11.30.2005

PAGBATI PARA SA BAYANING MULA SA MASA





MALIGAYANG KAARAWAN, KA ANDRES!





Para sa nais malaman ang kuwento ng kanyang buhay www.bakbakan.org/heroes.html



Nakakalungkot lang gunitain na ang kumitil din sa iyong buhay ay kapwa mo Pilipino. Biktima ka ng politika, rehiyonalismo at inggit na hanggang ngayon ay patuloy pa ring sumisira at umiiral sa ating bansa at sa kalipunan ng mga Pilipino sa loob man at labas ng bansa. Kahit dito man sa blogging world intriga at politika at inggit ay sumisira at kumikitil ng pag-asang umusbong ang tunay na diwa ng pagkakaisa at pagsama-sama ng mga pinoy para sa kabutihan ng lahat. Kailan kaya magkakaisang tunay ang mga Pilipino? Magdiwang ka ba o Magdalo? MAGKAISA!

4 comments:

Ethel said...

Tama mangToy, sana MAGKAISA tayong lahat..Hapi birthday na rin kay Ka Andres :)
Naalala ko tuloy dati, sabi ng mama kong ipinanganak daw ako ng Nov. 30 ang ipangalan daw nya sa akin ay Bonifacia waahhh :)
maraming salamat uli mangtoy!
have a great week sa inyong lahat jan.

KaDyo said...

tama ka fafy na dapat tayong mag-kaisa at hindi magkanya-kanya. natatandaan ko pa yung aking nasirang lolo, sabi nya ang walis tingting daw at mainam na pangwalis ng dumi sa bakuran ngunit subukan mong tanggalin ang bigkis...hindi na sya magagamit.

welcome back nga pala faffy we miss you heheh

J said...

maligayang kaarawan sa tunay na bayani:) at tama MAGKAISA.

*WELKAM BAK*

Ghie said...

Welcome back po!!

Sana nga po at tayong lahat ay magkaisa!

God bless