11.18.2005

SALAWIKAIN

Pagkatapos ng Bugtong Mag-Salawikain naman tayo. May maidadagdag ba kayo sa mga salawikaing ito. Pwede sa sarili ninyong diyalekto kaya lang pakisalin sa Pilipino para maintindihan ng iba

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata, dalahanggang pagtanda.
Pag di ukol, ay di bubukol.
Kung sino ang masalitaay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap angtaong masipag.
Ako ang nagbayo ako ang nagsaing iba ang kumain.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.


Kung walang, tiyaga, walang nilaga.
Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kung may itinanim, may aanihin.
Huli man daw at magaling, naiihahabul din
Kung di ukol, di bubukol.
Kung may isinuksok, may madudukot
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo
Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
Ang bayaning nasusugatanNag-iibayo ang tapang.

Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Ang magalang na sagot, nakakapawi ng pagod.
Ang mabigat ay gumagaaan, kung pinagtutulungan.

Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
Ang umaayaw ay di nagwawagi,ang nagwawagi ay di umaayaw.
Malaking puno, ngunit walang lilim.

"Salawikaing" at quotation nabasa ko sa jeepney.

Nasa tao ang gawa....kaya madaming bata.
basta drayber sweet lover
basta lubak iwas basta butas pasak
Its foolish to argue with the pulis.
<___Passing side Suicide______>
No parking, sa hindi mo darling
God knows HUDAS not pay!

12 comments:

lws said...

blog hop po...madalas tayong magkasalubong kaya gusto kita batiin ng :) ngiti.

buwan
ibang klase ang ganda niya kagabi.
kung pwede ko lang siyang yakapin at iuwi.
kung pwede ko lang siyang hagkan sumandali
kung pwede ko lang pakawalan ang pagtitimpi

nixda said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

Haha..marami pa naman akong bisdak na salawikain hehe..(joke)

dati nung college pa ako pag sakay ko sa jeepney ito ang mabasa ko lagi;
Barya lang po sa umga! katas ng mangga haha..ewan ko, baka meron din silang kinalabaw na mangga gaya sa inyo mang atoy :)

at ito pa;
Kung sino man ang hindi marunong
magmahal sa sariling wika, ay mas
masahol pa sa mabahong isda.
titser mang atoy paki tama na rin po sa tagalog ko haha..

mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo, hehe..ok din 'to?

cge sibat na ako! Happy weekend

Raquel said...

Wow ang galing naman fafatoy. Ang mga readers mo mag alisto din hahaha.

Reading this salamwikain, it reminds me when I was in high school. Nakow ang hina ko sa Pilipino subject.

San mo ba nakuha ang mga ito? Simula sa bugtungan...salawikain...believe ako ah.

Anonymous said...

ay! madami kay mangkadyo, super! yon lang talaga ang nakayanan ko mangtoy hehe..lamang pa rin ako ke kumareng Raq kasi wala sa kanya palagi kasing absent sa Filipino subject eh, :)
nga pala, nahuli ka sa game ko, sinirado ko agad kasi yong kumpare mo nagwala dun, hindi paawat kaya muntikan na naming ilabas ang aming mga powers este kili kili powers kaya ayon sinrado ko agad. Haayan nyo pay next game pa at may pag asa pa rin kayong manalo :))
sige mangtoy sibat na ako at happy weekend sa inyo jan. CIAO

Mmy-Lei said...

ay dami na nila na-share, sige basa nalang ako dito...

happy weekend po.

Admin said...

wowowie!!! galing ni fafa atoy...tinipon mo yata lahat ah... hehehehe...

ito naman po ay mga nababasa ko minsan sa sasakyan...minsan forwaded text messages...etc.

Bato bato sa langit... ang tamaan may BUKOL!!!

Kapag binato ka ng tinapay... batuhin mo ng kape...(para may maitimpla) hahahaha

Nasa Diyos ang awa...pero ang tao walang ginagawa.

Aanhin pa ang damo...kung patay na ang User.

Ang lahat ng hirap...may langit na katumbas.

It is hard to face ur problem...if your problem is your face. =)

nixda said...
This comment has been removed by a blog administrator.
RAY said...

J,
kumusta binibini,
isa ring manunulumpati.
sa yong mga pagtutugma
ako ay napapahanga
ili-link kita
ng ako ay may makasama
samahang balagtas
ating ibabalangkas.

Neneng,
maligayang kaarawan sa lunes.

Ethel,
ano ba diyalekto niyo cebuano o ilonggo?

Kadyo,
ang gaganda naman ng mga variation ng iyong salawikain saan mo nagpahahagip yan. sa baul ni Tiyo Pot o kay Tiyo Paeng

Raquel,
sa cagayan de oro ba ano ang diyalekto ng mga tao?

Mmy Lei,
ok. kelan ka babalik sa blogging

May Shella,
dami ka ring alam. san ba yan nagmula sa kukote ni kukote

Neneng,
hindi ka talaga magpalamang kay KaDyo. may sibling rivalry ba kayo?

Raquel said...

bisdak na bisdak talaga fafatoy.

Deng's Outdoor World and Travel said...

pag daw may tiyaga, may nilabon!!! heheheh...

ang tumalon ng mataas, sa lupa din ang bagsak!

fafa atoy ala na ako maisip eh, ala ako sa hulog ngayon barik pa eh

nixda said...
This comment has been removed by a blog administrator.