Lelong, bubulong-bulong.
21. Inay mo, Inay ko, Kuwintas ng Bulaklak, Isinasabit ng may Galak
22. Kapatid niya ay kapilas ni Totoy, Tawag sa Batang Pinoy, Kapilas niya ay si Totong, Sapin sa Paa niya Kahoy ang Takong.
23. Sapagkat ako ay Batanggenyo, Ako ay may Punto, Siya ay Taga Hilaga, Lugal ng taga Bisaya
Sa inyo siya ay eh di ko sasabihin, Pero pag AKO NI pilit "EH! SASABIHIN" ko rin.
Eh! yong pong huling tatlo ay mayroong akong clue. Sila ay dalaga at mga ginang, pinalaki magalang, ng kanilang mga magulang, mga babaeng ubod ng rikit, sa kanila ay gusto kong maging sanggang dikit, sapagkat mahalagang araw sa kanila ay sasapit, sana imbitasyon sa akin ay di ipagkait, sapagkat sa kainan gusto kong makasabit. "HAPPY BIRTHDAY MGA ANGELS." "HAPPY BIRTHDAY, NANAY NA KASIMBANGO NG MGA KUWINTAS NG BULAKLAK!" (Sampaguita ha, hindi bulaklak ng katuray!)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
21 comments:
ang hirap nman nyan ka atoy. nauna nga ako dito kaso di ko alam ang sagot!!! hehhehe pero ako ata ang unang SIRITTTTTT
fafatoy, salamat po ng marami sa bugtong at tex, pero di ako sasagot kasi bday ko eh....
malamang alam lahat ito ni tin2, ung kafatid ni fafaKD at tita ann...hahaha
Ang hirap naman ng bugtong nyo mang AToy :) hhmmp..susubukan ko na rin :)
1. Guava
2. Balimbing
3. Pine apple
4. Kasoy
5. Atis pwede na ring ates :))
6. kampana
7. sandok
8. Ballpen ( 50/50 ako nito)
9. kandila ba? (??)
10.ampalaya
11. Bulb
12. Ay easy lang 'to bibig :)
13. anong klaseng kulisap yan? hhmm lamok?? not sure paru paru? ano yong may ilaw sa puwit yon na yon :))di ko yon alam sa tagalog eh.
14. gumamela flower
15. kumpisalan ??
16. my eye glass
17. Dila
18. Ears
19. saging ba, paborito ng MONKEY
20. ewan ko! hirap nito
21. Mommy :))))
22. Bakya hehehe
23.ayokong sabihin baka mangopya sila hehhe
Argh! pinapawisan ako!
21. kilala ko yan. bday nya today hayun at nagtatago! o nagtatago nga ba o may date? ah basta si mmy yan!
22. ay! paborito kong tambayan ang haybols nya pag ako'y inuumaga. si hitler yan nalaging naka bakya!
23. naku ang nag-iisang orig na manang ko yan dito sa blog! lagi yan may kasamang aso at tatlong pusa. si manang e...l yan!
Atoy, galeng mo naman gumawa ng bugtong! di ko na sasagutan yung iba kse di ko talaga alam ang sagot! LOL!
Hoy ATOOOOOY, narinig mo ba ako? Puede mangopya nalang ako?
Sorry mahina ako sa bugtungan.
Ay! saya ko! sabi ni mang Atoy valedictorian daw ako dine :)) oy..oy! mareng Raq, anong manyopya jan mang atoy pahiram ng kamagong ihanda ko yan para kay mareng Raq, hehe...
ay! di yon kamagong BATUTA! pwede na rin balisong,..hahaha..psensya na laking Mindanao ire :)))
Mang atoy, ano yong kulisap na may ilaw sa puwewet? :) di ko talaga yon alam sa tagalog, :))
ethel,
alitaptap! kumukutikutitap!
fafa atoy yun na lang daw walang sagot ni Ninang Ethel ang sagutin ni Tin2, tama raw kasi yata lahat.
#20- bubuyog daw
Tama ba?
ann,
tama sagot ni tin2 bubuyog sa # 20 baka di rin alam ng nang ethel pag tagalog bumble bee ito sa ingles.
mahina ako sa bugtungan, dugtungan na lang ng ano, hehehe.
galing ni ethel at tin2... nakuha lahat...
si tita-ninang neng ayaw pa magsalita, sayang ang hair.
happy bday din po ethel at tita-ninang neng.
tenk u fafatoy, tara inuman na....sa december po
Mareng Ethel, laking Mindanao din ako, bisdak na bisdak talaga. Ano ba yang kamagong, nakow, baka bininta mo na akow dito.
Ay! tama bumble bee pala yong #20, :))
e yong #13 ano kaya? basta not sure din ako sa alitaptap hehe..salamat mag atoy sa fireflies nyo :) di ko alam anong klaseng kulisap o hayop yang #13 hehe..baka butiki! huh! li'l alligator haha.. ang hirap di ko talaga alam :)) suko na!
Si mareng Raq pareho tayong bisdak, di mo alam ang kamagong? bahala ka! tanungin mo uli yong titser mo sa Filipino, palagi ka yatang absent sa klase eh.
mahina ako sa bugtungan kaya makikihapi-bertdey na lang sa mga angels at nang di ako maiwanan sa imbitasyon.
Deng,
di mo pa nasusubukan give up ka na. try and try parang nanliligaw kahit mabasted lipat naman doon sa kabila.
Mmy Lei,
Happy Birthday uli! uuwi ka ba sa december. siya nga pala si deng sa itaas yan mountaineer yan kilala niyuan siguro mga kailala mong mountaineer lalo na sa batangas.
Ethel,
halos lahat nasagot mo kaya ikaw ang first honor ngayon at outstanding student. sabi ng kumare mo dapat may premyo. ok pag umuwi ka ng pilipinas itaon mo ng mga april or may bibigyan kita ng sulat na bigyan ka ng isang kaing na manggang kinalabaw doon sa lupa namin sa batangas, gawin mo ng dalawang kaing. ok
Neneng,
ikaw pa naman inaasahan kong makakasagot ng lahat na bugtong. pero dahil bago ang hairdo mo bibigyan muna kita ng passing grade.
Darlene,
Nakuha mo lang yong sagot sa mga ANGELS na bugtong. pero dahil binola mo ako na mahusay akong gumawa ng bugtong papasa na rin kita basta may kapalit na apple.
Raaaaaaquuuuuuueeeeel,
yon bingiyan ko na ng premyo kumare mo kunin mo na lang sa kanya porsiyento. kung hindi garotehan mo na lang siya ng kamagong, yong kahoy na matigas na maiitim na madalas gamit sa batuta.
Tanggero,
siguro ng elemntary ka ang tamd mong sumagot ng mga tanong. sa halip panay ang drawing mo at peyborit mo art and recess. ano ba laman ng dringking bottle mo? gin or beer.
Ann,
nawala si Tin2 siya pa naman candidate sa 2nd honor. hindi bale si papa dyo na lang ang sasabitan ng medalyang tansan.
Haha...manggang kinalabaw masarap yon hindi maasim :) meron din kayong manggang kinabayo mang atoy?
Teka hwag mo na ring kalimutan sa sulat yong bagoong para pang pangsawsawan :))
ethel,
ok. isang boteng bagoong balayan. manggang kinabayo mukhang mas masarap yon. kaya lang may nagititinda sa amin ng mangga nakulong kasi napakasipag kinakabayo masyado ang pagtitinda. akala tuloy ng pulis kinakabayo mga mamimili .may tinda ng mangga may dala pang bike para maghasa. kaya sigaw niya mangga, hasa! mangga, hasa!
hapi bertdey na din !
ku,
di ko napansin comment mo! kala yong isang ku. yon pala si ku na orig. mahina ka sa bugtungan siguro gaya ka rin ni tanggerz magaling sa dugtungan. dugtungan mo na lang: ibig ko humin__
sa malaking pu__
paligid ay bul__
deng,
sino kilala mo mga mountaineer sa palibot ng lipa?
Post a Comment