10.22.2005

DIKSYONARYONG BATANGGENYO

Dugong Ala Eh

The unofficial Batangas Dictionary

Alid -Tuyong dilis
Amos -dumi sa mukha
Anlalawa -gagamba
Antak- atake ng sakit
Apta- maliit na hipon
Arak -mayabang
A-re -ito
Asbad- palo
Asbag -kabag
Asbok -usok
Awas -apaw
Babag -away
Bahaw- kaning malamig
Baklay -sakla
Balinghoy -Kamoteng Kahoy
Balingusan- ibabaw ng ilong
Balisbisan -Gilid ng bahay
Banas -alinsangan
Bangyaw -Malaking langaw
Barik- inom ng alak
Bigtal- pilas
Bilot tuta
Binangi Inihaw
Bithay salaan ng bigas o mais
Biting maliit na piraso
Bu-alaw Nilagang butil ng mais
Bug-ong pagkaing binalot sa dahon ng saging
Bungkok patay
Buog tulog
Dag-is Ire
Dinoldol bibingkang yari sa mais
Dulos pandukal ng damo
Galgal pilyo
Galpong giniling na kape o bigas
Gamas pag-aalis ng damo
Gambol lamog
Guyam maliit na langgam
Halyas tinadtad na puno ng saging
Hambo ligo
Hawot tuyo
Ingli kilos
Kalamonding kalamansi
Kalangkang pinasingawang ginadgad na kamoteng kahoy
Kampit kutsilyo
Karibok kagulo
Kasmura sikmura
Kawot malaking sandok
Kostal sako
Labon laga
Ligawgaw kiliti
Ligwak tapon ng likido
Lilik karit
Lintog lapnos
Liwat salin
Magkusi magluto
Mam-in ikmo
Manghinaw maghugas
Matam-is asukal
Mulay barya
Mura buko
Mutaktak alam
Pagaw malat
Pagerper kalapating mababa ang lipar
Pakilasa pakiramdam
Palarusdos Bilo-bilo
Panggang sobra ang pagka-ihaw
Pangkal Tamad
Patikad mabilis na takbo
Pikloy pantal
Pinindot Bilo-bilo
Pitik gagamba
Purunggo basag na bote
Puthaw maliit na palakol
Sakol kain nang nakakamay
Sakre gahaman, sakim
Samlang bastos
Sampilong mahinang sampal
Sangkaka matamis na bao
Sanglay ginataang malagkit
Sapaton tsinelas
Sereno hamog
Simod Takaw
Sintones dalandan
Sungaba subasob
Supok sunog
Tabayag upo (gulay)
Takid tisod
Talpog sunog
Tangkal kulungan ng manok
Tangla istambay
Tibunglus ilawan
Tikin pangsungkit ng prutas
Tindagan pantusok ng bar-b-que
Tubal maruming damit
Tuklap tanggal ang balat
Tuklong kapilya
Tulyasi malaking kawa
Tungko kalan

14 comments:

KaDyo said...

alam mo fafa nakikita ko lang ang mga salitang ito sa mga tagalog crossword puzzle (ano ba sa tagalog un). Nice info, dami ko tuloynatutunan na malalalim (sobra) na tagalog hehehe.

alam ko lang na langaw na malaki ay bangaw...bangyaw pala =)

Des said...

hmmm, mukhang hindi ko pwedeng i-claim na trulili akong batanguena ah! as i was going through the list, i realized i never used nor heard of most of them.

Tanggero said...

ti-nest ko si esmi, alam nya halos lahat. Tawa ng tawa sya habang binabagkis ko yung mga salita, malambot kasi tagalog ko, hehehe. Paborito ko bu-alaw nung bata ako, binatog sa amin yun.

racky said...

kaka, bahaw at kalamonding lang ang alam ko dati... mabuti naman at nadagdagan na ngayon ang talasalitaan ko. (tama ba?)

may dalawa pa nga palang sumabit, sina nebuchadnezar at ashurbanipal! hehe

Ethel said...

Mang Atoy, ngayon ko lang a-re narinig ang iba hehehe
Asbag pala yong kabag, eh pag nasa ulo yong kabag ano yon sa diksyonaryong batanggenyo? :)

DOPS said...
This comment has been removed by a blog administrator.
DOPS said...

tangkal? sa manok lng sa baboy un ah...hehehe

-Dops

ann said...

hello fafa atoy, yung "antak" sa amin sa Pampanga medyo bastos, di ko na lang sabihin meaning.hehehe. Baka si fafa KU alam yon.

deng said...

ano po sa kapangpangan yun "antak"?

ka atoy baka may nilaga ka diyang balinghoy at barakong kape. hehhehhe

Louie Victor said...

kabayang atoy! kaganda ga naring iyong talasalitaan!ay pwede ko gang ilagay ari sa aming blogsite sa sfsminor?ay iyo namang alam na kami ay puro mga taga batangas....

Louie Victor said...

pangdagdag sa iyong lista. Narinig ko ari sa aking mga lolo at lola:

mahalabid - mapatid
mayapaw - maapakan
latuk-mababang mesa
tacho-kawaling yari sa tanso
panghiso-sepilyo-toothbrush
kaligya-di magkamayaw
baktot-dala/buhat
himatlugin-aantok antok
piral-pingot ng tenga
maantut-mabaho
balais-atat na atat
kalaghara-plema
darahik-matinding ubo
malag-tanga
ulaga-loko
pang-os-kain ng tubo (sugarcane)
kagampan-kabaliktaran ng kuba
pinais-binalot sa dahon
banyos-punasan ng bimpong basa
halukipkip-naka krus ang mga braso
portamoneda-lalagyan ng mulay
bagol-1 sentimo
karachucha-mga mulay na balot sa papel
kalabukab-walanghiya/pilyo
naglalandi-naglalaro ng tubig
balisusu-binalot sa papel
naghawan-naubos
takla-umiere para maglabas ng sama ng loob
sulimpat-maliit ang isang mata
kasmot-kalbo
batidor-lutuan ng tabliya
tabliya-bilog na chocolate
lusong-bayuhan ng palay atbp
tigib-puno'
ulandes-blonde
hinanggit-hinablot
aspiki-palo
garute-parusang mabigat
tiwarik-nakabitin na nakatali ang paa
nagtulay-nakatayo
labong-atcharang murang niyog
istandarte-gamit sa prusisyon
sinilas-havayanas
uban-puting buhok
daguum-parang kulog sa lakas
dagasa-masama ang pagkabagsak
pinlid/binlid-hindi buong bigas
kalahig-hila-hila
kuritas-band-aid
bulugan-kalabaw na lalaki
tagayan-bowl
harok-hilik
pundiyo-parte ng pantalon sa baba ng zipper
agua de pataranta-alak

Ipat Luna said...

balingunguy - nosebleed
ngimay - paninigas, pamimitig
bigwas - palo

at lahat nang nandito sa kwentong ito:
http://ipatluna.multiply.com/journal/item/71/Hilarious_Batangas_PG-rated_story

Richard Macalintal said...

wow...haba ng listahan ah.

Richard Macalintal said...

meron din akong list dito.... www.batanggenyo.net