11.10.2005

BUGTONG

Bugtongan Tayo !!!

1. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
2. Nagtago si Pedro, labas ang ulo.

3. Isang Prinsesa, nakaupo sa tasa.
4. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.
5. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
6. Dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit.
7. Sampung magkakapatid, nag-uunahang pumanhik.
8. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
9. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
10. Buto't balat, lumilipad.
11. Bumbong ko sa sulok, pera ang nilulunok.

12. Nakakaluto'y walang init, umuusok kahit na malamig.
13. Dalawang bundok, may holen sa tuktok

14. Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis.
15. May binti, walang hita, may tuktok, walang mukha.
16. Munting tampipi, punong-puno ng salapi.
17. Dumaan si Tarzan, nabiyak ang daan.
18. Mula ulo hanggang puwitan, puro paa ang katawan.
19. Binili ko ng patay, itinapon ko ng buhay.
20. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sa makakasagot nitong lahat, eh ako eh hanga!

27 comments:

Mmy-Lei said...

1. Gunting
2. Pako
3. Kasoy
4. Bibig
5. Sampayan
6. Mata
7.
8. Aso
9. Sumbrero
10. Saranggola (ni Pepe)
11. Alkansya
12.
13. Hehehe, (good for baby n daddy)
14. Sili
15. Anino ???
16. Pitaka ???
17. Zipper
18. gagamba ??
19. Yosi
20. Banig

Babalik ako, para ihabol ung iba pang sagot...hehehe

racky said...
This comment has been removed by a blog administrator.
KaDyo said...

1. Si kaka pidyong yan 108 yrs old na
2. Si Peter pan yan, naglalaro sila ni tinker bell ng taguan -pung.
3. Yung baby ni nenegsky yan..di ba balae.
4. Yan ang mga traps na ginawa ng mga hunters upang mahuli ang mabangis na baboy ramo.
5. Bading hehe
6. Yan sana gagamitin ni jack (sa jack & the beanstack) na pababa mula sa bahay ng giant kung hindi ito nagising.
7.ainan naaaaa..sabi ng nanay.
8. Si dagul?
9. Dating NBA player na laos na kinuha mong maid?
10. Ibong may sakit na bolimia
11. Slot machine
12. Dry Ice
13. hmmmm Mt. Apo at Mt. makiling?
14. bagong breed na isda
15. lamesa na gawa sa narra
16. kaha de yero ni fafa atoy
17. ang taba na pala ni tarzan ngayon.
18. Paa ng higante
19. ang yaman-yaman na embalsamador nyan.
20. hing tech na roofing?

perfect ba fafa asan premyo ko hehe

tin2 said...

1.gunting
2.pako
3.kasoy
4.bibig
5.sampayan
6.mata
7.paa(daliri)
8.aso
9.sumbrero
10.kite
11.alkansya
12.yelo
13.boobs
14.sili
15.mesa
16.sili
17.zipper
18.spider/alimango??
19.sigarilyo
20.banig

Ethel said...

Mang Atoy,pinaliit ko po mata ko habang nag tataype kasi baka sabihin mong nangopya ako. :)
1. Gunting ng lola ko
2. Pako partner ng martilyo
3. Kasoy na mapakla
4. Bibig pag naka bukaka
5. Sampayan ng neighbor ko
6. Mata na may pilik
7. Daliri ko habang nag tatype ako dine
8. Aso yan si churchill ko
9. Sumbrero pwede na rin umbrella
10. Saranggola ko dati na tingting
11. Piggy bank pwede rin bamboo bank
12. ICE or hard water
13. eh, sa lola ko bumaliktad na po ang holen bumaba at fried egg pag nakahiga
14. Sili na maanghang
15. round table
16. Pitaka ng mister ko :)
17. Zipper nga.
18. millipids, centipids, spider, crabs, hipon, lobster pili lang
19. Philip Morris
20. Banig

Mang Atoy ang akala ko po ang station nyo sa mid. east :) nga pala yong A.S sa blog ko kumpare mo yon. :)

racky said...

waaaahhh!!! c faffi Kaddi di original pagsagot...pati si tarzan ko pinakialaman.

atoy said...

Ang gagaling naman ninyo. sa totoo lang hindi ko alam sagot lahat. sa inyong pagsagot lang narecall ko ang tamang kasagutan.
mmy lei,
kala ko ang sagot sa no. 5 ay ibong adarna, kasi papalit palit ng kulay ng pakpak. teka naconfuse yata ako bird of paradise yata.
neneng,
si tarsan ba o malaking cheetah ang nakikita mo pagbinubuksan. subukan mo taga nz "KingKOng "makikita mo.( o direk peter jackson plugging na yan para sa movie, after LOTR ala ba libreng passes sa premiere night)
Kadyo,
ang galing ng imahinasyon mo. kaya lang nagalit si neng dahil inagaw mo tarzan kasi copyright na niya yon.
tin2,
hello, isa ka ring bugtong sa akin, hinuhulaan ko kung sino ka? welcome to my playground.ang galing mo, nasagot mo lahat.
ethel,
genius ko pala sa bugtungan. akala ko alam mo lang na laro monkey-monkey sa baraha. palakihin mo na uli yong mata kasi baka hindi mo makita si Kingkong kapag binuksan mo dinadaanan ni Tarzan.he, he, he. Si A.S. nasaan na ba ngayon sa lupain ng mga sakang o nasa bansang pinagmulan.

Ka Uro said...

nahulaan na lahat eh. contribute ako ng iba naman.

1. sinundot, binilog, pinitik
2. pinatitigas bago ipasok

walang bastos sa mga ito. for general patronage lahat.

Tanggero said...

naduling ako, hehehehe, inuman na lang fafatoy!

racky said...

si fafa KU may bugtong din! okei

1. mahilig laruin yan ng mga taga-Singapo
2. hmmm... ang tanong, san ba yan ipapasok?

fafatoy, KingKong lang? kala ko c Godzilla, mas matapang siya di bah? hehehe

ann said...

fafa atoy, si tin2 namin ni KD yon, nagpaalam sa akin na kung pwede raw nyang sagutan, pinayagan ko...para di ka na mag-isip..meron din kasing blogger na tin2 .

Flex J! said...

nahuli ako at nasagutan napala lahat!!!!

Owen FV said...

nasagutan na ata lahat! naalala ko tuloy nung bata ako, parati kong tinatalo yung dalawa kong kapatid. katuwa!

atoy said...

KU,
foreign matter na dinidial up sa ilong. sinulid na ipinapasok sa butas ng karayom
TANGGERZ,
napadala ko na cc. saka na muna pc. merry xmas.
NENENG,
Godzilla malaki lang butiki yon, maganda kingkong mammal, mainit, mabalahibo
ANN,
ang galing pala ni tintin sa bugtong. nakapagaral ba siya sa atin. hanggang anong grade. sa elementary kasi tinituro yan sa atin.
FLEX J
kaya yong ipadadala mopng xmas gift ipadala mo na at ng hindi nahuhuli. pwede sa akin gift voucher or cash.
OWEN FV,
magaling ka pala sa bugtong noong bata. alam mo ba sagot dito? "Sa umaga aquaman, sa gabi superman"

Anonymous said...

naks, grabe ang hirap ng mga bugtong na un! buti nasagot na lahat...at may pahabol pa pra ke owen, hehehe...

hmm..ano kaya yang aquaman sa umaga, superman sa gabi...

BUWAN!

opps!, hehehe...

musta repaks, dito pa po ako, nakikipag-tunggali, hahaha...nakikipag-away, hahaha...

a. s.!

nga pla, pakisabi po ke fafa kd na galing nako dun sa kanya...madamdamin dun...pero saludo ako sa busilak nyang puso, sana maturuan din ako ng ganon...

ann said...

fafa atoy, dito na sya mula nursery pero may filipino subject sila, pinag-aaralan nga nila yang mga bugtong at palaisipan.

Happy weekend!

deng said...

waaaaa nahuli ako (sinadya ko ata eh) heheh ang saya ng bugtngan. hiihhii

lumipad si superman, nabanga at nalaglag si batman. nabuntis si wonder woman! hehehhe

KaDyo said...

fafa atoy sasagutin ko lang yung bugtong ni fafa KU
1. kilikili, ulo, ilong
2. hmmmm daliri bago mangulangot heheh

JO said...

kakatuwa naman ito... happy weekend!

DOPS said...

alam ko na! palaka!

Dops

DOPS said...

ah hinde, hehehhe...

LAMOK!!!!

Dops

atoy said...

anonymous,
hindi buwan. try again.
ann,
para palang sa atin ang curriculum diyan. mga pinoy teacher siguro pati affiliation ng school.
deng,
anong sagot sa bugtong mo. hindi ko yata alam ah.
jo,
hello.
kadyo,
sino kaya sa atin ang tama ang sagot. tanong natin kay fafa ku
dops,
mr anonymous kanina sala, isa mo pa uling try muntik na, last try tama. lamok.

darlene said...

fafa atoy sana may part 2 yung bugtungan mo! an saya!

deng said...

ka atoy numero 5 po!! lumipad un guhitsa ibabaw, nalaglag yun guhit pababa at buntis yun pa kurba! hehehhe

b i m e e said...

SaNa magLagay naman Po kayo ng bagO at mas marami... nakakaaiLiw ang mga cOmment ng niLa... Parang mga bata..jejeje... batang-isip paLa!! toink!! ceBuanO rOckz.. yeh... ♥ b i m e e ♥

h a z e l said...

mgnda ung mga bgtng

astig to said...

1.gunting
2.pako
3.kasoy
4.bibig
5.sampayan
6.mata
7.paa(daliri)
8.aso
9.sumbrero
10.saranggola
11.alkansya
12.yelo
13.boobs
14.sili
15.mesa
16.pitaka
17.zipper
18.spider/alimango
19.sigarilyo
20.banig
humanga ka sa magaling wag sa mahina ang utak katulad ko matalino
JOKE LANG!